AYUDA PAY-OUT TAPUSIN NA – DILG

KAILANGAN nang matapos ngayong linggo ang pamamahagi ng ayuda ng mga mga local government units (LGU) na isinailalim sa mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) nitong nakaraang Agosto. Sa tala ng Department of Interior and Local Government (DILG), may mga LGUs pa rin sa lalawigan ng Laguna at Bataan ang hindi pa tapos sa pagpapamahagi ng cash aid sa mga pamilyang apektado ng paghihigpit bunsod na rin ng banta ng nakamamatay na COVID-19. Sa isang pahayag, tinukoy ni DILG Secretary Eduardo Año ang Laguna na may 99.8% distribution rate at…

Read More

MOST WANTED ARESTADO MAKARAAN ANG 13 TAON

MAKARAAN ang 13 taon, tuluyan nang nahulog sa kamay ng mga alagad ng batas ang tinaguriang Most Wanted sa bansa, sa isang operasyon sa Muntinlupa City. Bitbit ang patung-patong na warrant of arrest, dinakip ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang suspek na kinilalang si Bobby Baliber na nasa unang pwesto ng mga most wanted sa buong bansa batay na rin sa ipinalabas na talaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ayon kay SPD Director General Jimili Macaraeg, sa dami ng kinakaharap na asunto ni…

Read More

Nasita sa simpleng ordinansa LALAKI ARESTADO SA CARNAPPING, ESTAFA

INARESTO ang isang lalaki makaraang matuklasang suspek sa kasong estafa at carnapping nang masita dahil sa paglabag sa ordinansa sa Sampaloc, Manila. Napag-alaman, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Manila Police District, namataan nila ang isang lalaking sakay ng motorsiklo ngunit walang suot na helmet sa España Boulevard sa Sampaloc, Manila. Agad namang sinita ng mga awtoridad ngunit nadiskubre na peke ang driver’s license ng suspek na kinilalang si Mc Dainielle Manalang y Domingo, nasa hustong gulang, at residente ng Camella Springville, Molino 3, Bacoor, Cavite. Batay sa ulat ni P/Lt.…

Read More

3 SUGATAN SA SUNOG SA VALENZUELA

TATLO katao ang sugatan sa nangyaring sunog sa Valenzuela City noong Huwebes ng umaga. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagkaroon ng second degree burns ang isang 16-anyos na dalagita, isang 21-anyos na lalaki at isang 43-anyos na babaeng agad nilapatan ng lunas ng sumaklolong emergency medical service team. Nangyari ang sunog sa Galguera Compound sa Diam Street, Gen. T. De Leon at umabot sa 1st alarm dakong 2:25 ng madaling araw at 2nd alarm matapos ang limang minuto. Nakontrol ng mga bumbero ang sunog bandang 2:36 ng madaling…

Read More

BILANG NG POSITIBO SA HCF SA QC BUMABA NA

BUMABA na sa 51% ang bilang ng mga pasyenteng ginagamot sa lahat ng HOPE Caring Facilities sa Quezon City. Ayon sa QC Health Department, patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nahahawaan ng virus sa loob ng dalawang linggo, dahil nasa 51.07% na lamang ang nananatili at kasalukuyang ginagamot ng healthcare workers sa HOPE. Dumarami na rin ang available hospital beds sa mga pagamutan na nasa ilalim ng QC government. Sa kanilang pagtatala, lumalabas na nasa 11,660 na lamang ang active cases sa QC kumpara sa mahigit 12,000 noong nakaraang araw.…

Read More

4 TODAS SA COVID SA MALABON, NAVOTAS

DALAWA ang naitalang namatay sa COVID-19 sa Malabon City noong Setyembre 23 at 150 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,065 na ang positive cases sa lungsod, 674 dito ang active cases. Habang 290 pasyente ang gumaling at 18,778 na ang recovered patients ng siyudad, habang 613 naman ang COVID death toll. Dalawang COVID patients din ang binawian ng buhay sa Navotas City, habang 1,087 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Setyembre 22 matapos na 102 ang gumaling at 20 bagong kaso ang madagdag.  Pumalo na sa…

Read More

DAGDAG-BUWIS SA POGO PIRMADO

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magtatakda ng karagdagang buwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs). “Pinirmahan kahapon, September 22, 2021, ang Republic Act No. 11590 or an Act taxing Philippine Offshore Gaming Operations,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “Bahagi ito sa ating mahigpit na pagri-regulate ng lahat ng klase ng gambling at pagbabawal ng ilegal na sugal,” dagdag na pahayag nito. Tinatayang 60% ng buwis na nakokolekta mula sa offshore gambling ay gagamitin para sa universal health care program, habang ng 20% naman ay mapupunta…

Read More

PAGBABAKUNA SA MINORS IKAKASA SA OKTUBRE

IPINANUKALA ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang pagbabakuna sa mga menor de edad o 12 hanggang 17 taong gulang laban sa COVID-19 sa kalagitnaan ng Oktubre. Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, sinabi ni Galvez na ang Pilipinas ay mayroong 23.75 milyong bakuna na naka-stock habang may karagdagang 20 milyon naman ang inaasahan na darating sa unang linggo ng Oktubre. “We are proposing to open the vaccination for children by mid October, kasi by mid October may additional pa tayong 20 million na dadating plus ‘yung 23…

Read More

AFP, PNP MEDICS PINADE-DEPLOY SA MGA OSPITAL

INATASAN ni Pangulong Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na mag-deploy ng mga miyembro ng medical corps dahil sa tumataas na COVID-19 cases sa mga health worker. Sinabi ng pangulo na maraming health workers ang nagkakasakit ng COVID-19, habang nasa ospital na punum-puno ng mga pasyente na tinamaan ng nasabing sakit. “I’m ordering the medical corps of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police… Please place your human resources on ready, on deck because talagang alam mo, ‘yan talaga…

Read More