INILAHAD ng Malakanyang na naghain na ng kaso ang pulisya laban sa limang indibidwal na umano’y nagpakalat ng fake news na may kinalaman sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan. Isinisisi ng mga opisyal ng pamahalaan ang kumalat na fake news sa social media na ang mga unvaccinated na mamamayan ay hindi makalalabas ng kanilang bahay habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahilan para dumagsa ang mga tao sa vaccination centers sa Maynila at Las Piñas City sa Kalakhang Maynila at Antipolo City sa Rizal. Kumalat din ang fake news…
Read MoreAuthor: admin 2
SCHOOL CHAIRS DONATIONS NI VILLAR PATULOY KAHIT MAY PANDEMIC
HINDI naging hadlang ang COVID-19 pandemic sa pamimigay ni Senator Cynthia Villar sa iba’t ibang public schools at farm schools sa buong bansa ng school chairs na gawa sa recycled plastic wastes. Pinakahuling beneficiaries ng matitibay at pangmatagalang plastic chairs na ibinibigay sa pamamagitan ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance), ang IP (Indigenous Peoples) ng Barangay Laiban, Tanay, Rizal, at Conrazon Elementary School in Brgy. Bansud, Oriental Mindoro. ibinigay ang mga silya sa IP sa tulong ng Multi Sectoral Advisory, 2nd Infantry Division sa Camp Capinpin,…
Read MorePRRD PINURI SA PAGPAPALABAS NG P910-M BADYET PARA SA GURO
PINURI ni Senator Christopher Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pag-apruba nito sa release ng P910 million para sa Department of Education upang makaabot sa budget criteria ng World Teacher’s Day Incentive benefit. Sinabi ni Go na ang pag-grant sa incentive sa mga public school teachers ay bilang pagkilala sa critical role ng mga guro sa nation-building at pagkilala sa sakripisyo ng mga ito lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Go, mas naging challenging ang ginagampanan ng mga guro sa pagtiyak na makakapagpatuloy sa pag-aaral…
Read MorePAGGASTOS SA P82.5-B PONDO SA BAKUNA ILANTAD
HINILING ng isang militanteng mambabatas sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko kung magkano na ang nagastos ng mga ito sa P82.5 billion na inilaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang kahilingan sa gitna ng pagdami ng mga tao na tila desperadong mabakunahan kaya sumusugod sa mga vaccination center kahit walang appointment. “Malacanang has yet to account the spending of the P82.5 billion for vaccine procurement, administration and logistical needs. Magkano halimbawa ang ibinayad sa Sinovac at iba pang pharmaceutical companies?,”…
Read MoreHIDILYN LAW AAPRUBAHAN NGAYON
NAKASISIGURO ang mga medalist, non-medalist, maging ang kanilang mga coach sa katatapos na Tokyo 2020 Olympics na hindi bubuwisan ang kanilang matatanggap na insentibo. Ito ay matapos tiyakin ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso na pagtitibayin ngayong araw ang House Bill (HB) No. 9891 o Hidilyn Diaz Act of 2021 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act”. Sa ilalim ng nasabing panukala, lahat ng mga pabuya, bonuses at iba pang insentibo ng mga atleta kasama ang kanilang mga coach…
Read MoreEPEKTO NG LOCKDOWN AALAMIN NG SENADO
ISANG resolusyon ang inihain ni Senador Grace Poe upang paimbestigahan sa Senado kung ano ang kasalukuyang kalagayan at epekto ng community quarantine protocol sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) partikular ang food at beverage industry na nakikipagbuno upang makapagnegosyo. “While the government’s effort to infuse capital in support of MSMEs and the prioritization of their employees in the vaccination rollout are laudable, we need more long-term and sustainable recovery roadmaps for the foreseeable future,” ayon kay Poe sa kanyang Senate Resolution No. 817. Noong 2018, naitala ng Philippine Statistics…
Read More13 SAKAY NG NAG-CRASH NA C-130, UNIDENTIFIED PA RIN
MAHIGIT isang buwan na mula nang bumagsak ang Lockheed C-130 Hercules aircraft ng Philippine Air Force (PAF) habang nagtatangkang lumapag sa Jolo Airport sa Sulu na ikinamatay ng 53 katao ay may 13 pang sakay nito ang hindi pa positibong nakikilala. Ayon sa Armed Forces of the Philippines, lubhang nahihirapan ang mga forensic at pathologist expert na kilalanin ang mga nalalabing unidentified passenger ng bumagsak na PAF cargo plane. Inihayag ito kahapon ni AFP Spokesman Col. Ramon Zagala makaraang matukoy ang pagkakakilanlan ng tatlo pang cadaver mula sa bumagsak na…
Read MoreSWINE REPOPULATION PROJECT IPATUTUPAD SA BULACAN
MULING nabuhayan ng loob at nakakita ng pag-asa ang 7,000 hog raisers sa lalawigan ng Bulacan matapos ang dalawang taong pamemeste ng African Swine Fever (ASF) at pagkamatay ng mga baboy noong 2019 hanggang 2020, dahil sa nakatakdang paglulunsad ng provincial government ng Bulacan Swine Repopulation Project. Sinabi ni Gobernador Daniel Fernando, nagsimula na ang Panlalawigang Tanggapan ng Paghahayupan ng pagsusuri sa kapaligiran at sampol ng tubig noong Hunyo upang makita kung may ASF virus pa sa mga farm. “Guided by the Bantay ASF sa Barangay or BABay ASF program,…
Read MoreWAGI SA CARA Y CRUZ, UTAS SA KASUGAL
QUEZON – Patay ang isang ice cream vendor matapos na tadtarin ng saksak ng kanyang tinalo sa sugal na cara y cruz sa Barangay Cotta, Lucena City noong Sabado ng tanghali. Kinilala ang biktimang si Noel Punzalan, taga Barangay 9. Batay sa report ng Lucena City Police, nagwala ang suspek na construction worker na si Reymart Postares, 29, matapos maubos ang pera nito sa naturang sugal makaraang talunin ng biktima. Dinaya raw siya na nagresulta sa kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin ng suspek ang biktima. Dead on arrival sa ospital…
Read More