MAGUINDANAO – Dead on the spot ang isang punong barangay matapos na paslangin ng ‘di pa kilalang gunman habang nasa loob ng barangay hall ng Brgy. Pandag sa bayan ng Pandag, sa lalawigang ito, Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Guimaludin Mamalinta, barangay chairman at residente ng lugar. Batay sa inisyal na pagsisiyasat, pasado alas-4:00 ng hapon habang nasa loob ng kanyang opisina ang kapitan ay bigla itong pinasok ng gunman at pinagbabaril. Pagkaraan ay tumakas ang suspek sakay ng service vehicle. Blangko pa ang mga awtoridad sa posibleng…
Read MoreAuthor: admin 2
11 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN, MALABON
UMABOT sa 11 ang naitalang namatay sa Caloocan City at Malabon City noong Agosto 7 habang lumobo sa 1,317 ang active cases sa dalawang siyudad. Mula 1,138 noong Agosto 3 ay nadagdagan ng anim at naging 1,144 ang total deaths sa Caloocan City. Umakyat naman sa 627 ang active cases sa dalawang lungsod matapos na 144 bagong kaso ang naitala. Pumalo na sa 40,476 ang total confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 38,705 na ang gumaling. Lima naman ang namatay sa Malabon at pumanhik na sa 481 ang COVID…
Read MorePANUKALANG BATAS KAUGNAY SA PAKIKILAHOK SA PAGBA-BUDGET, IPINASA SA KAMARA
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang batas na magpapahintulot sa paglahok ng publiko sa pagtalakay sa taunang budget ng Kongreso at iba pang tanggapan ng pamahalaan upang maging bukas ito sa paningin ng publiko, pati na ang mga kalahok at kanilang pananagutan. Sa botong 200 laban sa anim na hindi pumabor at wala isa mang nag-abstain, inaprubahan ng mga miyembro ng Kamara de Representantes sa ikatlong pagbasa ang House Bill No. 7407 na kilala bilang An Act Institutionalizing The Participation of Civil Society…
Read MorePULIS KASABWAT SA CHINESE SLAY
HAWAK na ng Manila Police District-Homicide Section ang isang pulis Maynila na umano’y sangkot sa pagpatay sa isang 34-anyos na Chinese national na pinaulanan ng bala habang lulan ng asul na sasakyang Subaru sa Malate, Manila noong Lunes ng hapon, Agosto 2. Ang nasabing pulis Maynila ay may apelyido umanong “Orion” na siyang nagmaneho ng motorsiklo, habang tinutugis pa ang gunman. Gayunman, ayaw magbigay ng iba pang detalye si Det. Jorlan Taluban habang patuloy na iniimbestigahan ang kaso. Nauna rito, habang lulan ng asul na Subaro (HW-1708) ang biktimang si…
Read More9 TIMBOG SA DRUG OPS SA QUIAPO
SIYAM na indibidwal, kabilang ang tatlong babae, ang binitbit ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team ng Manila Police District makaraang ilatag ang buy-bust operation sa Quiapo, Manila noong Sabado ng gabi. Sa ipinaing P500 marked money, nabitag ang umano’y target ng operasyon na kinilalang sina Hector Muhammad y Sahiron, 44; Cesar Usman y Hajal, 36; Jessie Decomo, 43; Rogelio Villanueva, 50; Orlando Bugayong, 32; Rico Ocenar, 42; Snooky Dela Rosa, 39; Nedzma Pustahan, 28, at Girlie Utao, 34-anyos. Base sa ulat ni P/Major Pidencio Sabillo, hepe ng SDET, na isinumite kay…
Read MoreONLINE SELLER ARESTADO SA P1.1-M DAMO
MAHIGIT P1.1 milyong halaga ng high grade marijuana ang nakumpiska sa isang 24-anyos na online seller makaraang nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City. Ayon sa ulat, dakong alas-4:40 ng madaling araw nitong Sabado nang isagawa ang operasyon kontra kay Michael Kevin Garcia sa harap ng bahay nito sa Ligaya St., Brgy. 122 matapos ang isang linggong validation sa tip ng impormante hinggil sa ilegal na gawain ng suspek. Nakaiskor sa suspek ng P4,000 halaga ng marijuana ang undercover cop at nang iabot ni Garcia ang ilegal na droga ay…
Read More5 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA
DALAWA ang namatay sa Valenzuela City habang dalawa rin ang binawian ng buhay sa Navotas City at isa sa Malabon City dahil sa COVID-19 noong Agosto 6. Bunsod nito, umakyat na sa 572 ang COVID death toll sa Valenzuela, habang umakyat sa 845 ang active cases matapos na 146 ang nagpositibo sa virus at 92 ang gumaling. Sumampa na sa 22,538 ang mga tinamaan ng COVID sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 21,121 na ang gumaling. Pumanhik naman sa 387 ang COVID casualties ng Navotas City habang lumobo sa…
Read MoreMGA SUNDALO IKINALAT PARA SA ECQ IMPLEMENTATION
NAGPAKALAT ng mga sundalo ang Armed Forces of the Philippine- Joint Task Force – National Capital Region (JTF-NCR) para ayudahan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagpapairal ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa kalakhang Maynila. Ayon kay Army Capt. Prad S. Adoptante, JTF-NCR Public Affairs Officer, nag-deploy sila ng sapat na pwersa para tumulong sa dalawang linggong implementasyon ng ECQ sa Metro Manila para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 Delta variant. Nabatid na may 500 JTF NCR, AFP personnel na binubuo ng Ground Task Group (GTG), Naval Task Group…
Read MoreNPA SA MASBATE SUMUKO SA BICOL PNP
INDIKASYON nang unti-unting paghina ng pwersa ng New People’s Army ang sunod-sunod na pagkaka-aresto at pagsuko ng mga miyembro ng communist terrorist group nitong nagdaang mga araw. Pahayag ito ni PNP Police Regional Office 5 Director Jonnel C. Estomo matapos na isa na namang aktibong miyembro ng CPP-NPA ang sumuko. Dagdag pa rito ang pagkakatunton sa pugad ng mga rebeldeng grupo na nagresulta sa pagrekober sa mga armas at pampasabog na maaaring gamitin laban sa gobyerno at mga inosenteng sibilyan. Sa basbas ng Executive Order No. 70, mas pinaigting ng PNP…
Read More