SUICIDE NG RETIRADONG PULIS, PINAGDUDUDAHAN NG PAMILYA

DUDA ang pamilya ng isang retiradong pulis na nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo sa kanilang bahay sa bayan ng Rizal sa Laguna, Miyerkoles ng madaling araw. Batay sa report ng Rizal police, nagbaril umano ang biktimang si Vicentito Isles, 59-anyos, residente ng Barangay Tala. Natagpuan ng mga kaanak ang suicide note sa tabi ng bangkay na may nakasulat na “pagod na ako, suko na ako, by Tito”. Subalit duda ang mga kaanak dahil hindi sa loob kundi sa harap ng bahay natagpuan ang duguang biktima at tatlo…

Read More

5 NPA PATAY SA OPENSIBA SA CAGAYAN

LIMANG kasapi ng communist New People’s Army ang napatay sa inilunsad na military offensive ng mga tauhan ng 501st Infantry Brigade (501IBde) sa ilalim ng 5th Infantry “Star” Division (5ID) sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Dungeg, Sta. Teresita, Cagayan. Sa ulat na natanggap ni Northern Luzon Command chief, Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos, tumagal ng halos dalawang oras ang bakbakan laban sa tinatayang 40 rebelde na hinihinalang mga miyembro ng Komiteng Probinsiya Cagayan – Komiteng Rehiyon Cagayan Valley. Tumakas ang mga rebelde nang dumating ang air support mula sa Philippine…

Read More

2 DAYUHAN, PINAY HULI SA P3.4-M SHABU SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong dalawang dayuhan at isang Filipina sa isinagawang buy-bust operation sa Gen. Trias City sa lalawigang ito. Kinilala ang mga suspek na sina Stephen Michales, alyas “Sam,” 36, Ghanaian national; Agbe Monday Patrick, alyas “Liberty,” 27, estudyante, Nigerian national, at Roca Kaylene Glynnis Mejia, 30, call center agent. Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 noong Martes ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA Pampanga, PDEA Bulacan, PDEA 4-A, CIDG Pampanga at Gen. Trias City…

Read More

Pinasok ng COVID patient PAG-IBIG OFFICE, NAKA-LOCKDOWN

LAGUNA – Nagsasagawa ng contact tracing sa isang tanggapan ng gobyerno matapos pumasok dito ang naka-home quarantine na isang COVID-19 positive sa Calamba City. Sinundo ng mga kinatawan ng Public Order and Safety Office ng naturang lungsod ang babaeng hindi pinangalanan na nakatira sa Brgy. Palo Alto. Katuwiran ng pasyente, nagtungo siya sa PAG-IBIG office para bayaran ang monthly amortization ng kanilang bahay upang hindi ma-penalty. Paliwanag naman ng hepe ng POSO na si Jeffrey Rodriguez, nalagay sa peligro ang lahat ng mga taong nasa loob ng tanggapan at maaari…

Read More

NEGOSYANTE ITINUMBA SA GASOLINAHAN

BATANGAS – Patay ang isang negosyante matapos tambangan sa isang gasolinahan sa bayan ng Lemery sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Leo Recito Gonzales, 61, residente ng Barangay Manghinao, Bauan, Batangas. Batay sa report ng Lemery Police, nangyari ang pamamaril sa Clean Fuel gasoline station sa Barangay Bukal, Lemery bandang alas-4:00 ng hapon Batay sa report, galing sa pagde-deliver ng cooking oil ang biktima sa Balayan kasama ang kanyang misis na si Florife Gonzales, 51, nang tumigil ang mga ito sa gasolinahan upang magkarga ng diesel at mag-CR. Ngunit habang pasakay…

Read More

WESTERN BRAND COVID VACCINES MAILAP PA RIN

INAMIN ng Malakanyang na mahirap hanapin ang Western-brand vaccines laban sa coronavirus disease (COVID-19). Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ulat na nagpakita ng “low acceptability” o mababang pagtanggap ang Davao City sa mga Chinese-made vaccines lalo na sa Sinovac at Sinopharm. Sa ulat, ito ang nais na iparating ni Davao Mayor Sara Duterte-Carpio sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa posibleng aksyon, na sinasabing kabilang sa pagbili ng mas maraming western-made jabs ng pamahalaan. “On behalf of IATF, sino…

Read More

BRAVEST MEN ‘WANTED’ SA VALENZUELA

NANANAWAGAN si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa mga pinakamatatapang na lalaki sa lungsod na makilahok sa laban kontra COVID-19 bilang rescue personnel. “Calling Valenzuela City’s bravest men! Join the COVID-19 battle as part of the City’s Rescue Team!” anang alkalde. Dapat na residente ng lungsod ang aplikante, hindi lalagpas sa 35-anyos; hindi bababa sa 5’6″ ang taas, physically fit at may katamtamang pangangatawan at nakapag-aral ng kolehiyo/vocational course. Kailangan din sa mga nagnanais na maging rescue personnel ang Land Transportation Office professional driver’s license na may restriction code na…

Read More

8 MADRE SA QC, 12 SA CAMANAVA NASAWI SA COVID-19

WALONG madre ng Congregation of the Religious of the Virgin Mary (RVM) ang namatay matapos na magpositibo ang mga ito sa COVID-19. Sa panayam sa RVM ng Radyo Veritas, ang mga namatay na madre ay pawang nasa 80 hanggang 90-anyos ang edad. Ang mga ito ay kasama sa 62 madre na nagpositibo sa virus mula sa Saint Joseph Home, kumbento ng RVM Sisters sa Quezon City. Ayon kay RVM Sister Ma. Anicia Co, tagapagsalita ng kongregasyon, bukod sa mga madre ay kabilang din sa mga nagpositibo sa COVID-19 ang 52 personnel ng kumbento. “The personnel are still young, so they…

Read More

PNP PUMIYOK SA PAGLAYA NI JULIAN ONGPIN *Binabantayan na ng Immigration

TINIYAK ni Philippine National Police chief, Police General Guillermo T. Eleazar na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa pagkamatay ng 30-anyos na artist na si Bree Johnson na nakitang walang buhay sa loob ng isang hotel sa La Union. Una nang inihayag ni Julian Ongpin, anak ng multimillionaire na si Roberto Ongpin, na nakuhanan ng 12 gramo ng cocaine ngunit pinalaya ng mga pulis, na nagpakamatay ang kanyang kasamang si Brianna Johnson sa loob ng comfort room ng hotel. Nilinaw ng PNP Police Regional Office 1 na wala sa kanilang…

Read More