PATAY ang pangulo ng jeepney drivers’ association makaraang pagbabarilin ng riding in tandem, Lunes ng gabi sa Quezon City. Kinilala ang biktimang si Jessie San Jose Dela Cruz, 46, operation manager ng UPV Trucking and Hauling Service, at residente ng Norzagaray Road, Sta. Maria, Bulacan. Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU, QCPD), nangyari ang insidente pasado alas-8:00 ng gabi sa East Service Road, Brgy. Unang Sigaw, Quezon City. Ayon sa imbestigador na si P/SSgt. Anthony Tejereo, pauwi na ang biktima sa kanilang…
Read MoreAuthor: admin 2
DEFENSOR TEAM BABANGGA KAY JOY SA QC
PORMAL nang inanunsyo ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang pagbangga ng kanilang team kay incumbent Quezon City Mayor Joy Belmonte sa 2022 elections. Ayon kay Defensor, maghahain sila ng kanilang certificate of candidacy (COC) bukas, October 7, 2021 sa Commission on Elections (Comelec) filing center sa The Elements, Eton Centris, Diliman, Quezon City, alas-otso ng umaga. Kasama ni Defensor sa paghahain ng COC ang kanyang running mate na si dating Congressman at ngayo’y Councilor Winnie Castelo. “The Defensor-Castelo tandem will be leading Malayang Quezon City, a broad united opposition…
Read MoreP32-M FAKE CIGARETTES KUMPISKADO SA BULACAN
ARESTADO ang dalawang Chinese nationals kasama ang dalawa pang Filipino helper nito matapos salakayin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang warehouse kung saan nakumpiska ang mga pekeng sigarilyo na aabot sa mahigit P32 million sa Barangay Borol 2nd, Balagtas, Bulacan nitong Lunes ng gabi. Ayon kay Brig. Gen. Albert Ignatius D. Ferro, CIDG Director, ang mga kontrabando ay narekober sa isang warehouse sa Zone 6, By Pass Road, Barangay Borol 2nd at pag-aari umano ng mga dayuhang sina Zeng Qiangjian, 42, residente ng Bigaa,…
Read MoreMga armas isinuko 4 NPA NAGBALIK-LOOB
BOLUNTARYONG sumuko ang apat na miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa pinagsanib pwersa ng Philippine Army at Philippine National Police sa Headquarters ng 1st Infantry Battalion,sa Brgy Tongohin, Infanta, Quezon nitong araw ng Sabado. Bitbit ng apat na miyembro ng KLG NARCISO, SRMA4A ang kanilang armas na kinabibilangan ng isang kargadong Garand rifle, isang Anti-Personnel Mine (APM), isang Shotgun at isang kalibre 38 revolver. Ayon sa mga nagpakilalang mga dating rebelde, hindi na nila kaya pa ang hirap na nararanasan sa kabundukan. Pagod na rin umano sila sa pakikipaglaban.…
Read MorePNP-PRO5 full alert BICOL UNIVERSITY, PINASABUGAN
NANANATILING naka-full alert ang puwersa ng PNP-Police Regional Office 5 matapos yanigin ng dalawang magkasunod na pagsabog ang Bicol University sa Lungsod ng Legazpi noong Linggo ng hapon. Ayon sa inisyal na ulat, bandang alas-6:30 ng gabi nang mangyari ang dalawang magkasunod na pagsabog sa loob ng unibersidad na ikinagulantang ng karatig na mga establisyemento at police checkpoint. Ang Bicol University ay hindi kalayuan sa Camp Simeon Ola, punong himpilan ng PNP-PRO5 sa lungsod ng Legazpi. Ayon kay PNP Bicol chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, nagsasagawa ng masusing imbestigasyon…
Read MoreP6.8-M SHABU NASABAT SA TAWI-TAWI
TINATAYANG P6.8 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng AFP Western Mindanao Command at Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong drug personalities sa Tawi-Tawi. Ayon kay Maj. Gen. Alfredo Rosario Jr., commander ng Western Mindanao Command, tatlong bigtime drug dealer ang naaresto at nakumpiskahan ng isang kilo ng shabu bukod pa sa narekober na iba’t ibang drug paraphernalia inilunsad na buy-bust operation ng militar at PDEA. Kinilala ni Maj. Gen. Rosario Jr., ang arestadong drug personalities na sina Rodimer…
Read More2 BIGTIME DRUG PUSHERS TIMBOG SA ISABELA *6 arestado sa drug den sa Zambales
ARESTADO sa anti-illegal drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Gamu Police Station, Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit ng Isabela Police Provincial Office at Santiago City Police Office sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2 (PDEA RO2), ang dalawang bigtime drug pushers sa Gamu-Roxas Road, District 2, Gamu, Isabela noong Linggo. Sa ipinadalang email mula kay P/Lt. Col. Andree Abella, chief ng Regional Public Information Office ng PRO2, sa SAKSI NGAYON, kinilala ang mga suspek na sina Eugene Quindara, 38; nakalista bilang regional priority target, street level…
Read MoreMAY COMORBIDITIES NA MINORS UUNAHIN SA VACCINATION
SISIMULAN na ang pagbabakuna sa mga kabataang 12 hanggang 17 taong gulang na comorbidities laban sa coronavirus disease sa anim na Metro Manila hospitals simula sa Oktubre 15. Tinukoy ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang anim na ospital na ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical Center at Philippine General Hospital. “Ito po ay gagawin nating phased. Uunahin po natin yung 15 to 17 years old. And then yung 12 to 14 years old,” ayon kay Galvez.…
Read More75% TARGET POPULATION SA NCR BAKUNADO NA
TINATAYANG pumalo na sa 75.54% ang target population ng National Capital Region na fully vaccinated na laban sa COVID-19. Ito ang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Abalos na inaasahan na nilang tataas ang porsiyento ng 84% matapos ang isang buwan kapag ang first dose recipients ay naka-iskedyul na ng kanilang second dose. “Ngayon, 75.54% na tayo. In one month, ang projection namin, aabot siguro tayo ng mga 84% dahil iyong mga naka-first dose ay…
Read More