HINILING ng apat na miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Department of Interior and Local Government (DILG) na itake-over na mula sa Quezon City government ang paglaban sa COVID-19.
Ginawa nina Quezon City Reps. Anthony Peter Crisologo, Precious Hipolito Castelo, Allan Reyes at Anakalusugan Representative Michael Defensor ang kahilingan matapos madismaya sa mataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Nahihinaan umano ang mga nabanggit na mambabatas sa pagtugon ng Quezon City government sa pandemya sa COVID-19 dahil sa patuloy na pangunguna ng lungsod sa may pinakamaraming kaso na naitatala araw-araw.
“We would urge Interior Secretary Eduardo Año to immediately designate a senior executive to take charge of the city’s fight against COVID-19,” ayon sa nasabing grupo.
Sa katunayan anila, ang Quezon City ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 kumpara sa ibang probinsya na may pinakamaraming tao tulad ng Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.
“If we break the figures down to cases per 100,000 population, Quezon City would still emerge with the highest number at 5,878 cases per 100,000 population, compared to Cavite’s 3,701 cases, Laguna’s 3,652 cases, Bulacan’s 2,788 cases, and Rizal’s 3,083 cases,” paliwanag pa ng grupo ni Defensor.
Noong Oktubre 31, nagtala ang Quezon City ng 148 bagong kaso habang sa Zamboanga City at ang iba pang siyudad tulad ng Baguio City ay may 99 kaso lamang, 72 sa Manila at bayan ng Lubang, Oriental Mindoro, base sa record ng Department of Health (DOH).
“What is happening in Quezon City now is clearly a case of inadequate governance that can only be rectified by a DILG takeover of the efforts to contain COVID-19,” ayon sa grupo.
Dahil dito, dapat na umanong itake-over ng DILG mula sa Quezon City government ang kampanya laban sa COVID-19 dahil mistulang wala umanong nangyayari sa kampanya ng local government unit (LGU).
“Due to recurring COVID-19 outbreaks in the city, many people are constantly put in harm’s way, while others continue to suffer from harsh restrictions, including granular lockdowns, that have made it extremely difficult for them to earn a living,” dagdag pa ng grupo. (BERNARD TAGUINOD)
336 