3 NURSE NA STRANDED SA SAUDI, BALIK-PINAS

MULING makakapiling ng kani-kanilang pamilya ang tatlong nurse matapos ang mahigit isang taong pagka-stranded sa Kingdom of Saudi Arabia. Ayon sa mga nurse, ilang beses nakansela ang repatriation efforts ng pamahalaan hanggang naubusan na sila ng pera at napaalis sa tinitirhan nilang bahay. Ikinatakot ng mga ito na hindi sapat ang kanilang ipon dahil walang kasiguraduhan ang kanilang pag-uwi kaya naisipan nilang humingi na ng tulong sa kanilang lokal na opisyal. Nitong nakalipas na Agosto 14, lumapit kay Palayan City Mayor Adrianne Mae Cuevas ang isang kaanak ni Sherlyn Macatlang,…

Read More

1 PATAY, KAPITAN, 2 PA SUGATAN SA AMOK

BATANGAS – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kapitan ng barangay at dalawa nitong kaanak makaraang manghalihaw ng saksak ang isa nilang kabarangay na ang anak ay may kaso sa islang bayan ng Tingloy sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa ospital sa bayan ng Mabini, Batangas ang biktimang si Magno Corona, habang nilalapatan ng lunas ang mga sugatang sina Barangay Captain Jonjon Villanueva, 31, at mga kaanak nito na sina Jijomel Villanueva at Roward Villanueva, pawang taga Barangay Corona. Kinilala naman ang suspek na si…

Read More

PRRD, VP Leni nagpaabot ng pagbati “TARGET ON AIR” NI KA REX CAYANONG 7 TAON NA

IPAGDIRIWANG sa Martes, Setyembre 7, ang ika-pitong anibersaryo ng programang “TARGET ON AIR” ni KA REX CAYANONG. Ang “Target on Air” ay isang public service program sa radyo na tumatalakay sa iba’t ibang isyung panlipunan, tumutulong sa mga nangangailangan, at pinupuntirya ang mga tiwali sa bayan. Nagsimula ang programa ni Ka Rex sa DWAD (1098 AM) na pinatatakbo ng Crusaders Broadcasting System. Kasabay ng paglago ng “Target on Air” sa himpapawid ay lumipat ito sa bago nitong tahanan, ang DZME 1530 ng Capitol Broadcasting Center. “Ang ating programa sa radyo…

Read More

P37-M SHABU NASABAT SA 4 TULAK

SA pagnanais na masupil ang paglaganap ng illegal drug sa Metro Manila, pinaalalahanan ni PNP National Capital Regional Police Office Director, P/MGen. Vicente Danao Jr., ang lahat ng kanilang operating units na paigtingin pa ang kanilang pagsisikap sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba pang PNP Units, Law Enforcement Agencies at PDEA. Ito ay matapos ang dalawang matagumpay na anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na bigtime drug personalities na hinihinalang may kawing sa mga nakakulong na drug lords sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Tinatayang umabot P37 milyong…

Read More

BAHAGI NG NAT’L ARCHIVES NASUNOG

NASUNOG ang bahagi ng National Archives of the Philippines sa Paco, Manila, nitong Linggo ng madaling araw. Base sa report ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), pasado ala-1:00 nang sumiklab ang sunog sa ikaanim na palapag ng PPL Building sa UN Avenue sa Paco, na inookupa ng National Archives of the Philippines, na mayroon ding tanggapan sa unang palapag ng gusali. Nagsimula umano ang sunog sa Chief Administrative Office ng ahensya. Dahil nasa mataas na bahagi ng building ang apoy, kinailangang gumamit ng platform aerial ladder…

Read More

Robes umapela kay PRRD PRE-AUDIT BILL SERTIPIKAHAN

SA naising makatulong na tugunan ang kontrobersiya kaugnay sa pagsusuri sa pampublikong pondo, umapela si San Jose Del Monte Rep. Florida “Rida” Robes kay Pangulong Rodrigo Duterte na kagyat na sertipikahan ang sistema ng pre-audit bill na nakabinbin ngayon sa Kamara de Representante. Sa pahayag ni Robes, sinabi niya na ang pre-audit system bill na inihain niya sa 18th Congress ang sagot upang mapigilan ang mga kontrobersiya kaugnay sa mga natutuklasan ng Commission on Audit sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. “If I may be allowed to make a suggestion…

Read More

INSENTIBO SA MGA BAKUNADO IPINANAWAGAN

MULING umapela si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa pamahalaan na pag-aralan ang posibilidad na palawakin pa ang rollout ng vaccination program sa mga populasyon upang mas mabilis na maprotektahan mula sa COVID-19. “Yung mga nais nang magpabakuna, huwag nating pabayaan at pag-intayin pa dahil baka maunahan pa ng COVID-19 ang pagbabakuna nila. Pabilisin na natin ang rollout para mas maraming Pilipino ang maproteksyunan. Tutal, tuluy-tuloy naman ang pagdating ng mga bakuna sa bansa. Balansehin natin ang lahat,” apela pa ni Go. Suportado rin ni Go ang kahilingan ng Union of…

Read More

AYUDA IKAKASA RIN SA PROBINSYA

HAHATIRAN din ng tulong ng ACT-CIS ang mga lungsod at bayan sa labas ng National Capital Region (NCR) na naka-lockdown o nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). Ito ay matapos nilang maayudahan ang halos lahat ng local government units (LGUs) sa Metro Manila. Sa isang panayam, sinabi ni ACT-CIS Cong. Eric Yap, “sa labas ng NCR naman ang papadalhan namin at ng Erwin Tulfo Action Center ng mga bigas at delata this coming days.” Ayon kay Yap, “we are coordinating with LGUs na naka-granular lockdown para mahatiran ng tulong.”…

Read More

MAYNILA PWEDENG IPASA KAY VM HONEY

MALAKI ang paniniwala ng isang dating local official ng Maynila na mayroong tamang taong mapagpapasahan ng pamamalakad sa lungsod sakali’t iwan ito ni Mayor Isko Moreno. “Kung sakali na ‘aakyat’ o papalaot pa sa karera ng pulitika si Yorme Isko ay kayang-kayang igiya at pamunuan ni Vice Mayor  Honey Lacuna ang Lungsod ng Maynila”. Pahayag ito ng negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing. “Walang may alam kung ano ba talaga ang plano ni Yorme sa susunod na eleksyon kundi siya at ang kanyang destiny. Kung…

Read More