Ni JOEL O. AMONGO AGRESIBONG tinutugis na ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang sindikatong pinaniniwalaang sa likod ng tangkang pagpupuslit ng hindi bababa sa P2.2-milyong halaga ng high-grade marijuana na nasabat sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan. Bulilyaso agad sa isinagawang controlled delivery operation ng BOC-NAIA, PDEA at Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang isang nagngangalang Arthur Antonio na consignee ng 1.8 kilo ng high-grade marijuana na ikinubli pa sa biskwit at laruang bahagi ng lumapag na kargamento.…
Read MoreAuthor: admin 2
LIDER, 4 TAUHAN NG DRUG GROUP TIMBOG SA P1-M SHABU
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam makaraang madakip ang lider ng Bryan Felizardo drug group at apat na iba pa sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Martes ng gabi. Kinilala ang arestado na si Bryan Felizardo, 31, binata, ng 149-C Gawaran St., Brgy. Digman, Bacoor City, high value individual, at kabilang sa Regional Priority List ng PRO 4A. Arestado rin ang umano’y mga kasabwat ni Felizardo na sina Geraldo Ordoñez, 48; Recardon Mahilum, 40; Ricard Dealca, 33, at Queenllie Mata, 20-anyos. Ayon sa ulat,…
Read MoreMGA MENOR DE EDAD IMINULAT NG PNP-PRO5 SA KANILANG KARAPATAN
HINANGAAN ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang naging hakbang ng PNP-Police Regional Office 5 sa pamumuno ni Regional Director Jonnel C. Estomo, na pagmulat at nagtuturo sa mga kabataan hinggil sa kanilang mga karapatan at pagsawata sa pang-aabuso sa mga menor de edad sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tamang impormasyon. Ito ay makaraang umpisahan ng Catanduanes 1st Provincial Mobile Force Company ang kanilang information drive tungkol sa rape, sa mga piling kabataan ng Barangay Timbaan sa bayan ng San Andres noong nakaraang linggo bilang bahagi…
Read MoreISA SA MGA NASA LIKOD NG SIKAT NA BUKO PIE NG LAGUNA, PATAY SA COVID-19
PIHADONG mahihirapan ang mga dumarayo sa Laguna sa paghahanap ng mabibilhan ng kilalang buko pie dahil sa pansamantalang pagtigil ng operasyon nila makaraang bawian ng buhay ang isa sa mga tao sa likod ng produktong ipinagmamalaki ng lalawigan. Sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon, nakatakda na sanang ilipat sa recovery room si Colette dela Cruz na nakuha pang makarekober mula sa severe case na kanyang kinasadlakan nang bigla na lamang umano bumigay. Ayon sa mga kaanak ni dela Cruz, hindi naging madali ang laban ng pangalan sa likod ng sikat…
Read MoreCHECKPOINT AALISIN NA SA METRO MANILA
HINDI na maglalagay ng mga checkpoint ang Philippine National Police sa pagsisimula ngayong araw ng pilot implementation o pagsubok ng pagpapairal ng Alert Level System sa National Capital Region (NCR). Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, itutuon na lamang ng pambansang pulisya ang puwersa nito sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown. “Wala na tayong checkpoint sa operation dahil narinig naman natin ng uniform naman itong Level 4,” ani Eleazar. Sinabi ng PNP chief na ang pagpapatupad ng granular lockdown ay hindi na bagong hakbang para sa…
Read More7 PATAY SA COVID SA CAMANAVA
PITO ang naitalang namatay sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area dahil sa COVID-19, batay sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, tatlo ang binawian ng buhay sa Navotas City at 1,740 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Setyembre 13 matapos na 193 ang gumaling ngunit 252 naman ang nahawaan. Pumalo na sa 16,408 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 14,187 na ang gumaling at 481 ang namatay. Dalawang pasyente naman ang binawian ng buhay sa Malabon City at 91 ang nadagdag…
Read MoreSa ipatutupad na alert system PNP KASADO NA SA GRANULAR LOCKDOWN SA NCR
ITO ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief, P/General Guillermo Lorenzo T. Eleazar kaugnay sa ipatutupad na granular lockdown at quarantine alert level system sa National Capital Region simula ngayong Huwebes, Setyembre 16. Una nang inatasan ni Gen. Eleazar ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nasa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Gen. Vicente Danao, na alamin ang nilalaman ng guidelines at makipag ugnayan sa kanilang mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga bagong patakaran at mga pagbabago kung kinakailangan. Ayon kay P/Gen. Eleazar,…
Read MorePangongotong na-huli cam 2 TRAFFIC ENFORCER SA MAYNILA SIBAK
DALAWANG miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau na hindi na pinangalanan, ang agarang sinibak ni MTPB chief Dennis Viaje, ayon sa utos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, makaraang makunan ng video habang umano’y nangongotong sa isang motorista. Ayon sa alkalde, sinibak ang dalawang traffic enforcer ayon sa ipinaiiral na one-strike policy ng pamahalaang lungsod at ng Manila Police District. Ayon kay Viaje, ang nasabing enforcers ay naaktuhan sa isang video na kuha ng isang netizen habang kinokotongan ang isang truck driver sa Laong-Laan St. sa Sampaloc noong…
Read MoreABU SAYYAF MEMBER NADAKMA SA QC
DINAKMA ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa umanong kaanib ng grupong Abu Sayyaf sa Brgy. Culiat, Quezon City. Nahaharap sa patong-patong na kaso ang natimbog na si Albazir Abdulla y Hamsi na may alyas na “Abu Saif”. Base sa ulat ng NBI-Counter Terrorism Division (NBI-CTD) na isinumite kay NBI Officer-In-charge (OIC) Director Eric Distor, natunton ang kinaroroonan ng suspek sa Salam Compound sa nabanggit na lugar. Bunsod nito, agad nagresponde ang mga tauhan ng NBI at nadakip sa operasyon ang nasabing suspek na nahaharap sa kasong kidnapping…
Read More