GUARD PATAY SA VALENZUELA FIRE

PATAY ang isang security guard habang sugatan ang isa pa sa insidente ng sunog nitong Martes ng umaga sa isang industrial area sa Valenzuela City. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Valenzuela, nagsimula ang sunog sa Barangay Paso de Blas dakong alas-4:41 ng madaling araw. Anim na minuto lamang ang makalipas ay itinaas ng BFP sa ikatlong alarma mula sa 10-bahagdan, ang insidente sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy na ikinatupok ng Gilvan Packaging Corporation at Stronghand Inc. Kapag umabot sa ikatlong alarma ang sunog ay nangangahulugang 12…

Read More

REVO NG AMO TINANGAY NG DRIVER

PINAGHAHANAP ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang 34-anyos na lalaki makaraang tangayin nito ang sasakyan ng kanyang amo sa Quezon City. Sa inihaing reklamo ng negosyanteng biktima na si Robin Aris Go Chua, 31, ng Santiago St., Brgy. San Antonio, isinuplong nito sa Masambong Police Station 2 ang 32-anyos na suspek na si Ronel Nayle, residente ng Tanauan City, Batangas at stay-in driver ng pamilya Chua, na kumarnap umano ng sasakyan. Nabatid na si Nayle ay dalawang buwan pa lamang na naninilbihan bilang driver sa mga Chua. Batay…

Read More

ADVERTISING MANAGER NG SAKSI NGAYON PATAY SA HOLDAPER

BINAWIAN ng buhay ang advertising manager ng pahayagang SAKSI Ngayon habang nasa kritikal na kondisyon ang kasama nito matapos pasukin umano ng holdaper ang salon and spa na pag-aari nito, Martes ng hapon sa lungsod ng Quezon. Kinilala ang biktima na si Gwen Salamida habang patuloy namang ginagamot ang kasama nito na si Oliver Perona sa Quezon City General Hospital. Base sa inisyal na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 3:35 ng hapon nang maganap ang insidente sa Gott Salon and Spa…

Read More

PACQUIAO LIYAMADO KAY UGAS

LAS VEGAS – Nang ihayag ang sagupaang Manny Pacquiao at Errol Spence Jr., agad naging dehado ang Pambansang Kamao. Bagay na higit nagbigay ng hamon kay Pacquiao para tumodo ng ­ensayo at talunin si Spence. Ngunit, 10 araw bago ang pagtatapat ng dalawa ay biglang nag-backout si Spence sanhi ng eye injury. Ipinalit kay Spence si WBA regular champion Yordenis Ugas ng Cuba. Sa isang iglap din, ang 42-anyos Fighting Senator na ang liyamado sa sagupaang magaganap sa Sabado (Linggo sa Manila) sa T-Mobile Arena rito. Sa opening odds kahapon…

Read More

PBA, BALIK PAMPANGA

MALAKI ang posibilidad na ituloy ang 2021 PBA Philippine Cup sa Pampanga. Pansamantalang itinigil ang Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig simula noong Agosto 3 dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa. Sinundan ito ng pagsailalim sa National Capital Region (NCR) sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20. Matatandaan na isinagawa rin sa Pampanga ang 2020 PBA season sa full bubble set-up. Ngunit sa pagkakataong ito, planong gawin ang games sa probinsiya hanggang sa tuluyang lumuwag ang health restrictions sa NCR. Iginiit ng…

Read More

2021 PFL SEASON ‘NA-COVID’

POSTPONED ang 2021 season ng Philippines Football League (PFL) ngayong buwan. Sa halip ay nausad ito sa Setyembre 25, na maaaring magbago pa rin kung pagbabasehan ang COVID-19 situation sa bansa. Orihinal na nakatakda ang new season ng PFL sa Agosto 21. Agosto 6 nang isailalim ang National Capital Region sa enhanced community quarantine (ECQ) upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant. Magtatapos ang ECQ sa Agosto 20, ngunit ngayon pa lang ay may mga ulat nang maaaring ma-extend pa ito dahil sa pagsipa ng covid cases sa Pilipinas. Sa…

Read More

PETECIO AT PAALAM BACK-TO-SCHOOL MUNA

MAKARAAN ang matagumpay na kampanya sa 2020+1Tokyo Olympics, back-to-school muna ang kapwa silver medallist boxers na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam. Kapwa naniniwala ang ­dalawa na marami pa silang dapat matutunan hindi lang bilang boksingero, kundi bilang estud-yante rin sa University of Baguio. Sina Petecio at Paalam ay unang nag-training sa Philippine Sports Commission (PSC) sa Teacher’s Camp, bago tumulak sa Thailand kung saan nila tinapos ang paghahanda para sa Olympics. Dahil sa silver medal finish ng dalawang boksingero sa Tokyo Games, binigyan sila ng dagdag na cash incentives…

Read More

HIDILYN BILANG WOMEN’S WEIGHTLIFTING COACH

Ni ANN ENCARNACION ITATALAGA ang kauna-unahang Olympics gold medallist na si Hidilyn Diaz bilang national women’s weightlifting coach. Ito ang tiniyak ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentebella. “Marami na siyang natutunan simula pa lamang sa training hanggang sa maging Olympics gold medallist siya (Diaz). Mas madami pa siyang matutulungan na kabataan at kababayan natin sakaling magsabi siya na hindi na niya kaya, at gusto na niyang magpamilya,” ani Puentebella sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online kahapon. Umaasa naman ang SWP prexy na muling mapagbibigyan ng Philippine…

Read More

WALANG AYUDA ‘PAG LUMABAG SA CURFEW

LAGUNA – Upang tiyakin ang pagtalima ng mga residente sa mga ipinatutupad ng panuntunan sa ilalim ng pinaiiral na enhanced community quarantine, nagbabala ang pamahalaang lungsod ng Biñan na posibleng hindi na mabahagian ng ayuda ang mga residenteng mahuhuling  nasa labas ng kani-kanilang tahanan nang walang sapat na dahilan. Sa isang anunsyo, sinabi ng Biñan public information office na tanging authorized persons outside residences (APOR) ang pinahihintulutan sa labas ng kani-kanilang tahanan. Gayunpaman, tanging “essential grounds” ang kanilang tatanggaping dahilan tulad ng pagbili ng pagkain, pagpunta sa vaccination centers para…

Read More