BATANGAS – Nalansi ng isang inmate ang kanyang bantay at nakatakas ito sa kulungan sa bayan ng Taysan sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Isinasagawa na ngayon ang dragnet at manhunt operation sa nakatakas na inmate na si Rudy Basia na may kasong robbery with frustrated homicide at nakulong noong Disyembre ng nakaraang taon. Batay sa report ng Taysan Police, habang nakapiit ang suspek sa Taysan Police Station custodial facility nang dumaing ito na nahihirapang huminga habang nasa loob ng siksikang selda bandang alas-7:00 ng gabi. Nabahala ang duty jailer at…
Read MoreAuthor: admin 2
Apat nagpapagaling pa 21 PASAHERO NG 2GO NEGATIBO NA SA COVID
BATANGAS – Nagnegatibo na sa COVID-19 ang 21 sakay ng St. Anthony de Padua ng 2Go habang apat na pasyente pa ang nagpapagaling matapos ang dalawang linggong quarantine sa barko na naka-angkla sa bayan ng Bauan sa lalawigang ito. Ayon kay Chief for Safety Operations and Designated Person Ashore Larsen Padua, wala nang sintomas ang mga dinapuan ng coronavirus habang dalawa na lamang umano ang nakararanas ng bahagyang pag-ubo. ‘Pag natapos na aniya ang quarantine sa Agosto 22, dadalhin na ang mga pasyente sa isang accredited facility. “We are preparing…
Read More80-ANYOS NA LAWYER NALUNOD SA TIMBA
BATANGAS – Aksidenteng nalunod ang isang senior citizen at retiradong abogado sa isang malaking timbang may tubig sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Lipa City noong Lunes. Laking gulat ng kanyang mga kasambahay nang madiskubre ang wala nang buhay na biktimang kinilalang si Andres Octavio Macatangay, 80-anyos, habang nakalubog ang ulo mula sa dibdib sa isang malaking timbang may tubig sa banyo ng kanyang bahay sa Sauz Subdivision, Brgy. Sabang dakong alas-5:00 ng hapon. Ayon sa imbestigasyon ng Lipa City Police, batay sa pahayag ng mga kapamilya, may kahinaan na ang katawan…
Read MoreHindi nakapalag sa PNP-PRO5 STL AGENT ARESTADO SA SEVEN COUNTS NG RAPE
ARESTADO sa inilunsad na law enforcement operation ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang isang lalaking gumahasa nang paulit-ulit sa isang isang menor de edad na pamangkin, nang matunton sa bayan ng Labo, sa lalawigan ng Camarines Norte noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, itinago ang suspek sa pangalang “Gerald,” 33-anyos, Small Town Lottery (STL) agent, at residente ng Purok 1, Brgy. Baay, Labo, Camarines Norte, para sa kapakanan ng kanyang biktima. Si Gerald ay nahaharap sa…
Read MoreWalang collateral damage – AFP HVT NAKATAKAS SA NPA CAMP RAID
NILINAW kahapon ni AFP 8th Infantry Division commander, Maj. General Pio Dinoso na walang collateral damage sa inilunsad na decisive military operation ng Joint Task Force Storm sa nadiskubreng communist terrorist camp sa Dolores, Eastern Samar na ikinamatay ng 16 miyembro ng New People’s Army at nasamsam ang 29 high powered firearms. Ito ay kasunod ng ipinakakalat umanong fake news ng mga makakaliwang hanay na may mga bahay at mga sibilyan na nadamay sa isinagawang pagbomba ng Philippine Air Force at ground artillery ng Philippine Army. Ayon kay Gen. Dinoso,…
Read MoreVACCINATION PINABAGAL NG ECQ
BUMAGAL ang national vaccination program laban sa coronavirus disease (COVID-19) dahil sa re-imposition o muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar at ang mabilis na pagtaas ng kaso sa buong bansa. Paliwanag ni vaccine czar at chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19 Carlito Galvez Jr., maliban sa pagbabakuna ay nakikiisa rin ang local government units (LGUs) sa pamamahagi ng cash assistance (ayuda) sa ECQ areas habang ang mga healthcare worker ay kailangan i-accommodate ang tumataas na bilang…
Read MoreNAGBEBENTA NG COVID VAX TUGISIN
IPINAG-utos ni Pangulong Rodrigo Roa sa mga awtoridad na habulin ang mga taong nagbebenta ng coronavirus vaccines sa bansa. Ito’y sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na protektahan ang public health at pigilan ang pagkalat ng coronavirus. Iginiit ng pangulo na tanging ang pamahalaan ang magdi-distribute ng vaccine supplies sa mamamayang Filipino sa ngayon. Ang direktiba ay ibinigay ng pangulo kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa idinaos na miting kasama ang top government officials on pandemic response, araw ng Lunes. “There are reports of, you know, not — not…
Read MoreBabala ng solon ‘WORST CASE’ KUNG WALANG BAYANIHAN 3
NAGBABADYA ng isang worst case scenario ang isang lider ng Kamara sakaling mabigo ang Kongreso na maipasa ang Bayanihan 3 na isinusulong ng Palasyo. Ayon kay House ways and means committee chairman Joey Salceda, lalong lalala ang pandemya pagsapit ng mga buwan ng Setyembre o Oktubre kung hindi maipapasa ang probisyong pondohan ang Bayanihan 3. Katwiran ni Salceda, higit na dapat aniyang palusutin agad ang Bayanihan 3 dahil na rin sa ambang panganib ng Lambda variant na ayon sa Departmernt of Health ay higit pang mabagsik kaysa sa kinatatakutan ngayong…
Read MoreNOVALICHES – BALARA AQUEDUCT 4 PROJ. MATATAPOS NA
IKINATUWA ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang landmark milestone project na Novaliches-Balara Aqueduct 4 (NBAQ4) makaraang matagumpay na tumagos sa La Mesa Reservoir ang gamit nitong tunnel-boring machine (TBM) mula sa entry shaft nito sa Balara, Quezon City na may 7 km ang layo. Ang Php5.5B NBAQ4 project ay isa sa pinakamalaking water supply infrastructure projects sa pangunguna ng MWSS. Ang proyektong ito na naglalatag ng ika-apat na aqueduct mula La Mesa Reservoir papuntang Balara Treatment Plants (BTP) 1 at 2 ay isinasagawa ng Manila Water upang masigurong…
Read More