INATASAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang kooperatibang nangasiwa sa pagpapamahagi ng halos P7 milyong ayuda sa ilalim ng programang Livelihood Assistance Grant (LAG) na agad ibalik ang kinaltas nitong bahagi sa halagang laan para sa mga benepisyo mula sa bayan ng Pandi sa lalawigan ng Bulacan. Partikular na tinukoy ng DSWD ang Magic 7 Cooperative na umano’y mas malaki pa ang kinaltas na pera kumpara sa aktuwal na natanggap ng mga benepisyaryo. Sa isang virtual press conference, mismong si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) officer-in-charge Atty.…
Read MoreAuthor: admin 2
CONTRACTOR, KA-LIVE-IN UTAS SA GUN FOR HIRE
BATANGAS – Patay ang isang contractor at ang live-in partner nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Alitagtag sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Allan Hosena, 47, at Veronica Boragay, 61, kapwa residente ng Brgy. Dominador East, Alitagtag. Batay sa report ng Alitagtag Police, nasa labas ng kanyang bahay ang lalaki nang dumating ang mga suspek at malapitan itong pinagbabaril. Nakatakbo pa sa loob ng bahay ang biktima subalit hinabol ito ng suspek at doon muling pinagbabaril. Nakita rin ng suspek…
Read MorePULIS PATAY SA GUN BUY-BUST OPS NG PNP BICOL
PATAY ang isang pulis na hinihinalang sangkot sa gunrunning activities, nang makipagbarilan sa inilunsad na entrapment operation sa Placer, Masbate noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP-Police Regional Office 5 chief, P/Brig. General Jonnel C. Etomo, nauwi sa palitan ng putok ang entrapment operation na ikinasa ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), at mga kawani ng PNP-PRO5 laban sa pulis na sangkot umano sa pagbebenta ng hindi lisensyadong baril. Ayon sa impormasyon mula sa PNP-IMEG, sa pamumuno ni P/BGen. Flynn Dongbo, kinilala ang…
Read MorePNP-PRO5 ABALA SA PREPARASYON SA HOLIDAY SEASON
NAGLATAG ang PNP Bicol, sa pamumuno ni Police Brigadier General Jonnel C. Estomo, ng mga paghahanda para sa paparating na ang holiday season upang tiyakin ang seguridad ng bawat mamamayan at katahimikan ng rehiyon. Bahagi ng paghahanda ng PNP Bicol ang maximum deployment ng pulisya sa mga lugar na inaasahang madalas puntahan at dagsain ng mga tao. Paiigtingin din ang police visibility at mobile patrol upang ganap na masubaybayan ang mga kaganapan sa bawat komunidad sa Bicol. Pag-iibayuhin din ang paglalatag ng checkpoint at chokepoint na naglalayong siguruhin na mabantayan…
Read MoreSa kondisyong full capacity kada biyahe TRANSPORT GROUPS: WALANG DAGDAG-PASAHE
WALA pang ginagawang pagbawi ang transport group na Pasang Masda sa petisyong dagdag-pasaheng inihain sa hangaring maibsan ang epektado ng lingguhang taas-presyo sa krudo. Paglilinaw ni Pasang Masda president Obet Martin, babawiin lamang nila ang inihaing petisyon para sa P3 dagdag-pasahe sa mga pampasaherong dyip kung pahihintulutan ng pamahalaang ibalik sa full capacity ang kanilang operasyon, kasabay ng cash subsidies na ipinangako ng Department of Transportation (DOTr) sa isang pulong sa Kamara nitong nakaraang linggo. “Nire-request na naming gawing 100% ang aming capacity para naman po kumita ang mga jeepney…
Read MoreNadiskaril sa red tape 700 COVID-19 TESTING MACHINES ‘DI GINAMIT
ISINISI sa bureaucratic red tape ang pagkakatengga ng may 700 COVID-19 GeneXpert machines na donasyon ng Geneva-based na Global Fund to Fight AIDS, Tuberculosis at Malaria, at may kakayahang mag-detect ng COVID-19 virus. Nanghihinayang si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dahil kung nagamit aniya ang mga makinang ito ay malalaman ang resulta ng COVID-19 test sa loob lamang ng 45 minuto. “The automated GeneXpert units, once brought into play, can easily triple to almost 1,000 the country’s COVID-19 testing laboratories and improve in a big way public access to screening…
Read MoreNCR ALERT LEVEL BABABA PA
MAAARI umanong mapababa pa ang Alert Level sa National Capital Region (NCR) kung magpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19. Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, sa ngayon ay nakikitaan umano nila ang rehiyon ng ‘downward trend’ o pagbaba ng mga kaso ng sakit, na nasa average na 1,500 hanggang 1,600 nitong mga nakalipas na araw, mula sa dating mahigit 10,000 noong panahon ng surge. “Kung siguro kapag bumaba pa ‘yan ng less than 1,000, baka pwede (ibaba…
Read MoreTSINO, 1 PA HULI SA BARIL, DROGA
TIMBOG sa pinagsanib na operasyon ng Makati City Police at Northern Police District (NPD) sa Barangay Bel-air sa lungsod ng Makati ang dalawa katao kabilang ang isang Tsinong pinaniniwalaang lider ng isang gun running syndicate. Dakong alas-4:10 ng hapon noong Sabado sa isang parking area ng Salcedo Village, inilunsad ng mga operatiba ng NPD Special Operations Unit at mga elemento ng Poblacion Sub-Station ng Makati PNP, ang buy-bust operation. Kinilala ni NPD Director Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang arestadong mga suspek na sina Huang Sia alyas Jason Lee, isang Chinese…
Read MorePUBLIKO BINALAAN VS PEKENG RT-PCR TEST RESULTS
NANAWAGAN si Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa publiko na huwag maging biktima ng modus ng ilang grupo na nagbebenta ng pekeng swab test o COVID-19 result. Sinasabing may logo pa ng Philippine Red Cross ang mga pinekeng resulta ng RT-PCR Test para magmukhang authenticated o tunay. Sa Quezon City, tatlong suspek ang naaresto sa pamemeke ng swab test result kung saan ay kailangang magbayad ang mga biktima ng halos P16,000 para sa pinekeng resulta na gagamitin lamang para makauwi sa kanilang lalawigan. Ayon kay P/Gen.…
Read More