IKINAAALARMA sa lalawigan ng Quezon ang pagkaipon ng mga nasawi umano sa COVID-19 sa isang ospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan. Base sa larawang ipinadala sa SAKSI Ngayon, makikita ang mga bangkay ng mga nasawi umano sa coronavirus disease sa Quezon Medical Center na nakahilera sa pasilyo. Makikita sa larawan na ang mga bangkay ay nakasilid sa body bags sa ground floor ng annex building ng QMC. Ayon sa ilang nakakita, nakababahala ang kalagayan sa nasabing pampublikong pasilidad, kung saan sa unang palapag na mismo ng ospital nakalagak ang…
Read MoreAuthor: admin 2
Game na sa Set.16 GULATAN SA GRANULAR LOCKDOWN
TALIWAS sa unang pahayag ng gobyerno, walang anumang abisong makakarating sa mga lugar na nakatakdang isailalim ng bagong kasang granular lockdown bilang bahagi ng estratehiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) bilang tugon sa tumitinding hamon laban sa pandemya. Sa isang pahayag na inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG), inamin mismo ni Undersecretary Jonathan Malaya bilang tagapagsalita ng ahensya ang aniya’y pagbabago sa paraan ng pagsugpo sa lumolobong bilang ng mga taong tinatamaan ng nakamamatay na COVID-19. Aniya, tuloy na tuloy na rin ang ang pilot implementation ng…
Read More7 DAGDAG SA COVID DEATHS SA 2 CAMANAVA CITIES
ANIM ang naitalang namatay sa Malabon City dahil sa COVID-19 noong Setyembre 12, ayon sa City Health Department. Bunsod nito, umakyat sa 586 ang COVID death sa lungsod habang 63 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 18,883 ang positive cases sa siyudad, 983 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Baritan (1), Catmon (4), Concepcion (18), Flores (5), Maysilo (1), Muzon (2), Niugan (1), Panghulo (1), Potrero (9), San Agustin (7), Tañong (1), Tinajeros (4), at Tonsuya (9). Habang 78 pasyente ang…
Read More1 pa mapupuno na rin 2 QC HOSPITALS, APAW NA SA COVID PATIENTS
APAW na sa mga pasyente ang dalawang Quezon City Hospitals, habang malapit na ring mapuno ang isa pang ospital sa nasabing siyudad dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 na pumapasok dito. Sa nakuhang data ng SAKSI NGAYON, ‘as of September 12, 2021, ang Novaliches District Hospital ay nakapagtala ng 152.10% occupancy rate; habang ang Rosario Maclang Bautista General Hospital ay may 146% occupancy rate, samantala ang Quezon City General Hospital ay may 97% occupancy rate o mapupuno na sa mga pasyenteng may COVID-19. Nabatid na ang Quezon City Hospital…
Read MoreHINDI PAGGAMIT NG FACE SHIELD ITINUTULAK SA MAYNILA
IMINUNGKAHI ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang hindi na paggamit ng face shields. Nabatid na hiniling ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila City Council na pinamumunuan ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, na pag-aralan ang posibilidad nang hindi na paggamit ng publiko ng face shields sa Maynila “Pina-aaral ko na sa konseho kasi gastos lang ‘yan sa tao eh. Antabayanan ninyo,” ayon sa alkalde. “Ginagawa lang headband, tumatalsik, ‘yung matatanda nadadapa, nahihirapan huminga tapos basura pa. Last year, lito tayo, lahat naiintindihan ko pero ngayon may…
Read MoreMinomonitor na ng PNP LOOSE FIREARMS BINEBENTA RIN ONLINE
IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na imbestigahan ang nadiskubreng modus na online selling ng loose firearms. Ito ay kasunod ng pagkakadiskubre sa paunang imbestigasyon na libo-libong piyesa o bahagi ng high powered firearms at mga bala na na-recover sa isang bodega sa Bulacan, ang pinagbubuo-buo muli para ibenta sa private armed groups at maging sa pamamagitan ng online platforms. Ayon sa pagsisiyasat, ang disassembled parts ay police- and military-issued items na hindi maayos na na-dispose. “In our…
Read More14 casualties kinukumpirma pa P628-M PINSALA NG BAGYONG JOLINA SA AGRIKULTURA
MAHIGIT P628 milyon ang tinatayang halaga ng pinsala sa agrikultura habang patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa nawasak na imprastraktura matapos ang pananalasa ng bagyong Jolina sa bansa. Ito ay kasunod ng isinagawang aerial inspection ng Philippine Air Force hinggil sa lawak ng naging pinsala ng nagdaang bagyo. Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, anim na rehiyon sa bansa ang lubhang nasalanta sa pananalasa ng bagyong Jolina kabilang ang Region 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, Region 6 at Region 8. Sa inilabas…
Read MoreESTUDYANTE ITINUMBA SA CALAMBA
LAGUNA – Patay ang isang 20-anyos na estudyante makaraang pagbabarilin sa Calamba City noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Bryan Ben Jaurigue Victoriano, 20-anyos, residente ng Barangay Lecheria. Ayon sa report ng Calamba City Police, bandang alas-4:30 ng hapon, nakaupo sa terrace ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang hindi kilalang suspek na armado ng maiksing baril. Bigla na lamang nitong pinagbabaril ang binata na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Isinugod sa Pamana Hospital sa Calamba City…
Read More2 RIDER NA LASING TODAS SA HIGHWAY
QUEZON –Patay ang dalawang binatang magka-angkas matapos na bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa hulihang bahagi ng nakaparadang sasakyan sa gilid ng Maharlika Highway sa bayan ng Sariaya noong Sabado ng hatinggabi. Kinilala ang Sariaya Police ang mga biktimang sina Van Jerick Cayabat Magsino, 19-anyos, driver, residente ng Barangay Gibanga, Sariaya, at Jerson Sarion Sayas, 24, backrider, residente ng Barangay Calumpang, Tayabas City. Batay sa report ng Sariaya Police, tinatahak ng mga ito ang Maharlika Highway sa Barangay Gibanga nang sumalpok sa isang lumang SUV na pansamantalang nakatambak sa gilid ng highway…
Read More