SWAK sa karsel ang pitong umano’y mga adik sa kanilang lugar nang matiklo sa buy-bust operation sa Valenzuela City. Magkakasunod na ibinalibag sa selda sina Jerry Colinares Jr., 25; Jemmeline Barbosa, 30; Lilibeth Lerit, 51; Eller Rabino Jr., 30; Mark Anthony Macaspac, 31; Michael Demie Quismundo, 30, at Jennifer Padua, 27, pawang mga residente ng lungsod. Natiklo ang pito sa #430 Dulong Tangke, Brgy. Malinta, Valenzuela City dakong alas-11:40 ng hapon noong Setyembre 14 at nakuha sa kanila ang 2.5 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P 17,000 ang halaga, buy-bust…
Read MoreAuthor: admin 2
DELIVERY RIDER NAPATAY NG PULIS
DEPENSA ng isang 31-anyos na pulis Maynila, accidental firing ang sanhi ng pagkakabaril niya sa isang delivery rider makaraang pumutok ang kanyang service firearm sa barangay hall sa Tondo, Manila noong Huwebes ng gabi. Gayunman, isasailalim sa masusing interogasyon ng Manila Police District-Homicide Section si P/Cpl. Oliver Ferrer na nakatalaga sa MPD-Station 1 at residente sa Malaya St., Balut, Tondo. Si Ferrer ang itinuturong suspek sa pagkamatay ng biktimang si Jayson Capistrano y Carreon, residente sa Gagalangin, Tondo. Batay sa ulat ni Det. John Paul Rojo, bandang alas-10:45 ng gabi nang aksidenteng…
Read More45 crew nailigtas 2 CARGO VESSELS TUMIRIK SA BATANGAS
BATANGAS – Nailigtas 45 crew ng dalawang sister cargo vessels na magkasunod na tumirik sa karagatang sakop ng bayan ng Lobo sa lalawigang ito, noong Huwebes. Batay sa report ng Philippine Coast Guard, unang tumirik ang cargo vessel na MV Seaborne Cargo 6 nang masira ang makina nito habang nasa bahagi ng Verde Island Passage patungong Roxas Culasi, Iloilo at may kargang 140 containers. Dahil nasa busy maritime lines ito at daanan ng mga barkong patungo sa Visayas at Mindanao at Manila, kaagad itong humingi ng saklolo sa sister vessel nito…
Read MorePAGPASOK NG ESTRANGHERO SA BATANGAS HINIGPITAN
MAS mahigpit na border security ang ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa kabila pa ng pagluluwag ng community quarantine status ng Metro Manila at ang pagbawi ng travel ban sa 10 bansang may mataas na antas ng kontaminasyon. Sa isang pahayag, mas minarapat umano ng pamahalaang panlalawigang panatilihin ang mahigpit na border control upang tiyaking hindi na madaragdagan ang kaso ng nakamamatay na COVID-19 sa kanilang hurisdiksyon. Partikular na hihigpitan ang mga international travellers mula sa 10 bansang kabilang sa red list. Mas mahigpit na guidelines din anila ang…
Read MoreTumakas sa Albay natunton sa Antipolo WANTED RAPIST ‘DI NILUBAYAN NG PNP-PRO5
UMABOT ng hanggang Antipolo City ang pagtugis ng mga tauhan ng PNP Bicol para madakip ang isang wanted rapist ng Oas, Albay upang bigyan ng hustisya ang biktimang may diperensiya sa pag-iisip. Ayon sa ulat na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, ginalugad ng mga operatiba ng Kasurog Bicol ang kinaroroonan ng suspek na si Rolly Olayval y Selos sa Sitio Libis, San Isidro, San Jose, Antipolo City. Si Olayval ang tinuturong suspek sa panggagahasa sa isang dalagang may diperensiya sa pag-iisip sa Oas, Albay noong taong 2016. Base sa…
Read MoreDRUG GROUP MEMBER NABITAG SA BICOL
NABITAG sa operasyong ikinasa nang pinagsamang mga tauhan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CN PPO) at Regional Drug Enforcement Unit 5 ang isang umano’y miyembro ng drug group at kabilang sa listahan ng PNP-PRO5 Regional Recalibrated Data Base on Illegal Drugs ng Bicol. Ang suspek ay kinilalang si Van Valenzuela y Velasquez, 45-anyos at residente ng Purok-5, Brgy. Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte. Ayon sa ulat na isinumite kay Bicol PNP Regional Director, Police Brig. General Jonnel C. Estomo ng Camarines Norte PPO, ang high vale target ay kasapi ng Gutierrez…
Read More57 LUGAR SA NCR NAKA-GRANULAR LOCKDOWN
NASA ilalim ng granular lockdown ang 57 lugar sa National Capital Region (NCR) dulot na rin ng mga kaso ng COVID-19. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na ang nasabing bilang ay batay sa unang araw pa lamang ng implementasyon ng alert level system sa kalakhang Maynila. “Almost all LGUs here in Metro Manila have granular lockdowns,” ani Malaya. Samantala, 73% na umanong okupado ang COVID-19 beds sa anim na district hospitals sa lungsod ng Maynila. Kabilang dito…
Read MoreMANDATORY SIM CARD REGISTRATION VS KRIMEN
SUPORTADO ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagsasabatas ng panukalang Senate Bill No. 2395, or the SIM Card Registration Act, na nag-aatas sa mandatory registration ng SIM card o subscriber identity or identification module, bago makabili. Sa kanyang co-sponsorship speech, sinabi ni Dela Rosa na malaki ang maitutulong ng mandatory registration ng SIM cards laban sa paggawa ng online fraud o krimen. “With the proposed measure…SIM card registration shall now be mandatory as a prerequisite for the sale thereof, including all existing SIM card subscribers with active services who…
Read MoreSa isa pang kumbento sa QC 22 POSITIBO,1 PA PATAY SA COVID-19
MINO-MONITOR ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) at nagsasagawa ng inventory sa lahat ng closed-setting at long-term care facilities sa siyudad upang mabatid kung nagkaroon ng COVID-19 outbreaks. Kasama sa nasabing mga pasilidad ang convents, orphanages, nursing homes, homes for the aged, rehabilitation centers, shelters for street children, halfway homes para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso, hospices, correctional facilities at iba pa. “Hindi pwedeng reactive tayo sa tuwing magkakaroon ng outbreak. Nakikita natin na sunod-sunod na ang mga reported outbreak sa ganitong high-risk facilities, unahan na natin. We will test…
Read More