INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-lift o bawiin ang kasalukuyang travel restrictions sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia simula Setyembre 6, 2021. Ang mga international traveler na manggagaling sa mga nasabing bansa ay kailangang sumunod sa naaangkop na “entry, testing and quarantine protocols,” depende sa approved “listing” ng bansa. Inaprubahan din ng IATF ang papapatibay ng “Yellow” and “Red” classifications, bilang karagdagan sa “Green List” countries/jurisdictions/territories. Batay ito sa kani-kanilang…
Read MoreAuthor: admin 2
PAGBABAKUNA SA 12-17-ANYOS POSIBLE SA OKTUBRE
MAGANDANG balita sa sektor ng kabataan – possible nang umpisahan ng pamahalaan sa susunod na mga buwan ang vaccination rollout sa mga batang edad 12 hanggang 17 nang sa gayon ay mabigyang proteksyon ang kabataan laban sa banta ng nakamamatay ng COVID-19. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Food and Drugs Administration director-general Eric Domingo na binabalangkas na ng iba’t ibang ahensiya ang paraan ng deployment and vaccination plan para sa mga kabataan. “Palagay ko po na 4th quarter of the year, from October [to] December ay aabot na…
Read MorePwede kapag 50% ng populasyon bakunado na BOOSTER SHOTS ISANTABI MUNA
SA kabila ng rekomendasyon ng mga eksperto, hindi muna planong pag-usapan ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster shots sa mga bakunado. Ani Health Undersecretary Rosario Vergeire sa isang panayam sa radyo, tatalakayin nila ang panawagan para sa booster shots ng COVID-19 vaccines sa sandaling mahagip na ang kalahati ng target nitong populasyon. Dapat din aniyang ikonsidera ang problema sa supply mula sa mga manufacturers. “Titingnan natin ang stability ng supplies natin… Kapag naabot na ang 50% vaccination sa lahat ng bahagi ng bansa, maaari nang pag-usapan ang booster shot. Kapag…
Read More4 OBRERO NALIBING SA LANDSLIDE
PATAY ang apat na construction worker makaraan silang matabunan ng gumuhong lupa sa ginagawang construction site sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya kahapon. Kapwa wala nang buhay nang mahugot sa lupa ang mga biktima na sina Christopher Padua, 38 anyos, ng Sta. Rosa, Bayombong; Rafael Villar, 42; John Retamola, 25, kapwa ng Ibung, Villaverde; at Carlos Tome, ng Purok 7, Bonfal East, Bayombong. Ayon sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nangyari ang trahedya sa kabundukang bahagi ng Sitio Naduntog, Barangay Tiblac pasado alas-8:30 ng umaga…
Read MoreRHU NG PAKIL, LAGUNA SARADO MUNA
LAGUNA – Pansamantalang isinara ang Rural Health Unit ng bayan ng Pakil makaraang magpositibo sa COVID-19 ang tatlong nurse na nakadestino sa nasabing pagamutan. Ayon sa ulat, kabilang sa kabuuang bilang ng mga nahawaan ng nakamamatay na sakit ang tatlong nurse na kumakalinga sa mga residenteng may karamdaman sa nasabing lokalidad. Ayon kay Mayor Vince Soriano, kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas ang tatlong nurse sa kanilang quarantine facility, habang patuloy ang isinasagawang disinfection ng rural health office ng kanilang munisipalidad. Maging ang ambulansya ay sumasailalim din sa disinfection upang matiyak…
Read MoreMANGINGISDA UTAS SA ‘HIRED KILLER’
QUEZON – Patay ang isang mangingisda makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang naghahanda para pumalaot sa dagat sa bayan ng Gen. Luna sa lalawigang ito. Ayon kay P/MSgt. Jun Almonte, imbestigador ng General Luna Police, mga tama ng bala sa ulo at katawan ang agad ikinamatay ng biktimang si Eduardo Platino, 49, residente ng Barangay Poblacion. Bandang alas-4:45 ng umaga, papalaot na sana ang biktima nang pagbabarilin ito ng nag-aabang na suspek na nakasuot ng bonnet at jacket, gamit ang .45 kalibreng baril at pagkaraan ay mabilis na tumakas. Matagal…
Read More3 PASLIT PATAY SA SUNOG
QUEZON – Patay ang magkakapatid na tatlong paslit nang makulong sa nasunog nilang bahay sa bayan ng San Francisco sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Ayon sa report ng San Francisco Police, pawang dead on arrival sa ospital ang magkakapatid na sina Shakera Villa Blagon, 5; Limbert Villa Blagon Jr., 3, at ang isang taong gulang na bunso na si Leonel Villa Blagon. Batay sa imbestigasyon, iniwan ng kanilang mga magulang ang tatlong paslit sa kanilang bahay sa Barangay Ilayang Tayuman para sa kanilang trabahong pagkokopra ng niyog sa kalapit…
Read More3 TIKLO SA KAMPANYA VS DROGA NG PNP BICOL
ANG malawakang kampanya kontra droga ang isa sa mga binibigyang prayoridad ng PNP Bicol sa pagnanais nitong gawing mas ligtas at progresibo ang pamayanan para sa mga Bicolano. Nagresulta ito sa tatlo na namang drug personality na nadakip ng mga awtoridad sa pinakahuling anti-narcotics operation na kanilang inilunsad. Ayon kay Major Malou Calubaquib, PNP-PRO5 spokesperson, tatlong umano’y mga tulak ng ilegal na droga ang dinampot ng pulisya sa ikinasa nitong buy-bust operations. Sa Pigcale, Legazpi City, bandang alas-3:44 ng hapon, tiklo sa mga tauhan ng Albay PPO ang 50-anyos na…
Read MoreCHINESE DESK BUBUHAYIN
BUNSOD ng sunud-sunod na insidenteng kinasasangkutan ng Chinese national sa bansa, plano ngayon ng Philippine National Police (PNP) na ibalik ang mga special concerns desk na ang tanging trabaho ay tugunan ang mga kaso idinudulog o kontra Tsino. Ayon kay PNP director-general Guillermo Eleazar, masyado na umanong dumadami ang mga kasong kinasasangkutan ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa bilang bahagi ng iba’t ibang offshore gaming operations sa bansa. Sa isang pulong, dumulog sa PNP si Chinese Ministry of Public Safety Chief director general Gen. Wang Xiaohong kaugnay ng sunod-sunod…
Read More