TIMBOG sa mahigpit na pagbabantay ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P8.62-milyong halaga ng party drugs na inangkat pa mula sa mga bansang Netherlands, Germany at Malaysia. Sa ulat ng kawanihan, ikinubli ang mga nakumpiskang ecstasy and ketamine (droga para sa mga kabayong pangkarera) sa mga bagaheng idineklara bilang laruang pambata, bag na pang-eskwela, mga termos, sapatos pambata, sombrero, mga pangkulay sa eskwela. Batay sa mga dokumentong kalakip ng mga nasabing bagahe, magkakahiwalay na nasabat ng mga operatiba ang…
Read MoreAuthor: admin 2
IMBESTIGAHAN NATIN ALAGANG SOBRE SA BOC
AMININ man o hindi ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC), mananatili ang katiwalian sa kanilang kawanihan – hindi dahil yan ang nais nila, kundi dahil ang kultura ng lagayan nakasanayan na. Sa isang huntahan, hayagang sinabi ng isang customs broker na naging bahagi na ng kanilang trabaho ang mag-abot ng sobre sa mga kawani ng BOC sa hangarin mapabilis ang release ng kanilang kargamentong nakalagak sa Aduana. Hindi man na direktang tinatarahan, malinaw naman kasi sa mga broker ang pahiwatig sa likod ng mga pagka-antala sa paglabas ng kargamento.…
Read MoreOil smugglers binalaan WALANG MARKA, MATIK KUMPISKA
SA gitna ng kabi-kabilang protesta kaugnay ng lingguhang pagpapataw ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, binalaan naman ng bureau of customs (BOC) ang mga negosyante laban sa pagsasamantala at pagpupuslit ng langis papasok sa bansa. Babala pa ni Port of Limay district collector Atty. William Balayo, hindi sila magdadalawang-isip na embarguhin lahat ng mga kargamentong langis na walang kaukulang dokumento at permiso. Bukod sa langis, kukumpiskahin din ani Balayo maging ang sasakyang ginagamit sa pagbibiyahe ng mga klasipikadong iligal na kargamento. “Confiscation po ng fuel product at vehicle kung hindi…
Read MoreCOMELEC SPOX SAYS ‘NO CLEAR CASE’ FOR THE DISQUALIFICATION BID AGAINST BONGBONG
COMELEC spokesperson James Jimenez on Wednesday said the disqualification case filed against Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. has no clear basis. Jimenez noted that in order to be disqualified, a candidate must have been convicted of a crime constituting “moral turpitude,” or an offense with at least an 18-month jail term. According to Jimenez, Bongbong does not fit the criteria, and that there is no clear basis for the disqualification case. “He doesn’t meet this criteria. Right now there is no clear case for disqualification,” Jimenez said in an…
Read MorePELIGRO NG MGA JOURNO
NAKALULUNGKOT isiping walang kinahinatnan ang pangakong binitawan ng Philippine National Police (PNP) na tuntunin, tukuyin at panagutin ang utak sa likod ng pamamaslang sa peryodistang si Gwenn Salamida nitong nakalipas na buwan ng Agosto sa loob mismo ng kanyang salon sa Quezon City. Sa pagkakadakip ng dalawang suspek nagwakas ang kwento ni Gwenn. Ang asam na pagpapanagot sa utak ng pamamaslang, natapos sa pangako. Ang mastermind, malaya at hayahay – bagay na nakakapanindig balahibo para sa susunod na peryodistang target ng impakto. Ang totoo, hindi lang si Gwenn ang pinaslang…
Read MoreANG KAPAL NINYO!!!
KILALANG partido, susuporta raw kay Partido Federal ng Pilipinas presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pero ang dami namang DEMANDS!!! Napag-alaman ko mula sa aking mapagkakatiwalaang source na nakipagpulong kay BBM ang naturang partido at sinabi raw na ibibigay nila ang kanilang buong suporta kay BBM sa darating na halalan. Subalit mayroong kapalit na hindi naman naging katanggap-tanggap sa panig ni BBM. Sinabi ng aking source na nito lamang nakalipas na mga linggo naganap ang naturang pagpupulong na hindi ito gaanong nagtagal, dahil sa sobrang dami ng demand ng naturang…
Read MoreAMINADONG SALING-PUSA
AMINADONG SALING-PUSA WALA na marahil mas gaganda pa sa isang lipunang demokratiko kung saan ang sentimyento ng nakararami ang higit na matimbang kaysa yaman, luho o kapritso ng iilan. Isang patunay ng pamamayani ng tinig ng mamamayan ay ang halalan. Subalit sa pagkagahaman ng mga hayok sa kapangyarihan, sukdulang gawing kenkoy ang dapat sana’y sagradong proseso sa pagpili ng liderato. Bakit nga ba hindi makekenkoy ang halalan kung ang mismong kandidato ay aminadong inobliga lamang ng kanyang panginoon para maghain ng kandidatura sa hangaring maglaan ng pwesto para sa…
Read MorePDU30 DADALO SA VIRTUAL APEC
INAASAHANG dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Week sa Nobyembre 12, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Ang bansang New Zealand ang magho-host ng nasabing event. Ang APEC ay isang regional economic forum na itinatag noong 1989 na naglalayong lumikha ng “greater prosperity” para sa mga tao sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpo-promote ng “balanced, inclusive, sustainable, innovative and secure growth” at pag-arangkada sa regional economic integration, ayon sa kanilang official website. Ang 21 member economies ng APEC ay Australia; Brunei Darussalam; Canada;…
Read MorePAG-ALIS SA ILANG ‘PINE GAP’ EPISODES PINABORAN NG MALAKANYANG
PABOR ang Malakanyang sa panawagan at hakbang ng Movie, and Television Classification and Regulatory Board (MTRCB) sa streaming service Netflix na alisin ang mga episodes ng Pine Gap series na nagtatampok sa expansive nine-dash line claim ng China sa buong South China Sea. Tinukoy ni Presidential spokesperson Harry Roque ang Netflix drama series ukol sa United States-Australia joint defense facility Pine Gap at spy work. “Yes, we support that. MTRCB is under the Office of the President,” ayon kay Roque. “The Department of Foreign Affairs also said that such episodes…
Read More