Lao didikdikin sa overpriced medical supplies ‘BATA’ NI GO KAKANTA NA SA SENADO?

(ESTONG REYES/FERNAN ANGELES) DIDIKDIKIN ng Senado ang dating hepe ng procurement services ng Department of Budget and Management (DBM) na dati ring tauhan ni Senador Bong Go dahil sa pagkakasangkot sa maramihang pagbili ng overpriced medical supplies kontra COVID-19 sa Department of Health (DOH). Sa pahayag, sinabi ni Senador Richard Gordon na kanyang nilagdaan ang isang Subpoena Ad Testificandum laban kay dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao upang dumalo sa susunod na pagdinig ng Senado hinggil sa 2020 Commission on Audit (COA) report sa overpriced…

Read More

POE SA DOTR: TAO MUNA BAGO INTERES

HINIMOK ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na unahin ang kapakanan ng taumbayan at hindi ang pansariling interes. Sa gitna ito ng pagkwestyon ni Poe sa implementasyon ng hindi napapanahong Motor Vehicle Inspection System sa iba’t ibang bahagi ng bansa. “Sa panahon ng pandemya kung kailan bawat piso ay mahalaga, isang krimen ang pamemera gamit ang polisiya na hitik sa problema,” saad ni Poe sa kanyang privilege speech hinggil sa operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs). Binatikos ni Poe ang muling pagsusulong ng implementasyon ng…

Read More

LIBRENG TUTORIAL SA MGA ESTUDYANTE ISINUSULONG NI GATCHALIAN

UPANG maiwasan ang pag-urong ng kaalaman ng mga kabataan dahil sa mahigit isang taong pagsasara ng mga paaralan, naghain si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na nagsusulong sa isang remedial program sa buong bansa, kung saan ang mga mag-aaral ay makakatanggap ng mga libreng tutorial sessions. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2355, ang naturang programa ay kikilalanin bilang ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program. Kabilang sa magiging benepisyaryo ng ARAL Program ay ang mga hindi nag-enroll noong School Year 2020-202 at iyong mga nahihirapan sa Language,…

Read More

Kamara pumagitna sa iringan PHILHEALTH ‘WAG ABUSADO, OSPITAL ‘WAG SWITIK

(BERNARD TAGUINOD) SA bantang pagkalas ng tatlong pinakamalaking organisasyon ng mga healthcare provider sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), gumitna naman ang Kamara at kapwa sinabon ang magkabilang panig. Ayon kay Deputy Speaker Bernadette Herrera, tila lagpas sa kapangyarihan at mandato ng PhilHealth ang pagsuspinde sa proseso ng pagbabayad nito sa mga pribadong ospital lalo pa’t may obligasyon bayaran ang mga pagkakautang batay sa kasunduan. Gayunpaman, binalaan din ng kongresista ang mga pribadong ospital laban sa labis-labis na singil. Hindi rin aniya wastong samantalahin ang pagkakataon lalo pa’t nahaharap sa…

Read More

P5.024-T proposed national budget nasa Kamara na P252-B BUDGET INILAAN SA PANDEMYA SA 2022

BAGAMA’T hindi nagastos ng Department of Health (DOH) ang pondong inilaan para tugunan ang problema sa pandemya noong nakaraang taon, naglaan pa rin ang national government ng P252 billion na pondo para rito sa susunod na taon. Ito ang isa sa nilalaman ng proposed national budget sa 2022 na nagkakahalaga ng P5.024 trillion na pormal nang isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Tumaas din ang pondo ng DOH ng P31.3 billion dahil mula sa kasalukuyang P210.1 billion ngayong taon ay magiging P242 billion…

Read More

PARALYMPIANS MAY BONUS AGAD

HINDI pa nagsisimula sa kanilang kompetisyon ay may natanggap na agad na regalo ang mga Pilipinong Paralympians mula sa Tokyo Organzing Committee. Masayang ipinakita nina Team Pilipinas Paralympians Ernie Gawilan, Gary Bejino at Jerrold ­Mangliwan ang nakuha nilang limited edition ng Samsung Galaxy S21 na regalo para sa lahat ng mga kalahok sa Tokyo Olympics at Paralympics Games. Naunang dumating sa Tokyo ang tatlo kasama ang iba pang miyembro ng delegasyon habang naiwan sa bansa ang ibang kasamahan nilang officials, coaches at isang para-athlete na nagpositibo sa COVID-19 test. Kumpiyansa…

Read More

PBA APRUB NA SA PAMPANGA

Ni ANN ENCARNACION PAYAG na ang Pampanga government sa kahilingan ng Philippine Basketball Association (PBA) na maipagpatuloy ang naunsiyaming Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, nasabing probinsiya. Masayang ibinalita ni PBA Commissioner Willie Marcial na aprubado na sa pamahalaan ng Pampanga ang isinumiteng safety at health protocols ng liga para sa naudlot na All-Filipino Cup. “Okey na tayo para makapagsimula,” pahayag ni Marcial matapos makuha ang approval ni Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda. Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng liga ang go-signal ng Inter-Agency Task…

Read More

MANNY PACQUIAO SA IBHOF

Ni EDDIE ALINEA   DUMATING na nga ba ang panahon para tuluyan nang isabit ni eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang boxing shorts matapos na siya ay supilin ng Cubanong WBA welterweight champion na si Yordenis Ugas noong Linggo (sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas? Sa kanyang post-fight press conference ay nagpahayag siya ng ganito: “In the future you may not see Manny Pacquiao fight in the ring. I don’t know.” Kaya marami ang naniniwala na ramdam na rin ng Pambansang Kamao ang 27 taong mga bugbog sa…

Read More

PACQUIAO, BAYANI PARA KAY MARCIAL

BAYANI ang tingin ni 2020 +1 Tokyo Olympics bronze ­medalist Eumir Marcial kay eight-division world champion Manny Pacquiao. Ito ay matapos matalo ang 42-anyos na si Pacquiao kay WBA super world welterweight champion Yordenis Ugas ng Cuba noong Linggo (Manila time) sa Las Vegas. “Ever since I was a child the name Manny Pacquiao has always been the name I heard and has always been known in the field of boxing. Even until now it’s still Manny Pacquiao. Proudly! I am a Filipino! I am a boxer like you!” Dagdag…

Read More