P4.2-M COVID-19 TEST KITS NASABAT NG AIR FORCE

TINATAYANG P4.2 milyong ang halaga ng COVID-19 test kits ang nasabat ng intelligence operatives ng Philippine Air Force, sa tulong ng Quezon City District Field Unit-Criminal Investigation and Detection Group (QCDFU-CIDG) sa apat na online sellers na nagbebenta ng rapid test kits noong Martes ng hapon sa Pasig City. Ayon kay Lt. Col. Maynard P. Mariano, chief, Air Force Public Affairs Office, nasa 21,000 kits (P200.00/kit) ng Konsung Brand COVID-19 Rapid Test Kits na P4,200,000 ang halaga, ang kanilang nakumpiska sa apat na mga suspek. Dinala sa tanggapan ng QCFDU-CIDG ang apat…

Read More

SEC. BELLO, REP. GARIN POSITIBO SA COVID-19

NAKUMPIRMA sa RT- PCR test na positibo si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa COVID-19, ayon sa resulta nito. Ayon sa pahayag ng DOLE, naka-self-quarantine sa kanyang bahay sa Ilagan City ang kalihim na isang ‘asymptomatic case’. Nananatiling malakas umano ang katawan ni Bello na sa kabila na nasa ‘isolation’ ay gagampanan pa rin ang tungkulin sa DOLE sa pamamagitan ng online. Hindi naman matukoy kung saan nahawa ng virus ang kalihim na patuloy sa pagtanggap ng mga bisita at opisyal sa kanyang tanggapan at…

Read More

Pagpaslang kay Salamida hindi robbery TABLOID EXEC MURDER CASE IMBESTIGAHAN

HINILING ng ilang kasamahan sa pamamahayag ng pinaslang na dating tabloid editor at SAKSI Ngayon advertising manager na si Gwenn Salamida, sa Philippine National Police (PNP) na laliman at lawakan ang imbestigasyon dahil posibleng ginamit lang ng mga salarin ang motibong robbery para iligaw ang mga pulis. Dapat din anilang silipin ng pulisya kung may kaugnayan sa pamamaslang kay Adam Moraleta, isa ring media man, ang kaso. Matatandaan, dalawang taon pa lamang ang nakararaan ay binaril at napatay rin si Moraleta na dating kasamahan ni Salamida noong editor pa ito…

Read More

COA KINASTIGO NI DUTERTE

GALIT na pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) na tigilan na ang pagtuturo o “flagging” sa mga ahensya ng pamahalaan matapos madiskubre ng komisyon ang “deficiencies” sa paghawak ng Department of Health (DOH) sa P67.32 bilyong pondo para sa COVID-19 response. Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng pangulo na hindi lamang ang DOH ang na-flagged kundi maging ang Department of Interior and Local Government at si vaccine czar Secretary Carlito Galvez. “Stop that flagging goddamnit. You make a report, do not flag. Do…

Read More

DIVORCE BILL LUSOT NA SA HOUSE COMMITTEE LEVEL

SA ikalawang pagkakataon, inaprubahan sa House committee on population and family relations ang panukalang magkaroon ng ‘absolute divorce” sa Pilipinas mula nang unang isampa ito noong 2005. Walang tumutol nang isalang sa botohan sa nasabing komite ang substitute bill na binuo ng Technical Working Group (TWG) na pinamumunuan ni Albay Rep. Edcel C. Lagman. Kabilang sa mga miyembro ng TWG sina Reps. Juliet Ferrer, Malou Acosta-Alba, Arlene Brosas at Ma. Victoria Umali sa pamumuno ng chairman ng komite na si Rep. Ma. Lucille Nava. “Today is a momentous occasion for…

Read More

Lacson kay Duterte KAPALPAKAN NI DUQUE ‘WAG PALAMPASIN

INIHAYAG ni Senador Panfilo Lacson na hindi dapat pinalalampas ni Pangulong Duterte ang kapalpakan sa pamamahala ni Health Secretary Francisco Duque III sa pondong inilaan sa pagtugon laban sa pananalasa ng COVID-19. Ayon kay Lacson, kabilang sa kapalpakan na napuna ng Commission on Audit (COA) ang P67.32 bilyong pondo na mali ang paggastos o maraming deficiencies kabilang ang hindi nabayarang special risk allowance ng health workers. Iginiit ni Lacson na dapat sipatin ni Pangulong Duterte ang sitwasyon, hindi lamang kay Duque at pakinggan ang sentimyento ng taumbayan sa pagbabago dahil…

Read More

Duterte nadulas CHINESE SHIPS SA WPS DINIGA NG CHINA

(CHRISTIAN DALE) MALIBAN sa pananatili ng mga sasakyang pandagat ng mga Tsino sa karagatang sakop ng Pilipinas, wala naman iba pang hinihinging kapalit ang bansang China sa mga bakunang donasyon nito sa Pilipinas. Sa kanyang lingguhang televised national address, tila nadulas si Pangulong Duterte nang kanyang sabihing walang anomang kabayarang hinihingi ang China maliban sa pananatili ng mga sasakyang dagat ng kanilang mangingisda sa pinag-aagawang teritoryo sa gawing kanluran ng bansa. Ani Duterte, “no strings attached” ang ginagawang paglalapag ng China-made COVID-19 vaccines sa Pilipinas, pero sa hindi inaasahang pagkakataon,…

Read More

Bubuwisan sa milyones na income SOCIAL MEDIA INFLUENCERS TARGET NG BIR

INIIMBESTIGAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tinatawag na social media influencers na nakabase sa bansa na kumikita ng milyones gamit ang kani-kanilang social media platforms, para pagbayarin ng kanilang mga buwis. Kabilang sa mga pinagpaplanuhang singilin ng buwis ay ang gumagamit ng social media platforms tulad ng YouTube, Instagram, Facebook, Twitter, TikTok, Reddit, Snapchat na kumikita ng tatlong milyong piso sa loob ng isang taon. Ayon sa BIR, kailangang buksan ng mga ito ang kanilang libro para sa audit ng independent certified public accountants. “‘Di naman pwedeng libre…

Read More

7 IGINUPO NG COVID SA CAMANAVA

TATLO ang namatay sa Malabon City at tatlo rin ang binawian ng buhay sa Navotas City habang isa ang iginupo ng COVID-19 sa Valenzuela City, ayon sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa Malabon City Health Department, umakyat na sa 503 ang COVID casualties ng lungsod. Umabot naman sa 122 ang nadagdag na confirmed cases noong Agosto 16, at sa kabuuan ay 15,467 na ang positive cases sa lungsod Habang 105 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Acacia (5),…

Read More