Anti-crime group kay Gov. Suarez DUMISTANSYA SA KASO VS. MAYORALTY BET

PINADIDISTANSYA ng grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc. si Quezon Gov. Danilo Suarez sa kasong kinakaharap ng isa niyang kaalyado. Apela ng grupo sa pamumuno ni Prof. Salvador de Guzman, hindi dapat makialam ang gobernador sa pagdinig sa mga kasong kidnapping and serious illegal detention with rape and child abuse na isinampa ng isang kasambahay sa isang konsehal at mayoralty candidate sa bayan ng Lopez, Quezon. Ayon kay Prop. Val Guevarra, spokesperson ng nasabing anti-crime group, hindi dapat pakialaman ni Suarez ang kaso ni Lopez…

Read More

PULISYA BLANGKO SA MOTIBO SA DINOY MURDER

NANANATILING blanko ang pulisya sa motibo at maging sa mga salarin sa likod ng pamamaslang sa ika-21 peryodistang napatay sa ilalim ng rehimeng Duterte, sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur. Gayunpaman, tiniyak ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Undersecretary Joel Egco na hahawakan ng isang special investigation task group (SITG) ang pagsisiyasat sa insidente ng pamamaril kay dating SAKSI Ngayon correspondent Orlando “Dondon” Dinoy sa loob ng broadcast booth nito sa apartment na tinutuluyan nito lamang nakaraang Oktubre 30. Pagtitiyak pa ng opisyal na dati ring…

Read More

GEOGRAPHICAL CHALLENGE SA BARMM VACCINATION

DALAWANG dahilan ang nakikita ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo na nagsisilbing balakid para maabot ang mataas sanang vaccination rate sa rehiyon. Ang paliwanag ni Minister Sinarimbo, isa na rito ang layo-layong island municipalities kagaya ng nasa Tawi-Tawi, Sulu at Basilan. Lubhang mahirap aniyang abutin ang mga tao sa nabanggit na komunidad na nangangailangang sadyain sa pamamagitan ng pagbiyahe gamit ang bangka. “Una po ay medyo mababa naman iyong rate noong infection dito sa atin ng Covid. Ang total cases lang…

Read More

40 KABAHAYAN NATUPOK SA KANDILA

ANTIPOLO CITY – Umabot sa 40 kabahayan ang tinupok ng apoy nang maiwan ng isang residente ang nakasinding kandila noong Lunes ng gabi sa lungsod na ito. Ayon sa ulat ng Antipolo Fire Department at Marikina Filipino Fire Brigade, umabot sa ikatlong alarma ang sunog dakong ika-9:30 ng gabi na nagsimula dakong 8:30 ng gabi noong Nobyembre 1, sa Sitio Dalisay C, Lawis Extension, Brgy. San Isidro sa lungsod. Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang kumpirmasyon ang Antipolo Fire Department kung may sugatan o casualty at kung magkano ang…

Read More

TAYTAY LGU WAGI SA PANDEMIC RESPONSE

taytay

TAYTAY, Rizal — Dinaig ng Garments Capital of the Philippines ang 1,497 pang munisipalidad sa pagpapatupad ng pandemic response, batay sa resultang inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sa pinag-isang kalatas na inilabas ng DILG, Department of Information and Communications Technology (DICT) at National ICT Confederation of the Philippines (NICP), iginawad sa nasabing munisipalidad ang parangal bilang “Best on COVID-19 Pandemic Response” batay sa inilatag na panuntunan kaugnay ng mga programang isinagawa sa gitna ng national health emergency. Kinilala ang Taytay sa epektibong paggamit ng digital apps…

Read More

71-anyos pinag-eksperimentuhan? BAKUNAHAN SA ANTIPOLO INIREKLAMO

covid

ANTIPOLO CITY – Nangangamba ang isang 71-anyos na lolo na tila umano ginawang experiment dahil sa magkaibang COVID-19 vaccines na itinurok sa kanya sa lungsod na ito. Sa FB post, sinabi ni Anatalio Aregada, una siyang tinurukan ng Moderna noong Agosto at nitong nakalipas na buwan ay nakatanggap siya ng 2nd dose ng Sinovac CoronaVac vaccine. Ani Aregada, natakot siya sa magkaibang brand ng vaccine kaya siya nagtanong sa vaccinator. “May tinawagan, lumapit sa akin ang doctor, parang pinalakas ang loob ko, sinabing ‘Okay lang ‘yan, sa ibang bansa nagamit…

Read More

2 PANG NPA NAPATAY SA MT. PROVINCE

MATAPOS na maneyutralisa ng Philippine Army si Jorge “Ka Oris” Madlos, communist New People’s Army top honcho, ay dalawa pang NPA red fighters ang napatay ng pinagsanib na puwersa ng Army 7th Infantry Division at PNP sa Besao, Mountain Province Ayon kay Army Public Affairs chief, Col. Xerxes Trinidad, nasabat ng mga tauhan ng 69th Infantry Battalion at Mountain Province Police ang isang pangkat ng mga armadong NPA na nauwi sa ilang minutong sagupaan. Sa isinagawang clearing operation sa encounter site ay nakumpirmang mga kasapi ng Komiteng Larangang Guerilla – Abra,…

Read More

Ibinida ng PNP-PRO5 ANAK NG PRESO PINABINYAGAN NG MGA PULIS

pnp

IBINIDA ng PNP-Police Regional Office 5 ang naging aksyon ng mga tauhan ng PNP Catanduanes 2nd Provincial Mobile Force Company na pabinyagan ang anak ng isang preso at sinagot ang handa para sa binyag. Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director P/Brig. General Jonnel C. Estomo, lubhang nabagbag ang damdamin ng mga tauhan ng Catanduanes 2nd PMFC sa kalagayan ng isa nilang preso at live-in partner nito. Naantig umano ang puso ng mga pulis nang matanggap ng liham mula sa isang detainee ng Bagamanoc. Inihayag ni PNP-PRO5 spokesperson, P/Major Maria Luisa Calubaquib,…

Read More

Sa huling linggo ng Nob. ALERT LEVEL 2 SA METRO MANILA

WALANG nakikitang dahilan ang OCTA Research sa kasalukuyan upang hindi maibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila sa huling dalawang linggo ng Nobyembre. Pahayag ito ni OCTA Research Team Dr. Guido David, sa gitna pa rin ng panawagan ng mga negosyante na ibaba na sa Alert Level 2 ang NCR, upang mas maraming negosyo ang makabalik sa operasyon. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Dr. David na wala naman silang nakikitang bagong variant na maikukonsiderang mapanganib sa ngayon. Ang napapabalita aniya na Delta Plus variant sa UK at…

Read More