BATANGAS β Nalansi ng isang inmate ang kanyang bantayΒ at nakatakas ito sa kulungan sa bayan ng Taysan sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.
Isinasagawa na ngayon ang dragnet at manhunt operation sa nakatakas na inmate na siΒ Rudy Basia na may kasong robbery with frustrated homicide at nakulong noong Disyembre ng nakaraang taon.
Batay sa report ng Taysan Police, habang nakapiit ang suspek sa Taysan Police Station custodial facility nang dumaing ito na nahihirapang huminga habang nasa loob ng siksikang selda bandang alas-7:00 ng gabi.
Nabahala ang duty jailer at inilabas ang “nanghihinang” preso at pinaupo sa lobby habang nagpunta sa desk na kinaroroonan ngΒ telepono at kinontak ang Taysan MunicipalΒ Health Office upang itanong kung ano ang dapat gawin sa inmate.
Subalit laking gulat ng jailer nang pagbalik nito ay wala na ang inmate na napag-alamang tumakbo palabas at dumaan sa backdoor ng presinto.
Tinangka pa itong habulin ng jailer subalit hindi na ito naabutan at tuluyang naglaho sa kadiliman ng gabi. (NILOU DEL CARMEN)
575 