PUNTIRYA ng Philippine Army na makapagrehistro ang lahat ng mga sundalo at makiisa sa gaganaping May 2022 national and local elections sa susunod na taon pamamagitan ng pagboto. Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, pinuno ng Office of the Army Chief Public Affairs, target nila ang 100 percent registered soldiers na lalahok sa election process. Kaya patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Commission on Election para sa pagpaparehistro at pagboto ng mga sundalo na nasa malalayong lugar o itinalaga na magbantay sa panahon ng eleksyon sa malalayong lalawigan. Nabatid na kuwalipikado ang mga…
Read MoreAuthor: admin 2
2 KUBRADOR NG LOTENG, TIKLO
ARESTADO ang tatlong babaeng kubrador umano ng Lotteng sa Navotas City noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang mga dinakip na sina Sheryl Ann Guinto, 30; Sabina Ricafrente, 63, at Anna Sapalo, 30, pawang mga residente ng lungsod. Ito ay makaraang may magnguso sa mga parak ukol sa talamak na operasyon ng “Lotteng” sa Area 1, Brgy North Bay Boulevard South, Dagat-dagatan. Alas-8:25 ng gabi noong Oktubre 21 ay sumalakay ang mga parak at nadakip ang suspek at nakumpiska ang listahan ng taya, dalawang lotteng stub, isang ballpen at P940 tayang…
Read More2 PATAY SA COVID SA VALENZUELA
DALAWA ang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City noong Oktubre 22, 2021 habang 395 ang active cases matapos na 37 ang nagpositibo sa virus habang 55 naman ang gumaling. Pumalo na sa 35,125 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 33,915 na ang gumaling at 815 ang namatay. Wala namang iniulat na binawian ng buhay sa Navotas habang 94 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 21 matapos na lima ang magkasakit at 25 naman ang gumaling. Sumampa na sa 17,534 ang nasapul ng pandemya…
Read MoreBIKECINATION NG DOLE INILUNSAD SA VALENZUELA
INILUNSAD ng Department of Labor and Employment ang Bikecination program nito sa Valenzuela City noong Biyernes, Oktubre 22. Limampu’t anim na bagong bisikleta ang ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ng programa na kabilang sa mga nawalan ng hanapbuhay at out-of-school youth. Kasamang ipinamigay ng mga bisikleta ang helmet, kapote, water bottle, thermal bag, at Android mobile phone na may P5,000 load sa electronic payment application. Layon ng Bikecination na bawasan ang unemployment sa pamamagitan ng pamimigay ng oportunidad pangkabuhayan sa mga manggagawa sa formal at informal sector na nawalan ng trabaho…
Read More2ND PHASE NG PEDIA VACCINATION UMARANGKADA
NAGSIMULA na nitong Sabado ang 2nd phase ng bakunahan para sa 12-17 age group na may ‘comorbidities’ sa buong Metro Manila. Sinabi ng Department of Health (DOH), isinasagawa ang Phase II ng Pediatric A3 COVID-19 vaccination sa mga piling pagamutan pa lamang sa Metro Manila dahil sa magiging payugto-yugto ang pagpapatupad nito. Namili ang DOH, National Vaccine Operations Center (NVOC), at mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila ng mga pagamutan o vaccination sites na may kapasidad nang agarang pagresponde sakaling magkaroon ng ‘adverse reactions’ o ‘side effects’ sa bakuna ang…
Read MoreSa mga batang pakalat-kalat sa kalye MAGULANG MANANAGOT
BINALAAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga magulang partikular sa Metro Manila na pigilan sa paglabas ang kanilang mga anak dahil sila ang mananagot sa mga ito. Umapela rin ang heneral na gawing prayoridad ng mga magulang ang kaligtasan ng kanilang mga anak kaya dapat iwasang ilabas o dalhin ang mga ito sa mga pampublikong lugar. “Nilinaw na ng Metropolitan Manila Development Authority ang panuntunan sa paglabas ng mga kabataan. Maaari lamang silang lumabas kung sila ay magpapagamot o kaya mag-eehersisyo. Dapat…
Read MoreEXCISE TAX SA GAS, DIESEL PINASUSUSPINDE
NANAWAGAN si Sen. Grace Poe sa Malacañang na ikonsidera ang pagsuspinde ng koleksyon sa excise tax sa gasolina at diesel para mabawasan ang pahirap sa mga tsuper ng jeep, delivery rider, at sa mga nagbibiyahe ng ani ng mga magsasaka sa palengke sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Naipasa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law) noong 2017 na nagpapatong ng excise tax sa mga produktong petrolyo umpisa noong 2018. Nagsimula ang excise tax sa diesel sa P2.50 kada litro noong Enero 2018,…
Read MoreHOUSE-TO-HOUSE VACCINATION SA SENIORS
IMINUNGKAHI ng isang mambabatas ang house-to-house na pagbabakuna sa mga nakatatanda dahil base sa ulat ng World Health Organization (WHO) ay mahigit tatlong (3) milyon pa umano sa mga ito ang hindi nababakunahan kahit isang dose laban sa COVID-19. Panawagan ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes sa Inter-Agency Task Force (IATF) at local government units (LGUs) na puntahan na sa kanilang bahay ang mga senior citizen para maproteksyunan ang mga ito sa COVID-19. “Sa yugtong ito ng vaccination rollout, hinihiling ko sa IATF, NTF at mga LGUs na suyurin…
Read MoreManila tourist attractions BUKAS NA SA MGA BAKUNADO
BINUKSAN na muli sa publiko ang ilang atraksyon sa Metro Manila kabilang ang Manila Ocean Park sa Ermita, Manila. Pinangunahan ni Manila City Vice Mayor Honey Lacuna ang pagbubukas ng pasyalan na nagtatampok sa daan-daang uri ng isda. “Matapos ang pansamantalang pagsasara dahil sa pandemya, umaasa kami na ang mga negosyo tulad ninyo ay makakabalik na sa dating sigla,” ayon kay Lacuna. Umaasa rin si Lacuna na ang pagbubukas ng tourist destinations sa siyudad ay lilikha ng mga trabaho para sa Manilenyo at magiging daan para makarekober ang ekonomiya. Bukas…
Read More