15 BAHAY NAABO SA BASECO

TINATAYANG aabot sa 30 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Baseco Compound, Port Area, Manila umaga nitong Biyernes. Nabatid sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang alas-9:00 ng umaga na umabot sa unang alarma at idineklarang fire under control dakong alas-9:41 ng umaga. Ayon sa ulat ng BFP, nagsimula umano ang sunog sa ika-2 palapag ng bahay ng isang Ria Pelandiana sa Blk. 1, Aplaya sa Baseco Compound. Pagkaraan ay mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa 15…

Read More

3 TUMBA SA COVID SA MALABON

TATLO katao ang namatay sa COVID-19 sa Malabon City noong Setyembre 30 habang 68 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,547 ang positive cases sa lungsod, 458 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Acacia (2), Baritan (3), Catmon (3), Concepcion (10), Hulong Duhat (1), Longos (18), Maysilo (1), Niugan (2), Panghulo (3), Potrero (3), San Agustin (6), Santulan (2), Tañong (2), Tinajeros (2), Tonsuya (1) at Tugatog (9). Habang 138 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa…

Read More

OFWs BIBIGYAN NG REQUIRED VACCINE BRAND SA MALABON

INAKSYUNAN ng pamahalaang lungsod ng Malabon ang overseas Filipino workers (OFWs) na nangangailangan ng kaukulang brand ng bakuna para makaalis ng bansa. Ayon sa City Hall, kailangang magdala ng valid government ID na ang address ay sa Malabon Kailangan din ang alinman sa mga sumusunod:  seaman’s book, contract, at job order. Maaaring magpasa ng mga dokumento bilang patunay ng pag-alis sa bansa hanggang Oktubre 6, 2021 sa City Health Office, 8th floor, Malabon City Hall. Para sa ibang katanungan, maaaring mag-text sa Vaccination Hotline: 09271942628 / 09683859818. (ALAIN AJERO) 202

Read More

HILAW NA BATIKOS SA PAREX BINUWELTAHAN

MALINAW na haka-haka at hilaw ang mga isyung ibinabato laban sa panukalang P95-billion Pasig River Expressway (PAREX). Ayon kay BenCy Ellorin, environmentalist at convenor ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon), premature at halatang planado ang isyung masisira ang heritage at historical sites sa pagsasagawa ng proyekto. Labis namang nagtataka si Ellorin sa mga tutol sa proyekto lalo pa’t hindi pa naman naipiprisinta ang detalyadong plano. Sinabi pa ng Pinoy Aksyon, ang napa-interesante sa plano ng San Miguel Corp. (SMC) ay ang gagastusing P2 billion para sa…

Read More

WANTED SA MAKATI, ARESTADO SA BATANGAS

HINDI na nagawa pang makatakas ng isang 50-anyos na lalaking pasok sa most wanted persons sa lungsod ng Makati nang arestuhin ng mga operatiba sa Lipa City sa Batangas. Kinilala ni Lieutenant Eusebio Lowaton ng Makati City Warrant and Subpoena Unit ang suspek na si Edgardo Enrique. Sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong murder na ipinalabas ni Makati City regional trial court Judge Augusto Jose Yparraguire Arreza, huli si Enrique sa kanyang pinaglulunggaang bahay sa Barangay Lodlod sa lungsod ng Lipa. “Amidst the continuing threat of COVID-19…

Read More

BANGAW DRUG GROUP MEMBER, 8 PA HULI SA QC

INANUNSYO ni Quezon City Police District Director P/BGen. Antonio C. Yarra ang pagkakaaresto sa siyam na drug suspect kasama ang isang miyembro ng kilabot na Bangaw drug group sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operations noong Huwebes sa Quezon City. Kinilala ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang, station commander ng Novaliches Police Station (PS-4), ang mga suspek sa unang operasyon na sina Baldrich Madeja, alyas “Buang”, 32; Emmanuel Gudilos, alyas “Manny”, 59; Jenny Tautjo, alyas “Boyong”, 39; Robert Domingo, 24, at Julius Calixtro, 25-anyos. Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation laban kay Madeja dakong alas-7:15…

Read More

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Congratulations! Lotto 6/42 Jackpot Winner PHP 36,829,296.20 – Jackpot Prize 10 – 06 – 02 – 09 – 18 – 29 : Winning Combination Draw Date: Tuesday, September 28, 2021 Winner Ticket Was Bought in Samboan, Cebu Prize above 10,000.00 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN LAW Prizes not claimed by the public within one year from date of draw shall be considered forfeited. (RA 1169) #LarongMayPuso #PCSOCares #IpaalamKayGM #ConqueringCOVID19 295

Read More

Sa paglutang ng ‘saksi’ FAKE NEWS NI KONSI NABISTO

ISANG konsehal ang nalagay sa balag ng alanganin sa paglutang ng isang saksing kabilang umano sa kanyang mga binayaran para palabasing may anomalya sa pamamahagi ng Livelihood Assistance Grant (LAG) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional office para sa tinatayang 3,500 benepisaryo sa bayan ng Pandi sa Bulacan. Partikular na tinukoy ng saksing pansamantalang tinawag na “Madam Witness” si Konsehal Cris Castro na siya umanong may pakana sa paghahain ng reklamo laban sa Magic 7 Cooperative na itinalagang mangasiwa sa distribusyon ng ayudang pangkabuhayan. Aniya, pinakiusapan siya…

Read More

P47.6-M SHABU NASABAT SA 2 TULAK SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa P47.6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Morato Gulam alyas “Habi” at Esmail Tanting, kapwa nasa hustong edad at residente ng Molino III, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang puwersa ng PDEA SAS at PDEA Provincial Office sa harapan ng SOMO Market sa Daang Hari, Alternate Route, Molino IV, Bacoor…

Read More