BATANGAS – Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong love triangle at ilegal na droga sa pagdukot ng hindi kilalang armadong grupo sa anim na magkakaibigan sa Nasugbu-Tagaytay Highway noong nakaraang Biyernes. Napag-alaman, isa sa dalawang babaeng nakaligtas sa insidente ay boyfriend umano ng isang Chinese national na nakaaway ng mga biktima bago magtungo sa kanilang outing. Habang ayon kay Police Captain Errol Frejas, hepe ng Laurel Police, isa sa mga biktima ay may kasong ilegal na droga noong Nobyembre 2020 sa San Jose, Batangas. Kaugnay nito, makalipas ang limang araw,…
Read MoreAuthor: admin 2
1 PATAY, 3 SUGATAN SA SUNOG SA QC
PATAY ang 21-anyos na dalaga habang bahagyang nalapnos naman ang tatlo pa nitong kapamilya makaraang magliyab ang inuupahan nilang bahay noong Martes ng madaling araw sa Brgy. San Agustin, Quezon City. Kinilala ang biktimang si Melanie Escomo Trinidad, 21, habang dumanas ng 2nd degree burns ang mga kapamilya niyang sina Belen Trinidad, 49; Sunday Ariza, 32, at Luzviminda Trinidad, 47, pawang nangungupahan sa L11, B16, Joselito St., Greenfield 3 Subd., Brgy. San Agustin, Quezon City. Ayon sa report ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), nangyari ang insidente bandang alas-2:05 ng madaling araw noong Nobyembre…
Read MoreGOV’T CONTRACTS NI ROSE LIN, FAKE NEWS
ITINANGGI ng negosyanteng si Rose Lin na mayroon siyang kontrata sa gobyerno matapos ikabit ang Pharmally Biological sa Pharmally Pharmaceutical Corporation na sangkot sa multi-bilyonganomalya sa pagbili ng medical supply laban sa COVID-19 noong nakaraang taon. Sa paha yag, sinabi ni Lin na walang katotohanan na sister company ng Pharmally Biological ang Pharmally pharmaceutical. “Nakarating po sa akin, sa pamamagitan ng aking mga tagasuporta, ang malisyosong pagpapakalat ng mga akusasyon at maling impormasyon laban sa inyong lingkod, sa kabila ng aking pagpupursiging maging maayos, malinis, at marangal ang ating pangangampanya,”…
Read More1 PATAY SA COVID SA MALABON
NAKAPAGTALA ng isang namatay sa COVID-19 ang Malabon City noong Nobyembre 2 habang18 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 21,163 ang positive cases sa siyudad, 81 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Baritan (1), Catmon (1), Dampalit (1), Longos (2), Potrero (5), Santulan (1), Tañong (1), at Tugatog (6). Sa kabilang banda, 21 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa lungsod. Sila ay mula sa Barangays Catmon (2), Concepcion (3), Dampalit (2), Longos (3), Maysilo (1), Potrero (5), Santulan…
Read More6 KATAO ARESTADO SA P200K SHABU
ARESTADO ang 6 katao, kabilang ang isang Lalamove driver, sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Quezon City Police District sa lungsod na ito. Ang arestadong mga suspek ay kinilala ni P/Lt. Col. Joewie Lucas, commander ng Fairview Police Station 5 ng QCPD, na sina Willy Santos, 29, Lalamove driver; Nico John Mark Santos, 27; Kristina Cassandra Santiano, 18; at Reyslie Marie Baier, 18-anyos. Pasado alas-12:00 ng madaling araw kahapon nang maaresto ang apat sa Camaro St., Brgy. Greater Fairview, Quezon City at nakumpiska ang 15 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P102,000 ang halaga, cellular phone, at ang buy-bust money. Kinilala naman ni P/Lt. Col. Von June…
Read MoreAnim na taon nagtago MOST WANTED SA OZAMIZ, TIMBOG SA TONDO
MAKARAAN ang halos anim na taong pagtatago sa batas, arestado ang isang 39-anyos na most wanted person makaraang matunton sa isang compound sa North Harbor sa Tondo, Manila noong Martes ng hapon. Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judge Edmundo Pintac ng Regional Trial Court Branch 15, 10th Judicial Region ng Ozamis City, inaresto ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Joshua Caroro y Lumacad, may asawa, driver at nanunuluyan sa #25 Eucalyptus St., Western Bicutan, Taguig City dahil sa kasong paglabag sa Republic Acts 9262 o Violations…
Read MoreMARKET HELPER PATAY SA KAPUSTAHAN SA ONLINE SABONG
PATAY ang isang 38-anyos na market helper makaraang tadtarin ng saksak ng kanyang kapustahan sa online sabong sa Carmen Planas St., Binondo, Manila. Kinilala ang biktimang si Jeffrey Mirabona, ng Blk. 36, Kaunlaran Village, Dagat-dagatan, Caloocan City. Habang tinutugis naman ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si alyas “Waray”. Base sa ulat na isinumite ni Det. Teody Seguen kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-5:30 ng madaling araw nitong Miyerkoles nang mangyari ang krimen sa Carmen Planas St.sa Binondo. Ayon sa ulat, nang magkita…
Read MoreWalang kadala-dala SIBUYAS NA NAMAN!
HINDI pa man ganap na natutugunan ang hinaing ng mga magsasakang apektado sa pagbaha ng mga smuggled na gulay sa mga pamilihan, isang tangkang pagpupuslit na naman ng mga sibuyas mula sa bansang Tsina ang nabulilyaso ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Cagayan de Oro nito lamang nakaraang linggo. Sa tala ng kawanihan, hindi bababa sa P6 milyong halaga ng mga pulang sibuyas na inangkat ng Hao International Trading ang nasabat sa tatlong 40-footer container na unang idineklarang naglalaman umano ng “frozen malt” at “wanton skin”. Batay…
Read More7 tanggapan ng BOC ISO CERTIFIED NA
SA layuning mapagbuti ang pagtugon sa mandato, naipasa ng pitong tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigpit na panuntunan para masungkit ang inaasam na ISO 9001:2015 Quality Management System (ISO QMS) Certification bilang patunay ng mas pinahusay na serbisyo. Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na patuloy pa nilang pag-iibayuhin ang serbisyo, kasabay ng modernisasyon ng mga pasilidad sa iba’t ibang panig ng bansa sa hangaring makasabay sa larangan ng kalakalan sa iba pang panig ng daigdig. Kabilang sa mga tanggapan ng kawanihang nakasungkit ng ISO Certification ang Port…
Read More