HINDI pa maaaring ituring na closed case ang pagkamatay ng sikat na visual artist na si Bree Jonson, kasabay ng pagsisiwalat ni Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar na patuloy pa rin nilang tinitignan ang anggulong foul play. Pag-amin ni Eleazar, partikular nilang iniimbestigahan ang initial findings kung saan lumalabas na “Asphyxia” ang ikinamatay ng dalaga base sa autopsy. Aniya, hinihintay pa nila ang resulta ng histopathological examination o pagsusuri sa tissue ni Jonson na ayon kay Eleazar ay posibleng abutin ng isa pang linggo bago lumabas. Paliwanag niya,…
Read MoreAuthor: admin 2
Sa ‘overpriced’ food packs GRAFT, PLUNDER IKAKASA VS MAYOR JOY
(JOEL O. AMONGO) PINAGHAHANDAAN ng grupong Malayang Quezon City at iba pang lokal na opisyal ang pagsasampa ng kasong graft at plunder laban kay Quezon City Mayor Joy Belmonte kaugnay ng diumano’y overpriced food packs na ipinamahagi sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Kahapon ng umaga, pinangunahan ni AnaKalusugan Party-list Rep. Mike Defensor kasama sina Cong. Allan Reyes ng District 3; Cong. Onyx Crisologo ng District 1; Councilor Karl Castelo ng District 2; ex-Cong. Bingbong Crisologo at Malayang QC President Edwin Rodriguez ang pagtungo sa Kamuning Market upang pagkumparahin ang presyo…
Read MoreELEAZAR BINUBUYO SA SENADO
HINDI pa man ganap na nagreretiro sa serbisyo, isang manifesto ang nagsusulong sa pagpapatuloy ng paglilingkod ni Philippine National Police director-general Guillermo Eleazar – pero hindi para sa pagpapalawig ng kanyang termino kundi para sa Senado. Inilunsad na rin sa iba’t ibang social media platforms ang isang online signature campaign na nananawagan kay Eleazar na ikunsidera ang anila’y tawag ng pagkakataon, kasabay ng papuri sa anila’y hindi matatawarang lideratong walang bahid ng dungis. Ayon pa sa manipesto, higit na kailangan ngayon ng bansa ang katangian ni Eleazar para sa pundasyon…
Read MoreSa pekeng PhilHealth claims 7 PASIG HOSPITAL OFFICIALS KAKASUHAN
PITONG opisyal ng isang ospital sa Pasig City ang pinakakasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice dahil sa nadiskubreng pekeng claims sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na aabot sa P.8 milyon. Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga opisyal ng Tricity Medical Center (TMC) na sina Dr. Enrico Cruz, hospital administrator; mga miyembro ng board of directors na sina Dr. Gjay Lalu Ordin; Dr. Froilan Antonio De Leon; at Dr. Lourdes Rhoda Reyes Padilla; RN ng pagamutan na si Cherry Catalan Flores; PhilHealth…
Read MoreAMNESTIYA SA BUWIS, TRAFFIC VIOLATIONS APRUB SA MAYNILA
APRUBADO na matapos pirmahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang ordinansa na nagbibigay ng amnestiya sa hindi nabayarang business at real property tax gayundin ang hindi pa nabayarang multa sa traffic violations sa lungsod Ayon sa Ordinance No. 8773, naipasa sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang mga maaaring makakuha ng amnestiya ay mga nagmamay-ari o nag-o-operate ng ano mang negosyo sa Maynila, may-ari ng mga real property, mga lumabag sa batas trapiko, at mga may nakabinbing local tax case sa korte. Nabatid na mismong ang alkalde ang…
Read More78% TARGET POPULATION SA QC FULLY VACCINATED NA
UMABOT na sa 78 porsyento ng kabuuang target population ng Quezon City ang ‘fully vaccinated’ o nakatanggap na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines. Sa huling datos ng QC LGU, nabatid na 2,987,968 doses ng bakuna ang naiturok na sa QCProtekTODO Vaccination Program sa tulong ng healthcare workers, staff at volunteers. Sa mahigit 2.9 million doses ng bakuna, 1,754,345 o 103.20% ang nabakunahan na ng first dose, samantalang 1,233,623 o 76.80% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose. Sa kabuuan, 1,327,353 o 78.08% ng target adult population ang maituturing na…
Read More36 LUGAR SA CALABARZON ‘HIGH RISK’ SA COVID-19
TATLUMPU’T anim na lokalidad sa Calabarzon ang tinukoy ng Regional Task Force Against COVID-19 na pasok sa talaan ng mga lugar na may pinakamataas na bilang ng mga tinamaan ng nakamamatay na karamdaman. Kabilang dito ang 16 na bayan at lungsod sa lalawigan ng Batangas. Sa lalawigan ng Cavite, nasa listahan ang mga lugar ng Amadeo, General Mariano Alvarez, General Emilio Aguinaldo, Magallanes, Mendez, at Trece Martires City. Ang probinsya ng Laguna na nasa ilalim pa rin ng MECQ, pasok sa talaan ang mga bayan ng Calauan, Famy, Los Baños,…
Read MoreMAG-ASAWA NABITAG SA DROGA SA BATANGAS
NADAKMA ng mga tauhan ng Batangas Provincial Intelligence Unit at Lipa City Police ang lider ng drug group sa Ilocos Sur, sa anti-illegal drugs operation sa Lipa City noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si Julius Lago, lider ng Yago drug group at miyembro ng isa pang criminal group sa Ilocos Sur. Si Yago at nasakote sa buy-bust operation sa Barangay Pinagkawitan, Lipa at nasamsam dito ang 17 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 17 gramo at may DDB value na P116, 280. Nakumpiska rin sa suspek ang…
Read MoreBATA’ NI ATONG ANG, DINUKOT
STA. CRUZ, Laguna – Isang 44-anyos na nangangasiwa ng online sabong platform ng tanyag na si Atong Ang, ang dinukot ng ‘di pa kilalang armadong kalalakihan sa Barangay San Lucas sa lungsod ng San Pablo. Ayon sa tagapagsalita ng Laguna Provincial Police Office na si Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran, hindi bababa sa sampung armadong kalalakihang lulan ng dalawang van at isang SUV na nagpakilala bilang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tumungo sa mismong bahay ng biktimang 44-anyos na si Ricardo Ricafort Lasco. Sa kuha ng CCTV…
Read More