3 HOLDAPER TUGIS SA PAGPATAY SA STORE OWNER

baril

PAKAY ngayon ng follow-up operation ng Manila Police District ang tatlong kalalakihan na nanloob at tumangay ng mahigit P100,000 cash at mobile phone sa 52-anyos na store owner na kanila ring binaril at napatay sa Singalong, Malate, Lunes ng madaling araw. Sa ulat ng pulisya, alas-5:40 ng madaling araw nang looban ng mga salarin ang tindahan ng biktimang si Rodrigo Nuneza Arizo sa 2224 – B, Singalong St., Malate. Salaysay ni Elona Mae Yanggo, 25, stay-in tindera ng biktima, dumating sa tindahan ang tatlong armadong lalaki sakay ng dalawang motorsiklo…

Read More

AKTOR KINASUHAN TAPOS PAKAWALAN

KUMAMBYO ang Eastern Police District (EPD) sa ginawa nitong pagpapakawala sa artistang si Jake Cuenca na una nang dinakip matapos takbuhan ang police service car na nabangga ng sasakyang kanyang minamaneho noong nakaraang Linggo ng gabi sa Mandaluyong City. Nauwi lang sa regular filing ng kasong Disobedience at Reckless Imprudence Resulting in Damage to Properties na isinampa ng pulisya sa piskalya dahil lagpas na sa 12-hour prescribed period ang pagsasampa ng asunto laban sa aktor. Ayon sa pulisya, Linggo ng gabi nang mabangga ni Cuenca ang sasakyan ng mga pulis…

Read More

Habang nanghuhuli ng mga truck SUSPENDIDONG TRAFFIC ENFORCER ARESTADO

kulong

INARESTO ng mga awtoridad ang isang suspendidong traffic enforcer matapos maaktuhang gumaganap pa rin bilang duty enforcer habang nakasuot ng uniporme, sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong suspek na si Macario Algusar Jr., 46, suspended PSTMO personnel at residente ng Kaunlaran St., Brgy. Muzon. Ayon sa imbestigasyon nina P/SSgt. Diego Ngippol at P/SSgt. Mardelio Osting, nakarating sa kaalaman nina Edwin Vizmanos at Lolito Gimoro, kapwa nasa hustong gulang, at mga miyembro ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO)…

Read More

2 ARESTADO SA P340K SHABU SA QC

ARESTADO ang dalawang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Quezon City. Ang mga arestado ay kinilalang sina Manuel Fernandez y Santelices, 42, at Randy Abellon y Flores, 32, factory worker, itinuturing na top drug personality. Ang dalawang drug suspect ay nadakma ng mga operatiba ng Police Station 2 ng Quezon City Police District bandang alas-3:45 ng madaling araw nitong Martes sa kanto ng G. Araneta Ave. at Del Monte Ave., Brgy. Masambong, Quezon City. Nakumpiska sa mga suspek ang 10 sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang 50 grams ang timbang at P340,000…

Read More

PULIS NA NAKAPATAY NG BINATANG MAY AUTISM, SINIBAK

INAYUNAN ni Philippine National Police chief, Police General Guillermo Eleazar ang pagsibak sa serbisyo sa pulis sa Valenzuela City, na suspek sa pagpatay sa binatang may autism spectrum disorder, noong Mayo. Iniutos ni Eleazar ang pagtanggal sa serbisyo kay Police Senior Master Sergeant Christopher Salcedo dahil sa grave misconduct at less grave irregularity in the performance of duty, makaraan ang rebyung isinagawa ng Office of the Chief PNP at ng Discipline, Law and Order Division- Directorate for Personnel and Records Management (DLOD-DPRM). Magugunitang namatay ang 18-anyos na si Erwin Arnigo…

Read More

P50-M BARYA, IPUPUSLIT SA SINGAPORE

HINDI pa man tapos ang  isinasagawang imbestigas­yon kaugnay ng isinagawang operasyon kamakailan sa Quezon City, lumalabas na isang kilalang gambling lord ang may-ari ng mga nakum­piskang luxury vehicles at baryang nagkakahalaga ng hindi bababa sa P50 milyon. Ayon sa isang impormante, natukoy na ang may-ari ng warehouse kung saan inilagak ang mga barya, kasama ang walong luxury cars na pawang walang plaka at conduction stickers. Maging ang may-ari ng mga barya, kilala na rin – isang alyas Kabayo na umano’y kilalang gambling lord na nasa likod ng mga iligal na…

Read More

TURISTA PATAY SA WEEKEND OUTING

BATANGAS – Nalunod ang isang dalagang turista makaraang tangayin ng alon habang naliligo sa isang resort sa bayan ng Lian sa lalawigang ito noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Lian Police ang biktimang si Yukumi Diamante Aoyagi, 20, residente ng Pasig City. Ayon sa report, kasama ng biktima ang tatlong binatang kaibigan at naliligo sa baybaying dagat ng Half Moon Village Resort sa Barangay San Diego nang mangyari ang trahedya bandang alas-10:00 ng umaga. Bigla na lamang umanong tinangay ang apat ng malalaking alon patungo sa malalim na bahagi ng dagat.…

Read More

LIBO-LIBONG DINAMITA NASAMSAM SA BUKIDNON

LIBO-LIBONG piraso ng mga dinamita ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Army 4th Infantry Division sa Sitio Malinao, Barangay Kalasungay, Malaybalay City, Bukidnon. Ayon kay Army 4th ID commander, Maj. Gen. Romeo Brawner, umabot sa 1,076 na 22mm x 189 grams dynamites stick at isang anti-personnel mine (APM) ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng 8th Infantry “Dependable” Battalion, Philippine Army, Bukidnon Provincial Intelligence Unit, Bukidnon Provincial Explosive Ordnance Disposal at Canine Unit sa Sitio Malinao, Barangay Kalasungay, sa Malaybalay City. Ito ay matapos na matuntong ang imbakan ng mga pampasabog…

Read More

3 MURDER, RAPE SUSPECTS NABITAG NG PNP-PRO5

DALAWANG murder suspects at isang akusado sa panggagahasa ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 na nasa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, sa inilunsad na manhunt operation sa Samar at Camarines Norte. Sa isinumiteng ulat kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, nadakip sa inilunsad na law enforcement operation sina Sandro Marantal alyas “Andoy”, 33, ng Brgy. Mungolbungol, Northern Samar, at Jason Marantal alyas “Hadji/Buboy”, 31, binata, farmer/fisherman at naninirahan sa Brgy. Sablayan, Juban, Sorsogon. Nitong nakalipas na Linggo, sinalakay ng mga operatiba ng 2ND Police…

Read More