LAGARE sa ensayo ang Philippine Team para sa nalalapit na 2021 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championships sa Nakhon Ratchasima, Thailand. Base sa latest update ng Volleyball Philippines via Instagram, walang humpay sa training sa Batangas ang Team Rebisco at Team Choco Mucho na irerepresenta ang bansa sa AVC Club sa Oktubre 1-7. Caption sa nasabing post kung saan makikita ang puspusang training ng dalawang koponan: “Sunday morning ball ain’t falling.” Sasabak ang Team Choco Mucho sa Pool A kontra Nakhon Ratchasima Qmimc VC ng host country Thailand at Zhetyssu…
Read MoreAuthor: admin 2
CIGNAL HD NAGPAPALAKAS
MAKARAANG mangulelat sa 2021 PVL Open Conference, desidido ang Cignal HD na bumawi sa susunod na season. Katunayan, may tatlong bagong players ang Cignal HD — spiker Angeli Araneta, libero Bia General at setter Gel Cayuna–upang palakasin ang team. Nitong weekend pormal na kinuha ang serbisyo ni Cayuna, na umaksyon para sa Perlas Spikers sa nakaraang Open Conference noong Oktubre. Huli namang lumaro sina Araneta at General kasama ang Generika Ayala Lifesavers sa Philippine Superliga. Sa nakalipas na PVL Open Conference sa Ilocos Norte ay tumapos ang HD Spikers sa…
Read MoreROS LUSAW SA HOTSHOTS
ISANG panalo na lang ang kailangan ng Magnolia kontra Rain or Shine upang tuluyang umusad sa 2021 PBA Philippine Cup. Naungusan ng Hotshots ang Elasto Painters, 81-70, sa Game 1 ng kanilang best-of-three quarterfinals matchup Linggo sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga. Saktong nag-init ang mga kamay sa third quarter at umiskor ng 20 puntos ang Magnolia main man na si Pau Lee, sa kabila ng kabuuang 6-for-22 shooting, na sinamahan pa ng apat na rebounds at tatlong assists. Nagdagdag si Ian Sangalang ng double-double 19 points at 13 rebounds,…
Read More6,357 LITRONG KRUDO HAGIP SA PAMPANGA
KUMPISKADO sa isang operasyong ikinasa ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa 6,357 litro ng krudo mula sa isang gas station sa Arayat, Pampanga kamakailan. Bitbit ang warrant of seizure and detention na pirmado mismo ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, mabilis na tumungo ang mga operatiba sa bayan ng Arayat kung saan naroroon ang isang gasoline station ng PetroMobil Corporation na una nang sinuri ng mga inspektor ng nasabing tanggapan. Babala naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, mas paiigtingin pa nila ang kanilang kampanya kontra oil…
Read MoreISO Certification target sungkitin KOLEKTIBONG KILOS, HINDI KOMPETENSYA
TARGET ng walong district collection offices ng Bureau of Customs (BOC) sa Luzon ang nagpulong kamakailan sa paglalayong masungkit ang target na ISO Certification na patunay at pamantayan ng mahusay na pagganap sa mandato ng nasabing kawanihan. Sa pangunguna ng BOC-Port of Legazpi, inorganisa ang virtual governance sharing conference sa hangad na makapagpalitan ng kaalamang napatunayang epektibo sa pagpapatupad ng sistema kaugnay ng kalakalan sa mga pasilidad na sakop ng kawanihan. Bukod sa Port of Legazpi, kabilang din sa mga aktibong nakibahagi sa palitan ng “best practices” nitong nakaraang Huwebes…
Read MoreBOC guidelines kasado na BODY CAMS PARA IWAS AREGLUHAN
HANDANG-handa na ang Bureau of Customs (BOC) sa pagpapatupad ng polisiyang magbibigay katiyakang walang magaganap na aregluhan sa mga inspeksyon at operasyong inilulunsad ng kawanihan. Sa ipinalabas na Customs Memorandum Order 33-2021, inilatag na ng BOC ang mga panuntunan sa paggamit ng body cameras para sa mga miyembro ng kanilang Customs Police Authority at mga operasyon ng iba’t ibang tanggapan ng nasabing kawanihan. Ani Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, obligado nang gumamit ang lahat ng kanilang operatiba sa tuwing may inspeksyon ng mga kargamento at operasyon laban sa mga tulisang…
Read MorePINAS HANDA NANG MAKIPAGSABAYAN
SA hangaring makasabay sa ibang bansa sa larangan ng kalakalan, muling binuksan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang linya ng komunikasyon para sa palitan ng kaalaman, puna at suhestiyon sa mga kinatawan ng import-export sector. Sa isinagawang virtual conference kasama ang Export Development Council-Networking Committee on Trade Policies and Procedures Simplification (EDC-NCTPPS) kamakailan, nilinaw ng BOC ang mga pinaiiral ng polisiya, kasabay ng panawagan ng pakikiisa ng mga importer, exporter, customs brokers, mga tanggapan ng pamahalaan at iba pang stakeholders na pasok sa kalakalan. Sa nasabing virtual forum, binuksan…
Read MoreBOC patrol boats vs. smugglers GARANTISADO BILIS AT TATAG
Ni JOEL O. AMONGO BAGO pa man isabak sa aktuwal na tikaran sa karagatan, isinalang sa matinding pagsubok sa bilis at tatag ang 20 bagong biling patrol boats na pakay gamitin para tugisin ang mga tulisan sa karagatan. Lulan sina Finance Secretary Carlos Dominguez at Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero, pumalaot ang mga nasabing fast boats sa Manila Bay at sukdulang isagad ang kapasidad nito lamang nakaraang Setyembre 22. Sa pagbili ng mga naturang sasakyang pandagat, kumpiyansa naman si Guerrero na tuluyan na nilang matutuldukan at madarakip…
Read MoreFACE-TO-FACE CLASSES TABLADO SA BULACAN
TINUTULAN ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang pagpapatupad ng limited face-to-face classes sa mga paaralan sa kanyang nasasakupan. Ito ay makaraang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang limited face-to-face classes sa 120 public and private schools partikular na sa mga lugar na itinuturing na low-risk for COVID-19. Sa kanyang talumpati nitong Linggo sa isinagawang aid distribution ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pitong barangay sa bayan ng Calumpit, sinabi ni Fernando na hindi niya pahihintulutan ang napipintong face-to face classes…
Read More