2 DAYUHAN TIMBOG SA CYBER PROSTITUTION

INIHAHANDA na ang deportasyon sa dalawang dayuhan na umano’y sangkot sa cyber prostitution sa bansa, makaraang matimbog ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Bohol at Taguig City, iniulat noong Biyernes. Unang natimbog ang suspek na Amerikanong si Paul Franklin Gozock, 63, sa Bohol, dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na gawain noong 2019. Nagtungo sa bansa ang isang kinatawan ng US District Court ng Western District sa New York, upang tugisin si Gozock at nasakote ng Bureau of Immigration sa Bohol. Samantala, isang South Korean national na wanted din sa kanilang bansa ang…

Read More

NEW FACE SHIELDS REGULATIONS INAAPURA NA

MINAMADALI na ng Department of Health ang pagrebisa sa regulasyon hinggil sa paggamit ng face shields makaraang ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na ito gagamitin sa ‘open areas’ kundi sa mga piling lugar at sitwasyon na lamang. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, susundin nila ang rekomendasyon ng mga eksperto na gamitin na lamang ang face shields sa 3s (closed, crowded, close-contact settings). “Ito po ‘yung indoor activities, especially in settings where there is crowding or exposure risk or promotes close contact based on the nature of work,…

Read More

17 PATAY SA COVID SA CAMANAVA

NAKAPAGTALA ng 17 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area, batay sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Umakyat sa 1,436 ang total COVID deaths sa Caloocan City noong Setyembre 24 mula sa 1,423 noong Setyembre 22 o karagdagang 13 casualties, habang 2,098 naman ang active cases. Pumalo na sa 55,559 ang total confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 51,215 na ang gumaling. Tatlong COVID patients naman ang binawian ng buhay sa Navotas City at 1,006 ang active cases hanggang 11:59 pm noong…

Read More

‘HARANA NG PAG-ASA’ HANDOG SA PASYENTE

STA. ROSA, Laguna – Bukod sa lunas ng medisina, malaking bentahe rin ang haranang nagbibigay ng pag-asa sa mga pasyenteng nakaratay dahil sa banta ng nakamamatay na COVID-19, ayon sa pamunuan ng Medical City South Luzon kung saan nakatalaga ang isang pambihirang nursing aide sa likod ng viral video sa social media. Pagmamalaki ni Medical City South Luzon president Dr. Cesar Espiritu, mapalad silang naging kawani nila si Kristelle Ann Honorio, isang nursing aide na matiyagang isinasabay sa kanyang nursing rounds ang panghaharana sa tulong ng isang gitarista sa kanilang…

Read More

‘DI NAKAPAG-INTREGA SA DROGA, ITINUMBA

CAVITE – Hinihinalang dahil sa hindi na-intregang pinagbentahan ng ilegal na droga kaya binaril at napatay ang isang 49-anyos na lalaki sa Imus City noong Huwebes ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Ariel Mallari ng Block 1, Lot 18, Delight St., Happy Homes, Buhay na Tubig, Imus City, dahil sa tama ng bala ng kalibre .38 na baril habang pinaghahanap ang suspek na si Jeff Rosales ng Barcelona, Buhay na Tubig sa nabanggit ding lungsod. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Tristan Tamayo ng Imus City Police Station, bago ang pamamaril,…

Read More

May katatagpuing supplier sa Laguna 2 NEGOSYANTE INIWANG PATAY SA SASAKYAN

LAGUNA – Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pagpatay sa dalawang negosyanteng natagpuang patay sa loob ng sasakyan sa Calamba City noong Miyerkoles ng umaga. Iniwan ang bangkay ng mga biktimang sina Arman Nikko Bautista, 32, at April Rhon Reyes, 21, sa loob ng abandonadong Mercedes Benz na may plate number na WAG-833, sa bakanteng lote sa Cassandra Subdivision sa Barangay Banlic. Base sa inisyal na imbestigasyon ng Calamba City Police Station, natagpuan ng isang concerned citizen ang abandonadong sasakyan sa lugar. Nang siyasatin ng mga awtoridad,…

Read More

ABU SAYYAF FINANCIER, PATAY SA ENGKWENTRO

NANEYUTRALISA ng mga tauhan ng Philippine Navy ang isa sa mga most wanted personality sa lalawigan ng Sulu at sinasabing financier ng teroristang Abu Sayyaf Group, nang makasagupa ang mga elemento ng 4th Marine Brigade sa bayan ng Luuk sa nabanggit na lalawigan. Kinilala ni Maj. Emery Torre, Public Affairs Officer ng Philippine Marine Corps, ang napatay na si Aldasir Makumbong, alyas “Alsimar Mangumah”. Ayon kay Torre, target ng kanilang isinagawang law enforcement operation si Makumbong dahil sa pagpatay sa isang negosyante sa Zamboanga City, at iba pang krimen kabilang ang robbery…

Read More

10 WANTED PERSONS NALAMBAT NG PNP-PRO5

SAMPUNG wanted persons na nahaharap sa iba’t ibang kaso ang nalambat ng pulisya ng Bicol bunga nang mas pinaigting na operasyon kontra kriminalidad ng PNP-Police Regional Office 5 sa pamumuno ni P/Brig. Jonnel C. Estomo. Sa datos ng PNP-PRO5 na ibinahagi ni Major Malou, Calubaquib, sa Sorsogon, umarangkada ang Pulis Kasanggayahan sa pagtugis sa tatlong wanted persons. Dakong alas-6:30 ng umaga sa Brgy. Awaii, Donsol, napasakamay ng Donsol MPS ang akusadong si Michael Miranda y Nuelan, 40-anyos, residente ng Brgy. San Vicente ng nasabing bayan. Si Miranda ay nahaharap sa…

Read More

Ongpin nakalaya sa depektibong kaso PNP ‘NABUTASAN’ SA BREE JONSON CASE

HINDI man lang nagtagal sa kustodiya ng pulisya ang anak ng bilyonaryong nahulihan ng gramo-gramong droga sa silid ng isang hotel sa La Union kung saan pumanaw ang kasamang nobya kamakailan. Mabilis na nakalaya si Julian Ongpin sa bisa na rin ng resolusyong ipinalabas ng piskalya makaraang mabutasan ang kasong isinampa ng pulisya kaugnay ng drogang tumambad sa silid ng isang hotel sa La Union kung saan natagpuan ang walang buhay na katawan ng visual artist na si Breanna “Bree” Jonson kamakailan. Sa ulat ng pulisya, tumimbang ng 12.6 gramo…

Read More