PAGBABALIK NG F2F CLASSES DAPAT SLOWLY BUT SURELY – SOLON

HINIKAYAT ng isang mambabatas mula sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pamahalaan partikular ang Department of Education (DepEd) na pakinggan at paghandaan ang hinaing ng teachers at grupo ng mga Education Advocate para sa pagbabalik ng face-to-face classes. Ayon kay Quezon City Congressman Alfred Vargas, kabilang sa inaasam ng mga guro sa pagbabalik ng tradisyunal na pag-aaral ang additional hazard pay at enforcement of health protocols. “Dapat lahat ng concerns ay paghandaan. Hindi po biro-biro ang resumption ng face-to-face classes, lalo na’t patuloy ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19,…

Read More

KELOT ITINUMBA SA ESKINITA

BINARIL at napatay ang isang hindi pa kilalang lalaki nitong Linggo ng madaling araw sa Caloocan City. Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-12:20 ng madaling araw sa Bagong Silang ng lungsod. Nabatid sa ulat, nakaupo ang biktima sa isang eskinita malapit sa Aratiles St., Phase 3, Bagong Silang nang barilin ng suspek. Agad binawian ng buhay ang biktima na nakalungayngay sa upuan nang abutan ng mga pulis. Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente. (ALAIN AJERO) 232

Read More

CALL CENTER AGENT NAKIPAG-INUMAN, NATAGPUANG PATAY

NATAGPUANG patay ng kanyang ina ang isang call canter agent matapos makipag-inuman sa mga kaibigan sa Malabon City noong Sabado ng hapon. Ayon kay Malabon Police chief, P/Col. Albert Barot, nadiskubre ang walang buhay na si Armando Escaño, 30, ng kanyang ina na si Mila, 56, na nakadapa sa kama sa kanilang bahay sa Brgy. Potrero, dakong alas-2:00 ng madaling araw. Ayon sa salaysay ni Mila sa pulisya, huli niyang nakitang buhay ang biktima bandang ala-una ng hapon habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan. Dinala sa Northern Police District (NPD)…

Read More

Kaso pinatutukan ni Eleazar LALAKI ITINUMBA SA HARAP NG ASAWA

SA kabila na nagkalat ang close circuit television (CCTV) camera sa lungsod ng Pasig, bigo ang pulisyang dakpin ang gunman na pumaslang sa isang 32-anyos na lalaki sa harap mismo ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bambang nito lamang nakaraang Sabado. Hindi na nakuha pang isugod sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Gilson Pillarina Garcia na agad ding namatay sa loob mismo ng kanilang tahanan. Ayon sa kanyang asawang kinilalang si Maricel David, bandang alas-6:00 ng umaga nang pasukin sila ng isang armadong lalaking agad na ipinutok ang…

Read More

Sangay ng courier company hinoldap, teller sugatan

CAVITE –Mahigit sa P11,000 halaga ng cash at cellphone ang tinangay ng isang motorcycle rider matapos holdapin ang isang sangay ng LBC Express sa Dasmariñas City noong Biyernes ng umaga Pinaghahanap ng pulisya ang isang lalaking sakay ng isang motorsiklo, nakasuot ng kulay itim na jacket na maong at tinatayang 30 hanggang 35 anyos, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa salaysay ni Mary Rose Sidiangco, 24, teller ng LBC Express sa Aguinaldo Highway, Brgy. Zone 4, Dasmariñas City, kay Corporal Aaron John Golo ng Dasmariñas City Police Station, nag-iisa siya sa kanilang…

Read More

12-ANYOS BINARIL NG STEPFATHER

CAVITE – Binaril ng isang lalaki ang 12-anyos na anak ng kanyang kinakasama nang aksidente nitong mahugot ang plug ng tv habang nanonood ng paborito niyang serye ang suspek noong Biyernes ng gabi sa Brgy. Alapan 1-B, Imus City. Kinilala ang suspek na si Reynaldo Managan y Nerosa habang ang biktima ay si Marian Angelica Fortoes y Palarca, kapwa residente ng Blk. 4, Lot 31, Molave St., Westwood ng nabanggit na lugar. Ayon kay Michelle Palarca, ina ng biktima, dakong alas-7:00 ng gabi nang magalit ang suspek nang aksidenteng mahugot…

Read More

SANGGOL INIWAN SA CREEK

LAGUNA – Nasagip ang isang buwan gulang na sanggol makaraang iwanan ng kanyang ina sa tabi ng creek sa Calamba City noong Huwebes. Napag-alaman, natagpuan ng concerned citizen na si Jefferson Nazareno ang sanggol sa ilalim ng tulay sa Barangay Parian habang nakabalot sa kumot at may sapin na karton sa loob ng sirang manhole. Agad pinuntahan ng Public Order and Safety Office (POSO) ng Calamba City ang sanggol matapos kumalat ang post sa social media ni Nazareno. Nasagip ang sanggol at natagpuan ang ina na umano’y pansamantalang umalis upang maghanapbuhay.…

Read More

BEBOT HULI SA OVERPRICED COVID VACCINES

SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cebu City ang isang babae na umano’y nagbebenta ng overpriced na Tocilizumab, isang gamot para sa mga may severe COVID-19. Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang inarestong suspek na si Cherry Jalaron, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy. Guadalupe, Cebu City. Nabatid na unang hiniling ng Office of the Presidential Adviser for Visayas (OPAV) sa NBI na tutukan ang isang Karen Go na sangkot sa pagbebenta ng Tocilizumab sa Cebu City sa napakataas na halaga.…

Read More

CPP-NPA HIGH VALUE TARGETS, 20 TAUHAN SUMUKO

ILANG high value targets at high ranking CPP-NPA-NDF leaders ang sumuko kabilang ang isang NPA front secretary, at 20 cadre, habang isang kasapi ng CPP-NPA Central Committee ang nadakip sa area ng Army 4th Infantry Division, 10 Infantry Division sa Davao at Northern Luzon command. Sa magkakahiwalay na ulat na isinumite sa AFP headquarters sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City, dalawang high-value individuals (HVIs), isang political instructor, at anim na regular members ng Former Guerilla Front 4A (FGF 4A) ng CNTs (CPP-NPA terrorists) ang sumuko sa Agusan del Norte. Ayon kay MGen. Romeo…

Read More