TINAWAG ni Senadora Leila de Lima na desperadong hakbang ng gobyerno ang inilabas ng Department of Justice na matrix sa 52 kaso ng drug war deaths. Sinabi ni de Lima na layon lamang nito na i-divert ang atensyon ng publiko mula sa isinasagawang proseso ng International Criminal Court (ICC) laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni de Lima na “too little, too late” ang kasong prinisinta ng DOJ. “Kung inaakala ng Malacañang na magagamit itong DOJ report para makalusot si Duterte sa kanyang kaso sa ICC, nagkakamali sila.…
Read MoreAuthor: admin 2
PINAS AYAW PASUKIN NG INVESTORS DAHIL SA NAPAKAMAHAL NA KORYENTE — SOLON
MULING binatikos ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang panibagong power rate hike ngayong Oktubre, at sinabing ayaw pumasok ng mga investor sa bansa dahil sa napakamahal na koryente. “Talaga namang napakamahal ng koryente dito more than dun sa sinasabi nilang rason na mataas ang labor cost dito. I don’t think that is the real reason, ‘yung reason talaga kaya ayaw pumunta ng mga investors dito ay ang napakamahal na koryente,” pahayag ni Zarate sa isang panayam. “For as long as hindi talaga maipababa ‘yan, ‘yan talaga ang magpu-pull down…
Read More3 TULAK NALAMBAT SA P3.4-M DROGA
CAVITE – Tinatayang mahigit P3 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa isang subdibisyon sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Marvin Espiritu, alyas “Barron”, 30, negosyante; John Paul Reyes, alyas “Kuya”, 26, delivery rider, at Christine Bautista Alvaran, alyas “Nanay”, 25-anyos. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Robertson Vallejo ng Bacoor City Police, dakong alas-3:10 ng hapon noong Huwebes nang ikasa ng Bacoor City Police at PDEA NCR ang buy-bust…
Read MoreMASON TINODAS SA BATANGAS
BATANGAS – Patay ang isang construction mason matapos na tambangan ng hindi kilalang suspek habang papasok sa kanyang trabaho sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Walang buhay na bumulagta sa damuhan sa gilid ng kalsada ang biktimang kinilalang si Ramonito Roxas, 59, residente ng Sitio Batulao, Brgy. Kaylaway, Nasugbu dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Batay sa report ng pulisya, bandang alas-6:45 ng umaga, kasama ang kanyang kapatid at apo, naglalakad ang biktima patungo sa kanyang trabaho sa isang construction site ng Masgro Builders…
Read MoreSEKYU SUMAKLOLO SA KALUGAR PINATAY
CAVITE – Patay ang isang 25-anyos na security guard nang tagain ng mga suspek gamit ang karit matapos nitong tulungan ang dalawang menor de edad na humingi ng saklolo sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Isinugod sa Tagaytay Medical Center ang biktimang si John Marlo Rollon ng Purok 4, Alfonso, Cavite ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas dahil sa sugat sa ulo. Arestado naman ang mga suspek na sina Jeffre Brigania, 33, at John Fernan Brigania y Rodriguez, binata, kapwa construction worker at residente ng…
Read MorePEDIATRIC VACCINATION SA NAVOTAS, LARGA NA
SINIMULAN na sa Navotas City ang pediatric vaccination para sa mga may comorbidities nitong Biyernes, Oktubre 22. Kaugnay nito, patuloy sa panghihikayat si Mayor Toby Tiangco sa lahat ng mga magulang na may mga anak na 12-17 ang edad na may comorbidity na irehistro na sila sa https://tinyurl.com/NavoBakuna-minors. Sa kasalukuyan ay tanging Pfizer at Moderna vaccines lamang ang pinapayagan para sa mga kabilang sa nasabing pangkat. Dahil naman sa magandang balita na magsisimula na ang bakunahan ng 12 hanggang 17 taon gulang, ay posible na ang limited face-to-face classes kaya naman…
Read MoreTULAK TIMBOG SA BOGA AT DROGA SA MONTALBAN
ARESTADO sa anti-drug operation ang isang lalaki na nakumpiskahan ng kalibre. 38 baril, bala at 0.42 gramo ng hinihinalang droga kagabi sa Sitio Saba, Brgy. San Jose, Montalban (Rodriguez), Rizal. Sa ulat kay P/Lt. Col. Marcelino Pipo, hepe ng Montalban police, kinilala ang nadakip na si Datu Abraham Kamaong y Gandawali, alyas “Abra”, kilalang tulak umano ng shabu sa nasabing lugar. Alas-8:20 kagabi nang ikasa ng grupo ni P/Lt. Fernan Romulo, deputy chief of police at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, ang buy-bust operation laban sa suspek. Nahaharap sa…
Read MorePASTRY SHOP LIMAS SA MGA KAWATAN
WALANG pinalagpas na pagkakataon ang dalawang kawatang nanlimas ng humigit kumulang P0.1-milyong kita ng sikat na Red Ribbon Bakeshop sa Barangay Tatalon, Quezon City. Sa ulat ng Galas Police Station ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang pangho-holdap sa Red Ribbon Bakeshop sa panulukan ng Araneta at Quezon Avenue bandang alas-3:20 ng hapon ng dalawang salaring armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril. Sa imbestigasyon ni PSMS Edel Cañaveral, sinabi umano ni Stephanie Anne Viva na tumatayong kinatawan ng Red Ribbon, dalawang holdaper ang biglang pumasok sa…
Read MoreKABATAAN, SUMIPA NA SA QC
SINIMULAN na ng Quezon City government ang online booking para sa pagbabakuna sa mga kabataang edad 12-17 na may comorbidities sa hangaring bigyang proteksyon laban sa COVID-19.Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang panukalang mag-inoculate ng mga bata gamit ang mga bakuna na nabigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration (FDA). “W e have seen in the past months how the virus has been affecting our kids as well. It’s high…
Read More