HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga botante sa nalalapit na Eleksyon 2022 na huwag maakit sa smart candidates, mas mabuti na pagkatiwalaan ng kanilang boto ang mga “ordinary-minded” candidates. “Why don’t you get… Kasi masyadong, huwag kayo kumuha ng bright, mga brilliant. You know what?” ayon kay Pangulong Duterte. “Maghanap kayo ng kandidato na ordinaryong Filipino. Bigyan ninyo ng panahon at ipakita niya,” dagdag na pahayag nito. Naniniwala ang pangulo na nasa mabuting kamay ang mamamayang Filipino sa “ordinary-minded candidates.” Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay…
Read MoreAuthor: admin 2
Duterte sa Senado PHARMALLY KASUHAN
IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya hinahadlangan ang nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa imbestigasyon sa Pharmally Pharmaceuticals Corp. subalit, inulit nito na hindi niya papayagan ang sinoman sa kanyang gabinete na dumalo sa imbestigasyon bilang resource persons. Kasabay nito, hinamon niya ang Senado na kasuhan ang mga tao sa likod ng nasabing kumpanya kung may sapat silang ebidensya. Ang katuwiran ng pangulo, walang oras ang mga miyembro ng kanyang gabinete na lumahok sa imbestigasyon dahil sa patuloy na paghahanap ng mga ito ng paraan para wakasan…
Read MoreKahit stickers di pwede! CAMPAIGN POSTERS TABLADO SA KAMPO
NANINDIGAN si Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar na ang kapulisan ay walang kinikilingan. Kaya naman kanyang direktiba – bawal ang mga campaign posters sa lahat ng kampo, himpilan ng pulisya at kahit pa sa mga police detachments nito. Maging ang mga sasakyan ng pulisya, off-limits din at di pwedeng gamitin sa anomang paraan ng pangangampanya – kahit pa stickers, bawal, aniya. Sa isang kalatas, inatasan ni Eleazar ang lahat ng police personnel na iwasan mabahiran ng pulitika ang kanilang institusyon, lalo pa’t inaasahan ang pagratsada ng pamumulitika…
Read More8 WANTED PERSONS NASAKOTE NG BICOL PNP
DAHIL sa adbokasiya na “SAFE BICOL” ang Police Regional Office 5 ay patuloy ang paglulunsad nang malawakang operasyon kontra kriminalidad at kampanya laban sa mga wanted ng batas. Nadagdag sa huling datos ng PNP-PRO ang pagkakahuli sa walong “top ranking most wanted persons” sa probinsya ng Sorsogon at Masbate matapos ang ikinasang manhunt operation ng pulisya noong Lunes, Oktubre 4, 2021. Sa Sorsogon, nabigyan ng tuldok ang pagtatago sa batas ng pitong indibidwal sa kamay ng batas. Tinawid pa ng mga kawani ng Sorsogon Police Provincial Office ang probinsya ng…
Read More12 HAZING SUSPECTS, NABITAG NG PNP-PRO5 SA LAGUNA
“HAZING is a serious crime,” deklara ni Bicol PNP Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo nang madakip ng mga tauhan ng PNP-PRO5 Sorsogon ang 12 miyembro ng Tau Gamma Phi na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11053 o Anti-Hazing Law. Ayon kay P/BGen. Estomo, mula sa lalawigan ng Sorsogon ay nagsagawa ng simultaneous law enforcement operations ang mga tauhan ng Bulan Municipal Police Station, sa pangunguna ni P/Col. Arturo P. Brual Jr., Provincial Director ng Sorsogon PPO, sa Calamba, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto sa 12 miyembro ng nasabing fraternity…
Read MoreMatapos magreklamong hindi pinasusweldo CHINESE POGO WORKER INABANDONA SA TUNNEL
CAVITE – Iniwan sa Kaybiang Tunnel sa bayan ng Ternate ang isang Chinese national makaraang umano’y magreklamo ito na hindi pinasusweldo bilang call center agent. Kinilala ang Chinese national na si Wu Weihong, 31-anyos. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Noel Villanueva ng Ternate Police, dakong alas-9:00 umaga noong Lunes nang i-turnover ng mga operatiba ng CPMFC sa pulisya ang biktima matapos na matagpuang pagala-gala sa Kaybiang Tunnel sa Brgy, Sabang 1, Ternate, Cavite. Ayon kay Villanueva, madaling araw noong Lunes nang ibaba ng isang gray na sasakyan na minamaneho ng…
Read More84% SA NCR BAKUNADO NA SA NOBYEMBRE
TINATAYANG 84% ng eligible population sa National Capital Region (NCR) ang inaasahan na magiging fully vaccinated laban sa COVID-19 sa buwan ng Nobyembre. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr., 75.57% ng eligible population sa NCR ang fully vaccinated at inaasahan na aabot ito ng 84% sa susunod na buwan. Sa Disyembre naman aniya ay 92% ng populasyon sa NCR ang inaasahan na magiging fully vaccinated. “In one month, ang projections po namin, aabot siguro tayo ng mga 84 percent, dahil ‘yung mga naka-first dose…
Read More152 PULIS NA KAKASUHAN SA WAR ON DRUGS, KULANG
HINDI kuntento ang militanteng mambabatas sa 154 na nakatakdang kasuhan ng kasong administratibo at kriminal sa kanilang naging papel sa ‘war on drugs’ ni Pangulong Rodrigo Duterte. Reaksyon ito ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate, matapos ianunsyo ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na nanganganib na maharap sa mga nabanggit na kaso ang nasabing bilang ng mga pulis na sangkot sa 53 kaso ng pagpatay sa mga drug suspect. “Why limit the filing of cases to 52 killings of drug suspects only when the PNP itself admitted that there were 6,000…
Read More4 TSUPER SA PITX POSITIBO SA DROGA
SINUSPINDE ang driver’s license ng apat na bus driver matapos magpositibo sa ilegal na droga sa isinagawang random drug test sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Lungsod ng Parañaque. Ayon kay PITX spokesperson Jason Salvador, nagsagawa ng random drug testing ang Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP) at local government unit (LGU) sa mga bus driver na biyaheng Cavite at Batangas na layuning maging ligtas ang mga pasahero sa kanilang paglalakbay. Sa 47 bus driver na sumalang sa drug test, apat sa mga ito ang nagpositibo sa…
Read More