CAVITE – Tinatayang P3.4 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Sabado ng hapon. Kinilala ang arestado na si Jemuel Papa, 34, ng Brgy. Malagasang, Imus City habang tinutugis ang kasama nitong si Anthony Saquilayan na nakatakas sa operasyon. Ayon sa ulat, dakong alas-2:15 ng hapon noong Sabado, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Batangas, PDEA Cavite, at Police Provincial Office (PPO) sa Saquilayan Compound, Green Mark…
Read MoreAuthor: admin 2
LADY RIDER NAAKSIDENTE, NAGPOSITIBO SA COVID
BATANGAS – Sugatan ang isang 30-anyos na dalaga makaraang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa tagiliran ng freezer van sa Maharlika highway sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Ngunit nang isugod sa pagamutan, natuklasang positibo sa COVID-19 ang biktimang si alyas “Mina,” residente ng Brgy. San Francisco, San Pablo City, Laguna, Batay sa report ng Sto. Tomas Police, bandang alas-4:15 ng umaga, tinatahak ng biktima ang highway patungo sa Sto. Tomas City nang bumangga ito sa tagiliran ng van na minamaneho ni Ruel Satioqiua…
Read MoreNAG-APPLY NA KASAMBAHAY SA LAGUNA, NAGLAHO
LAGUNA – Naglahong parang bula ang isang dalaga mula sa Taytay, Rizal nang mag-apply bilang kasambahay sa Sta. Rosa City, Laguna noong Sabado. Batay sa report ng Sta. Rosa City Police, wala pa ring impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng 26-anyos na si Juanita Mora Gardose, residente ng Barangay Dolores, Taytay. Ayon sa ina na si Vilma Mora Gardose, isang guro, makikipagkita umano ang kanyang anak sa isang Marvelyn Tumambac na nakilala nito sa social media at nag-alok ng trabaho sa dalaga bilang kasambahay. Bandang alas-8:20 noong Sabado ng umaga, tumawag ang…
Read More2 BIG TIME DRUG DEALER PATAY SA PNP-PRO5 *Most wanted, rape suspect nakorner
“WE go beyond challenged, we are compelled,” deklara ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na mapatay ng kanyang mga tauhan ang dalawang hinihinalang big time drug dealer nang masabat sa isang checkpoint sa Jose Panganiban, Camarines Norte. Kinilala sa ulat ang mga napaslang na sina Paciano Bandola y Garinga, 31, ng Cadlan, Pili, Camarines Sur, at Reynaldo Robin Bandola Jr. y Bronia, 29, Brgy. Escopa 1, Project 4, Quezon City. Ayon kay PNP-PRO5 spokesperson, P/Maj Malou Calubaquib, nasabat ang dalawang hinihinalang high value target sa inilatag na checkpoint ng…
Read More62 ARMAS, SHABU HULI SA CHECKPOINT
NAGBUNGA ang tiyaga ng mga nagmamantina ng AFP-PNP checkpoint operation ng Task Force Davao (TFD) katuwang ang Davao City Police Office (DCPO), nang masabat ang 62 piraso ng unlicensed firearms at ilegal na droga na P48,000 ang halaga mula sa dalawang nadakip na biyahero na nasita sa Lacson checkpoint sa Calinan, Davao City. “This big catch in Davao City is a clear manifestation of 10th Infantry Division’s commitment to help provide lasting peace and order in the region. Indeed, our troops are committed and skillful in the performance of their duties. And for…
Read MorePara masigurong walang whitewash KAMARA, DOJ PASOK SA BREE JONSON CASE
TUTUTUKAN din ng mababang kapulungan ng Kongreso ang imbestigasyon sa pagkamatay ng visual artist na si Bree Jonson upang maiwasan umano ang whitewash sa nasabing kaso. Ito ang napag-alaman kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas lalo na’t maimpluwensya ang person of interest sa kaso na si Julian Ongpin. “A thorough investigation on her death must be done to rule out suspicions of foul play and whitewash, especially as a member of the powerful Ongpin family was with the artist during her death,” ani Brosas. Si Julian na anak ni Roberto…
Read MoreKasunod ng babala ni PDuterte sa mga ‘manggugulo’ TAPAT AT PAYAPANG ELEKSYON 2022 TINIYAK
NANINIWALA si Philippine National Police Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar na nasa tamang landas ang kanilang kampanya para sa isang tahimik at maayos na Eleksyon 2022. Ayon kay Gen Eleazar, tuloy-tuloy ang hakbangin ng pambansang pulisya para siguruhing magiging tapat at mapayapa ang pagdaraos ng halalang pampanguluhan at lokal sa susunod na taon. “Sunod-sunod na ang aming matagumpay na operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa na nagresulta sa pagkakahuli ng mga gunrunners, mga miyembro ng Private Armed Groups at pagkakakumpiska ng maraming baril na maaaring gamitin upang mandaya…
Read More26% NG P42-B PS-DBM PROJECT NASALIKWAT NG PHARMALLY
WALANG kahirap-hirap na nasalikwat ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. ang malaking bahagi ng P42 bilyong kontrata sa Department of Budget Procurement Service (PS-DBM). Isiniwalat ito ni Senador Panfilo Lacson sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga anomalya sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya. Ibinatay ito ni Lacson sa dokumento buhat sa DBM na nagsasabing sa 45 suppliers, nakopo ng Pharmally ang 26.39 porsiyento na kabilang sa P42 bilyon na inilipat ng Department of Health (DOH) sa PS-DBM. “Out of 44 other suppliers, Pharmally ang No. 1, and…
Read MoreQCPD-PS2 CLARAVALL, ATBP. KINASUHAN SA OMBUDSMAN
SINAMPAHAN ng patung-patong na kaso sa Office of the Ombudsman noong nakalipas na Setyembre 21, si PLTCol Ritchie R. Claravall at limang tauhan nito sa Quezon City Police District Masambong Station 2 matapos balewalain ang umiiral na kautusan ng korte para sa patuloy na operasyon ng Peryahan ng Bayan ng Globaltech Mobile Online Corporation. Batay sa mga reklamong kriminal at administratibo na inihain sa Ombudsman ni Cindy Labtang, Field Operations Officer ng Globaltech, direktang nilabag ni Claravall, station commander ng QCPD PS 2 at mga tauhan nito ang Republic Act…
Read More