7 MOST WANTED TIKLO SA PNP-PRO5 MANHUNT OPS

PITONG pinaghahanap ng batas ang nadakip ng mga operatiba ng PNP Kasurog matapos ang inilunsad na Manhunt Charlie Operation laban sa most wanted persons na may kasong panggagahasa at tangkang pagpatay. Ayon sa ulat na ipinarating kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, unang nadakip ang pangwalo sa provincial most wanted person (PMWP) ng Sorsogon na nahaharap sa apat na kasong panggagahasa na kinilalang si Mario Golim y Jobelo alyas “Boknoy,” 49, magsasaka at residente ng Purok 4, Brgy. San Vicente, Bulan, Sorsogon. Sinundan ito ng pagkakaaresto sa pangsiyam na municipal…

Read More

BULAKENYO PINAG-IINGAT SA DENGUE

BUKOD sa COVID-19, pinaalalahanan din ni Gob. Daniel Fernando ang publiko na maging mapagmatyag kontra sa mapanganib na dengue lalo na ngayong tag-ulan. Ayon sa Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng Provincial Health Office-Public Health, nakapagtala sila ng may kabuuang 1,718 na pinaghihinalaang kaso ng dengue at tatlo ang namatay mula Enero 1 hanggang Hulyo 3, 2021. “Manatili po tayong maalam, mapagmatyag at maingat. Ang dami po nating kalaban hindi lang ang COVID-19 na nagparalisa sa lipunan mahigit nang isang taon, hindi rin po nawawala ang dengue na malaking banta…

Read More

HIGIT 3K PROTOCOL VIOLATORS SINITA, PINAGMULTA

PINAGMULTA ang halos 85 indibidwal habang 3,425 indibidwal ang sinita ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa minimum health protocols sa lalawigan ng Laguna na ngayon ay nasa ilalim ng MECQ. Sa ulat ni Laguna Police Provincial Director PCol. Serafin Petalio II kay Calabarzon Regional Director PBgen Eliseo DC Cruz, umabot sa 3,510 ang nahuling pasaway sa operasyon nitong nakaraang Agosto 3. Ilan sa mga ito ay nasita sa paglabag sa curfew hours simula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, hindi nagsusuot ng face mask, mga nagsagawa ng mass…

Read More

Patunay na kulang ang supply – solon AGAWAN NA SA BAKUNA

MULING napatunayan na hindi natatakot ang mga tao sa COVID-19 vaccines bagkus ay kulang ang supply ng bakuna at limitado ang vaccination centers. Ito ang reaksyon ni ACT party-list Rep. France Castro nang halos magkaroon ng stampede sa ilang vaccination centers sa Metro Manila sa dami ng mga taong sumugod upang mabakunahan bago mag-lockdown. “Patunay ito na hindi hesitant ang mga Pilipino sa bakuna. Sana damihan ang mga vaccination center at vaccinators para hindi naiipon sa iisang lugar ang mga tao,” ani Castro. Bukod dito, muling napatunayan na kulang na…

Read More

PEKENG DOKTOR TIMBOG SA MAYNILA

IaNARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanyang klinika ang babaeng nagpapakilalang doctor ng aesthetics medicine sa Quezon City noong Lunes. Kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang suspek na si Hazel Pablo Laniog, may-ari ng ZSS Medicare Inc./Zelah Skincare Station sa San Antonio 1, Quezon City. Nalaman na nagpapanggap lamang si Pablo kaya kumilos ang NBI-Special Action Unit upang maaresto ito sa pamamagitan ng entrapment operation kung saan gumamit sila ng kunwari ay babaeng kostumer para magpatunaw ng taba. Nabatid sa NBI, siningil umano…

Read More

5 COVID DEATHS SA MALABON

NAKAPAGTALA ng limang namatay sa COVID-19 ang Malabon City noong Agosto 4 kaya umakyat sa 474 ang death toll ng lungsod at 87 naman ang nadagdag sa mga positibo sa nasabing sakit, ayon sa City Health Department. Sa kabuuan ay 14,474 na ang positive cases sa Malabon, 611 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Acacia (1), Baritan (4), Catmon (10), Dampalit (17), Flores (1), Hulong Duhat (16), Ibaba (3), Longos (11), Niugan (1), Panghulo (1), San Agustin (7), Santulan (6), Tinajeros (3), Tonsuya (1),…

Read More

PARUSA PABIBIGATIN VS CYBERCRIMINALS

DAPAT sampahan ng mga awtoridad ng pinakamabigat na mga kasong kriminal ang mga credit card fraudster at tugisin ang mga patuloy na gumagawa ng identity theft at iba pang uri ng cybercrime, panawagan ni Senador Win Gatchalian. Ginawa ito ng senador matapos ang pag-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Julius Anacin, isa sa mga suspek sa ginawang pag-hack sa credit card ng mambabatas noong Enero 6 at ginamit para makabili sa isang online delivery platform ng mga alak na umabot sa halagang 1.1 milyong piso. “Ang insidenteng ito…

Read More

5% na lang ang kailangan bakunahan POPULATION PROTECTION MAKAKAMIT NA SA NCR

TINATAYANG 5 porsiyento na lang ang kailangang bunuin sa pagbabakuna sa Kalakhang Maynila para makamit na ang inaasam-asam na population protection pagkaraan ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ). Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mangyayari lamang ito kapag naabot ang 4 million target jabs simula sa Agosto 8 hanggang 20. Aniya, sakali’t makuha ang apat na milyong indibidwal na dapat mabakunahan sa dalawang linggong lockdown ay kagyat na papalo sa 45 percent ang matuturukan ng COVID vaccine at halos abot-kamay na ang 50% target population. Dahil dito, tiwalang sinabi…

Read More

Workers to bounce back – Bello

Labor Secretary Silvestre Bello III has expressed optimism that the country will bounce back after a 2-week lockdown, as the labor department continues to make interventions to protect and address the needs of workers during the enhanced community quarantine starting today. “Because of this two-week lockdown, we expect to see that employment rate will go downward trend and unemployment rate will increase. But it is only for two weeks. I am confident we will bounce back after the two-week lockdown,” Bello said in a statement on Thursday. Bello has earlier requested a supplemental budget of P2…

Read More