NAGHAIN ng panukalang batas si San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida P. Robes upang gawing mandatory ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga karapat-dapat tumanggap nito. Magiging mandato ng House Bill No. 10249 na kilala bilang An Act Providing for Mandatory COVID-19 Vaccine for All Filipino Citizens Eligible to Receive the Vaccine and Appropriating Funds ang sapilitang pagkakaloob ng COVID-19 vaccine sa lahat ng mga Filipino at mga naninirahan sa Pilipinas na may karapatang tumanggap ng bakuna. Nakasaad din sa panukala na lahat ng gastusin para sa COVID-19…
Read MoreAuthor: admin 2
Isko, iba pa pasok sa Top 5 PERFORMANCE SURVEY SA NCR MAYORS
NAKAKUHA si Manila City Mayor Isko Moreno ng pinakamataas na approval rating sa mga Metro Manila mayor na pumalo sa 88%. Pasok din sa Top 5 sina Mayor Joy Belmonte ng Quezon City (82%), Vico Sotto ng Pasig (81%), Toby Tiangco ng Navotas (80%), at Menchie Abalos ng Mandaluyong (78%). Ang independent, non-commissioned survey ay isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), kung saan kinapanayam nito ang may 5,750 respondents, na sinabihang i-evaluate ang kani-kanilang alkalde hinggil sa kanilang overall job performances, ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMD.…
Read MorePagkamatay ni Bree Jonson binubusisi ng PNP HDO SA ANAK NG BILYONARYO
HUMILING ang pamilya ng nasawing artist na si Bree Jonson ng malalimang imbestigasyon at pagsasailalim sa Hold Departure Order (HDO) sa anak ng isang bilyonaryo na sinasabing nobyo ng biktima. Bilang tugon, agad iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar ang paghimay sa kaso. Nauna rito, umapela ang mga magulang ni Jonson sa Department of Justice na maglabas ng immigration lookout bulletin at HDO laban kay Julian Ongpin, anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin, na huling nakasama ng 30-anyos na biktima at nahulihan pa…
Read MorePHARMALLY DIRECTOR KULONG SA SENADO
TULUYAN nang naubusan ng pasensya ang mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee at ipinag-utos ang pagkulong kay Pharmally Pharmaceutical Corporation director Linconn Ong sa Senado. Si Ong ay inaresto ng Office of the Senate Sgt At Arms at dinala sa Senate Building sa Pasay City. “Mr. Chairman, Mr. Linconn Ong is with the OSAA already…. He is already on the way here to the Senate,” pagkumpira ni Senate President Vicente Sotto III sa gitna ng pagpapatuloy ng imbestigasyon sa sinasabing overpriced COVID-19 goods. Una rito, sa gitna ng pagtatanong…
Read MorePONDO NG DTI PINADARAGDAGAN
NAGHAIN ng resolusyon sa Kamara ang isang senior lawmaker para sa karagdagang pondo ng Department of Trade and Industry upang masuportahan at maasistehan ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSME’s) na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Dismayado ang maraming mambabatas sa pondong nakalaan sa MSME’s na higit na nangangailangan ng ayuda ngayong panahon na may pandemya. Responsibilidad anila ng DTI ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa partikular na ang mga negosyong bumagsak at pagkawala ng hanapbuhay ng mga manggagawa. Ayon sa House Resolution 2228 na inihain ni Deputy Speaker on Trade…
Read MoreESPASYO SA DELIVERY RIDERS SA VALENZUELA
IPATUTUPAD na sa Valenzuela City ang Ordinance No. 914 Series of 2021 o ang Bayaning Delivery Rider Welfare Ordinance na nag-aatas sa mga establisyemento sa lungsod na may puhunang higit sa P3 milyon na magtayo ng malinis at ligtas na espasyo para sa mga delivery rider. Kabilang sa mga pamantayan ang paglalaan ng mga upuan na may sapat na distansya para sa hindi bababa sa 10 riders; pagbibigay ng access sa handwashing station na may sabon, alcohol at disinfectant, at pagbibigay ng purified drinking water at disposable biodegradable cups. Ayon…
Read More6 NPA PATAY SA OPENSIBA NG MILITAR
ANIM na miyembro ng komunistang New People’s Army ang napaslang ng militar habang nasa 15 matataas na kalibre ng baril ang nasamsam sa dalawang sagupaan sa area of responsibility (AOR) ng 4th Infantry Division ng Philippine Army. Ayon sa ulat na ibinahagi ni 4th ID commander, Maj. General Romeo Brawner Jr., dalawang magkahiwalay na engkwentro ang nangyari sa Malaybalay City, Bukidnon at Butuan City sa Agusan del Norte noong Martes ng hapon. Unang naglunsad ng focus military operation ang pinagsanib na puwersa ng 1st Special Forces Battalion (1SFBn), na pinamumunuan ni…
Read MoreSa manhunt ops ng PNP-PRO5 TOP 1 MOST WANTED NPA, TIMBOG SA MASBATE
DETERMINADO ang PNP-Police Regional Office 5 na wakasan na ang karahasan ng New People’s Army kaya mas pinaigting ang pagtugis sa mga kasapi ng communist terrorist group upang pagbayarin sa kanilang krimeng nagawa. Ito rin ay upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima. Ayon sa ulat na ibinahagi ni PNP-PRO5 Public Information officer P/Major Malou Calubaquib, nahulog sa kamay ng batas ang top 1 most wanted person ng San Pascual, Masbate. Ang arestado ay kinilalang si Noe Cuervo y Casinillo, 45-anyos, may asawa, residente ng Sitio Calumpang, Brgy. Mabini, San Pascual, Masbate. Ayon…
Read MoreP102K SHABU NASAMSAM SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P100,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam mula sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang arestado na si Aaron Celestino, alyas “AA”, 42, ng Brgy. Panapaan 3, Bacoor City. Ayon sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, dakong alas-6:45 noong Lunes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS sa nabanggit na lugar na nagresulta sa pagkakadakip…
Read More