NAGKAROON ng tig-iisang namatay dahil sa COVID-19 ang mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela, ayon sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, isa ang namatay sa Malabon City noong Oktubre 12 habang 30 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,951 ang positive cases sa siyudad, 233 dito ang active cases. Umabot naman sa 20 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 20,084 ang recovered patients ng Malabon, habang umakyat sa 634 ang COVID death toll. Isa ring pasyente…
Read MoreAuthor: admin 2
MOST WANTED PERSON HULI SA QC
NALAMBAT ng mga operatiba ng Batasan Police Station (PS-6) ang district level most wanted person sa bisa ng warrant of arrest sa Quezon City noong Martes. Kinilala ni P/Lt. Col. Alexy Sonido ang suspek na si Alfredo Reyes III, 29-anyos, residente ng Kasunduan Extn., Brgy. Commonwealth, Quezon City. Si Reyes ay inaresto dakong alas-6:00 ng hapon noong Oktubre 12, 2021 sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Primo G. Sio. Jr., ng Branch 96, Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Quezon City ngunit walang inirekomendang piyansa.…
Read More2,309 SUGAROL NALAMBAT SA QC
UMABOT sa 2,309 katao ang nalambat ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa anti-illegal gambling operations sa nabanggit na lungsod simula Enero ng taong kasalukuyan. Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Antonio Yarra, bukod sa mga dinakip sa kampanya kontra illegal gambling, kumpiskado rin sa operasyon ang P953,189.25 bet money. Aniya, 223 sa 2,309 na inaresto kaugnay ng ilegal na pasugal, ay pasok sa illegal number games gaya ng EZ2, loteng at bookies. Pag-amin ni Yarra, higit na mataas ang bilang ng arestadong mga sugarol at may…
Read MoreToby Tiangco, magreretiro na sa politika?
Naging palaisipan sa nakararami lalo na ng mga Navoteño kung nagbabalak na bang magretiro ni veteran Navotas politician, incumbent mayor Tobias ‘Toby’ Tiangco sa politika nang hindi ito maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) kahit sa anumang posisyon para sa eleksyong 2022 . Ayon sa dokumento ng Commission on Elections (Comelec) tatakbong mayor ng Navotas sa 2022 elections ang kapatid ni Mayor Toby na si Congressman John Rey Tiangco sa ilalim ng Partido Navoteño, ang local political party ng mga Tiangco. Makakalaban nito sina Gaudencio Manlapaz ng Aksyon Demokratiko…
Read More9 PATAY, 16 MISSING SA BAGYONG MARING
SIYAM katao, kabilang ang ilang paslit, ang naiulat na nasawi sa loob ng dalawang araw na pananalasa ng bagyong Maring sa Mimaropa at bahagi ng hilagang Luzon base sa paunang ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC). Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations sa 16 na nawawala. Ayon kay Mark Timbal na siyang tumatayong tagapagsalita ng NDRRMC, kabilang sa mga hinahanap pa rin ang apat kataong pinaniniwalaang natabunan sa pagguho ng lupa sa Benguet. Binayo ng bagyong Maring ang malaking bahagi ng Luzon na nagdulot…
Read More3 PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON
QUEZON – Tatlong lalaki ang namatay sa dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Lunes. Ayon sa ulat, magkasamang nanonood ng telebisyon sa loob ng isang vulcanizing shop sa Brgy. Malabanban Norte sa Candelaria ang dalawang biktimang sina Michael Tañada Fuentes, 40, at Jerome Luterte Maraon, 28, nang dumating ang mga suspek at sila ay pinagbabaril dakong alas-9:00 ng gabi. Habang sa bayan ng Lopez, pinagbabaril din hanggang sa mapatay ang furniture maker na si Michael Nobilla Fullante, 40, sa loob ng bahay nito sa Barangay Calantipayan. (NILOU DEL CARMEN) 207
Read MoreRIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA DUMP TRUCK
CAVITE – Patay ang isang rider habang sugatan ang angkas nito nang mawalan ng balanse ang motorsiklo matapos masagi ng dump truck at magulungan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Isinugod sa Las Piñas District Hospital ang mga biktima ngunit hindi umabot nang buhay si Eleazar Gulfo Agaraw, nasa hustong edad, habang inoobserbahan ang kalagayan ng angkas nitong si Orlando Pongon Velche. Pinaghahanap naman ang driver ng isang pulang HOWO dump truck na si Kenneth Mariano na tumakas makaraan ang insidente. Ayon sa ulat ni…
Read MoreKAP SASAGUPA SA BATA NI DU30
NAHAHARAP sa matinding sagupaan ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Bulacan. Ang kanyang tatapatan – pambato ng administrasyong Duterte. Gayunpaman, kampante si Kapitan Renato Castro ng Barangay Manggahan, na makakasilat ng panalo laban sa pambato ng PDP-Laban na si Vice-Mayor Ricky Buenaventura, lalo pa’t kabi-kabilang pag-endorso na ang ipinahatid ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor. Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta kay Castro ang 20 pastor mula sa iba’t ibang religious organizations, mga negosyante, non-government organizations at maging ang mga residente…
Read MoreCURFEW HOURS SA NCR MAS PINAIKLI
BABAWASAN pa ang oras ng ipinatutupad na curfew sa Metro Manila. Ayon kay Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, napagkasunduan ng Metro mayors na pairalin mula ngayong araw ang 12-midnight hanggang 4:00 AM na unified curfew. Layon umano nito na mas marami pang negosyo ang magbukas ngayong patuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR). Kahapon nagtapos ang 10 P.M. hanggang 4 A.M. na curfew sa Metro Manila. (CHRISTIAN DALE) 491
Read More