KINATIGAN ng United States Agency for International Development (USAID) ang Bureau of Customs (BOC) sa hangad nitong maging bahagi sa bidding process ng ASEAN Customs Declaration Document (ACDD) Management System. Layon ng BOC na magkaroon ng isang electronic data exchange para sa ASEAN Single Window (ASW) regional trade facilitation platform upang palawakin ang programa nito sa international trade at digital trade process na nagbibigay bentahe sa Pilipinas sa kalakalan sa Timog-Silangang Asya. Bunsod nito, nagpahayag naman ng kahandaan ang USAID sa pamamagitan ng ASEAN Policy Implementation (API) Project, na gabayan…
Read MoreAuthor: admin 2
MOA SA TARIPA NG MGA IMPORTED CARS IKINASA
UPANG tiyakin ang pagpasok ng tamang buwis na angkop sa mga imported cars, lumagda sa isang kasunduan ang Bureau of Customs at Land Transportation Office para sa sistematikong datos ng mga pinagbayarang taripa ng mga umaangkat, bago pa man ito mairehistro. Sa ilalim ng Memorandum of Agreement na nilagdaan nina Customs Commissioner Leonardo Guerrero at LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, magpapalitan ng database ang mga nasabing ahensya tungkol sa buwis na ibinayad ng mga importers para sa mga sasakyang inangkat pa mula sa ibang bansa. Paliwanag ni Guerrero, layon…
Read MoreP25-M HALAGA NG ‘PAMPAGANA’ KUMPISKADO
KUMPISKADO ng Bureau of Customs ang hindi bababa sa P25 milyong halaga ng mga ipinuslit na gamot na higit na kilalang gamit bilang pampagana sa pakikipagtalik. Sa isang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga kawani ng BOC Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Port of Manila at Formal Entry Division (FED) sa isang storage facility sa lungsod ng Pasay, tumambad ang bulto-bultong gamot na pinaniniwalaang ipinasok sa bansa ng walang kaukulang mga dokumento. Bitbit ang Letter of Authority na pirmado ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kinumpiska ng…
Read MoreCOVID CASES SA CALABARZON UMAKYAT SA 216,233
LAGUNA – Umabot na sa 216,233 ang cumulative cases ng COVID-19 ng Calabarzon Region, ayon sa ulat ng DOH-Calabarzon nitong Lunes. Base sa talaan ng DOH RESU (Regional Epidemiology and Surveillance Unit), pumalo na sa 14,222 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 habang gumaling na ang 195,514 at 6,496 ang mga namatay. Ayon sa Regional Temporary Treatment ang Monitoring Facility (TTMF), nananatili sa Calabarzon Mega-quarantine facility ang 319 pasyenteng may COVID habang sa Carmona Mega Isolation Facility naman ay 34 pasyente ang naroon. Mayroong kabuuang 6,999 total number of beds ang TTMF…
Read MoreAMERICAN COUPLE PATAY SA SUNOG
NORTH COTABATO – Kapwa patay na nang matagpuan ang mag-asawang Amerikanong misyunaryo matapos na masunog ang inuupahan nilang bahay sa Kings Street, Queenies Love Village Subdivision sa Barangay City Heights, General Santos City noong linggo ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Jonathan Steffy at Roberta Steffy, parehong nasa hustong gulang at kapwa American missionaries ng relihiyong Mt. Calvary. Ayon kay SFO1 Filamer Acob, imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng lungsod, nangyari ang sunog alas-3:00 ng madaling araw sa kabila ng malakas na buhos ng ulan subalit…
Read MoreCPP-NPA EXTORTIONIST PATAY SA PNP-PRO5
NAPATAY ang isang extortionist o mangingikil na miyembro ng communist terrorist group sa nangyaring engkwentro matapos nahulog sa bitag ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/Brig. General Jonnel C. Estomo, sa Brgy. Tagpocol San Fernando, Camarines Sur. Bukod sa bangkay ng sinasabing kasapi ng CPP-NPA ay naka- recover din ang mga tauhan ni Gen. Estomo ng baril at mga bala sa isinagawang clearing operation. Bago sumikat ang araw nitong nakalipas na Linggo ay namatay sa engkwentro laban sa pulisya ang NPA extortionist sa Brgy. Tagpocol San Fernando, Camarines…
Read MoreP24,400 NATANGAY A FASTFOOD RESTO,
CAVITE – Umabot sa P24K cash na kita ang natangay ng hinihinalang akyat-bahay sa isang kilalang fastfood restaurant sa Tagaytay City noong Linggo ng hapon. Ayon sa salaysay ni Michelle Duenas, 31, cashier ng Mang Inasal sa Olivarez Plaza sa Brgy. San Jose, Tagaytay City, kay Corporal Cipriano Contreras III ng Tagaytay Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon nang madiskubre na pinasok ang kanilang restaurant ng hinihinalang akyat-bahay. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ang tindahan sa pamamagitan ng pagputol sa bubong na bakal at nang nakapasok ay tinangay ang vault…
Read More2 PATAY NA CHINESE NALAMBAT NG PCG, 2 PA NASAGIP
APAT na Chinese nationals ang tinangkang sagipin ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard subalit patay na ang dalawa nang abutan ng rescue team habang nagpapalutang-lutang sa dagat sakop ng bayan ng Rizal, lalawigan ng Palawan. Sa ulat ng Philippine Coast Guard, isang Filipino na mangingisda na kinilalang si Mario Mabuhay ang nakakita sa apat na Chinese fishermen sa karagatang sakop ng Brgy. Canipaan, sa munisipalidad ng Rizal. Mabilis na humingi ng tulong si Mabuhay sa PCG dahilan para maglunsad ng agarang rescue operation ang mga tauhan ng PCG, sa pagsisikap na…
Read MoreBakunado ng Sinovac VICE MAYOR LACUNA SAPUL SA COVID- 19
SA kabila na bakunado ng Sinovac, nagpositibo sa COVID-19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan. Gayunman, nag-negatibo naman si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sumailalim din sa swab test. Mismong si Vice Mayor Lacuna ang naghayag ng kondisyon niya sa isang opisyal na pahayag. “Sa kabila ng matinding pag-iingat ay hindi ko lubos na inaasahan ang nakalulungkot na resulta. Dahil dito, kinakailangan kong pasumandaling magpahinga at magpagaling. Inaasahan ko po ang inyong pag-unawa at hinihiling ko ang inyong panalangin para sa ating lahat,” ayon kay Lacuna. Kasabay nito,…
Read More