NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para kondenahin at imbestigahan ang pagpatay sa isa sa aktibong miyembro ng Bayan Muna na si Atty. Juan Macababbad sa Surallah, South Cotabato. Sa House Resolution (HR) 2223 na inakda ng mga miyembro ng Makabayan bloc, inatasan ng mga ito ang House Committee on Human Rights na kondenahin at imbestigahan ang pagpatay kay Atty. Macababbad. Base sa report, tinaniman ng mahigit limang bala si Macababbad sa katawan na karamihan ay sa ulo ang tama noong Setyembre 15, 2021 sa harap ng kanyang bahay…
Read MoreAuthor: admin 2
Philippine Charity Sweepstakes Office: Announcement
Pursuant to the latest government directive placing Metro Manila under General Community Quarantine (GCQ) – Alert Level 4 from September 16-30, 2021, PCSO announces that it will be fully operational during this period as per approval of the IATF, under Resolution No. 115 series of 2021 with strict compliance of existing health and safety protocols and observance of minimum public health standards. PCSO gaming operations in other areas shall follow the respective LGU quarantine or localized lockdown guidelines. Likewise, live broadcast draws of our lotto and digit games will be aired…
Read More13 NABITAG SA DROGA SA MAYNILA
ARESTADO ang 13 katao makaraang mahulog sa bitag ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police Station 3 sa inilatag na buy-bust operation sa Quiapo, Manila, noong Miyerkoles ng gabi. Kumagat sa P500 halaga ng marked money ang mga suspek na kinilalang sina Peter Paul Lim y Misal, 32; Akmad Mamumasaragat y Maute, 29; Rozendo Oloy y Evangelista, 42; Manuel Cordero y Bebeng, 32; Rowena Salustiano y Lawson, 52; Reynilda Dollente y Narvaez, 58; Analyn Singgon y Lomabao, 36; Rusan Dela Rosa y Sabordo, 33; Marissa Meneses…
Read MorePALASYO BLANGKO PA SA PAGLUWAG NG NCR
WALA pang ideya ang Malakanyang kung may timeline ang pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa Kalakhang Maynila. “Hindi ko alam kung kailan makakamit ‘yan (Alert Level 1). Pero ang importante sa Metro Manila, ay mahigit 60% na ang ating pagbabakuna,”ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Ang Kalakhang Maynila ang itinuturing na epicenter ng COVID-19 pandemic sa bansa. Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay kasabay nang pagsisimula ng unang araw ng implementasyon ng Alert Level 4 sa Metro Manila, isang protocol na bahagyang pinapayagan ang indoor at outdoor dining at…
Read MoreHelmet tinangay ng hangin MAG-UTOL DEDBOL SA MOTORSIKLO
CAVITE – Binawian ng buhay ang magkapatid na lulan ng motorsiklo nang mawalan ng balanse ang driver makaraang tangayin ng hangin ang helmet ng angkas nito at bumangga sa harang na bakal sa gilid ng kalsada sa Dasmariñas City, nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang magkapatid na sina John Michael Vincent Oyao, 24, binata, at Shane Ashley Oyao, 18, kapwa residente ng Block 146, Lot 6, Phase 4, Mary Cris Complex, Camachille, Gen. Trias City, kapwa namatay sa pinangyarihan ng insidente. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City…
Read More2 ANAK MINANYAK NI TATAY
BATANGAS – Sukdulang atungal sa likod ng rehas ang larawan ng isang 33-anyos na ama makaraang ipahuli mismo ng kanyang kabiyak bunsod ng sumbong ng paulit-ulit na panggagahasa nito sa dalawang anak na babae sa bayan ng Tuy. Ayon sa pulisya, edad 10 at pitong taong gulang ang mga biktima ng paulit-ulit na panghahalay na nagsimula pa 2017. Sa salaysay ng ina ng mga biktima, nagaganap ang panghahalay sa tuwing siya’y aalis sa kanilang tahanan para maghanapbuhay. Gayunpaman, hindi naman nabanggit sa ulat ng pulisya kung paano at kailan niya…
Read MoreMAS EPEKTIBONG TRADENET ISINULONG NG 67 AHENSIYA
NAGTIPON-TIPON ang 67 Trade Regulatory Government Agencies (TRGAs) para pagtibayin ang National Single Window sa isinagawang 3rd NSW – Technical Working Group (NSW-TWG) Virtual Meeting kamakailan. Sa pangunguna ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero bilang Chairperson ng NSW-TWG, binigyang diin nito ang importansya ng ugnayan ng bawat kasaping ahensya ng pamahalaan sa programang pangkabuhayan, kontra katiwalian at maging sa aspeto ng hanapbuhay, kalusugan ang maayos na pagpapatupad ng mga umiiral na batas. Kabilang din sa dumalo sa nasabing forum sina Anti-Red Tape Authority director general Jeremiah Belgica at Customs…
Read MoreHIGPIT KONTRA HOT MEAT
SA hangaring protektahan ang local meat industry, mas mahigpit na binabantayan ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpupuslit ng iba’t ibang meat products ng walang kaukulang import permits mula sa Bureau of Animal Industry (BAI). Kamakailan lang, muling nakasabat ang mga kawani ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng 56.5 kilo ng karneng baka at baboy mula sa pasaherong lulan ng mga lumapag na eroplano sa nasabing paliparan. Ayon mismo sa BOC-NAIA, bigong makapagprisinta ng kaukulang import permits ang mga pasaherong may dala ng mga nasabing produktong…
Read MoreKALUWAGAN PARA SA MSMEs
BILANG tugon sa panawagang palakasin ang kalakalan, kinilala ng Bureau of Customs (BOC) ang programang isinusulong ng Philippine Trade Facilitation Committee (PTFC) kabilang ang mga inisyatibong magbibigay kaluwagan sa mga maliliit na negosyanteng nabibilang sa micro, small and medium enterprises (MSME). Ayon sa BOC, malaking bentahe ang iba’t ibang aktibidad ng PTFC, na nilikha sa bisa ng Executive Order 136 ni Pangulong Rodrigo Duterte, upang ibalik ang sigla ng kalakalang tumamlay bunsod ng paghinto ng negosyo sa gitna ng pandemya. Bahagi ng mandato ng PTFC ang pagsusulong ng mga programang…
Read More