NAKATAKDA nang repasuhin ni Senador Grace Poe ang Centenarian Law dahil hindi katanggap-tanggap na walang nakukuhang benepisyo ang pagpanaw ng mga sentenaryong lolo at lola alinsunod sa batas. Sa pahayag, sinabi ni Poe, ikinokonsidera ng gobyerno ang pagrepaso sa proseso upang mapabilis at mapadali ang pamamahagi ng benepisyo sa ilalim ng batas sa matatandang hindi na gaanong makakilos sanhi ng edad at sitwasyon. “Kailangan na makipag-ugnayan ang Department of Social Welfare and Development sa mga lokal na pamahalaan upang magkaroon ng talaan ng mga taong malapit nang mag-100 taon at…
Read MoreAuthor: admin 2
DAGDAG GASTOS SA SEMINAR, TRAININGS PINABABASURA
HABANG nirerepaso ng Kongreso ang pagpapatupad ng Continuing Professional Development (CPD) Act, isinusulong ni Senador Win Gatchalian na gawing abot kaya at praktikal ang mga training program na kailangang bunuin ng mga propesyunal sa bansa upang makapag-renew ng kanilang lisensya. “Kung magkakaroon ng pamantayan at isasakatwiran ang mga bayarin pati na rin ang mga online training program habang may umiiral na pandemya, makatwiran lang na tanggalin na ang mga dagdag na gastusin ng mga prospesyunal sa pagre-renew nila ng kanilang Professional Identification Card (PIC),” sabi ni Gatchalian. Matapos umani ng…
Read MoreGURO KUKULANGIN SA PAGPAPALIBAN NG LET
NAKAAMBANG magkaroon ng shortage sa mga guro sa Pilipinas matapos ipagpaliban ng Professional Regulation Commission (PRC) ang Licensure Examination for Teachers (LET).”There will be a shortage of teachers especially in the new normal where there should be fewer students in a class,” babala ni ACT party-list Rep. France Castro. Partikular niyang tinukoy ang lugar kung saan ipinagpaliban ang LET gaya sa National Capital Region (NCR), Lucena, Romblon at Butuan dahil sa pandemya sa COVID-19 na nagsimulang manalasa sa bansa noong 2020. Bagama’t may request na ilipat sa ibang lugar ang…
Read MoreDELIVERY RIDER NATUMBOK NG JEEP, PATAY
CAVITE – Patay ang isang 24-anyos na delivery rider nang banggain ng isang public utility jeepney ang minamanehong motorsiklo sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Dead on arrival sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Joshua Caorong habang boluntaryong sumuko ang driver ng isang pampasaherong jeepney na si Celso Canonigo, 59-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jonathan Logario ng Tanza Police Station, dakong alas diyes ng gabi noong Biyernes nang mangyari ang insidente. Parehong binabagtas ng biktima at suspek ang kahabaan ng A. Soriano…
Read MoreBarko pinasok ng tubig MAGKAPATID ‘DI NAKAHINGA, PATAY
HINDI umano nakayanan ng apat na tripulante ang paglilimas ng tubig na pumasok sa barko nagresulta upang mawalan ng malay ang dalawa sa mga ito habang binawian ng buhay ang magkapatid makaraang mahirapang huminga habang nasa karagatang sakop ng lalawigan ng Cebu noong Setyembre 22. Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southwestern Mindanao ang mga biktimang namatay na sina Remil at Renato Sanico. Habang isinugod naman sa Corazon Aquino Hospital sina Chief Engineer Anthony Napoles at Third Engineer Jerson Capuno makaraang mawalan ng malay. Napag-alaman, naabutang wala nang buhay sa loob ng…
Read MoreBABAENG CREW PATAY, 9 MISSING SA 2 SEA MISHAPS
PATAY ang isang babaeng crew ng RoRo/passenger vessel habang 37 tripulante naman ang nasagip sa karagatan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa magkahiwalay na sea mishaps sa Cebu at Ormoc City, ayon sa ulat ni Commodore Armand Balilo ng Coast Guard Information Office. Bukod dito, napag-alaman na may siyam pang crew ng fishing vessel ang nawawala. Ayon sa ipinadalang incident report sa tanggapan ni PCG Commandant Vice Admiral Leopoldo V. Laroya, isa ang nasawi sa paglubog ng MV Lite Ferry 3 habang…
Read MoreNANAKOT NG CURFEW VIOLATORS, PARAK INARESTO
INARESTO at ikinulong ang isang pulis ng Manila Police District makaraang magbunot ng baril at takutin ang mga kabataang lumabag sa curfew sa Tondo, Manila. Depensa ng pulis ni P/Cpl. Medel Biluan, nakatalaga sa Intelligence Section ng MPD – Station 2, nakulitan siya sa mga kabataan. “Hindi ko naman itinutok ‘yung service firearm ko, hawak-hawak ko lang kasi ang kukulit nila nakita na nila ako pero hindi nila ako pinapansin,” aniya. Nang makarating ang ulat kay Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang insidente ay agad na…
Read More2 ESTUDYANTE, KUBRADOR TIMBOG SA LOTTENG
DALAWANG estudyante ang dinakip kasama ang kubrador na kanilang tinayaan ng lotteng noong Biyernes ng gabi sa Malabon City. Magkakasunod na ibinalibag sa selda sina Lanz Joseph Patani, 18, estudyante; Rondaznie Aldana, 21, estudyante, at Argie Tabinas, 35, kubrador, pawang mga residente ng lungsod. Ayon sa ulat, may nagnguso sa mga parak ukol sa pamamayagpag ng Lotteng sa Gov. Pascual Avenue sa harap ng Arellano University sa Barangay Concepcion. Alas-7:40 ng gabi nang isagawa ang anti-illegal gambling operation at isang undercover ang nakataya ng P200 sa lotteng kay Tabinas. Sa puntong…
Read More5 DURUGISTA ISINELDA
ARESTADO ang limang umano’y durugista makaraang makumpiskahan ng mahigit P100,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Herly Padolina alyas “Negy”, 41; Erica Peñalosa alyas “Tapeng”, 31; Hasmen Eredia alyas “Jhazz”, 36; Mark Ronillo Marcaba alyas “Epoy”, 40, at Gilbert Habana alyas “Dodong”, 34. Ayon sa ulat, ala-1:25 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa Pampano St., Brgy. Longos. Isang undercover police ang umiskor kina Padolina at Peñalosa ng P500 halaga ng…
Read More