LARAWAN ng huwarang paglilingkod si P/BGen. Jonnel C. Estomo, bilang Regional Director ng PNP Bicol, dahil binigyang pansin ang paghahandog ng serbisyong nakikita, nagpapahalaga at nararamdaman ng bawat Bicolano. Sa loob ng dalawang buwan niyang panunungkulan, hindi salita kundi aksyon ang mas ipinairal niya upang makamtan ang nais na katahimikan para sa pamayanan. Patunay rito ang pagkakahuli sa 12 suspek sa iba’t ibang panig ng rehiyon noong ika-2 ng Agosto ng taong kasalukuyan. Sa probinsya ng Camarines Sur, tatlo ang nadakip ng mga operatiba ng Camarines Police Provincial Office, kabilang…
Read MoreAuthor: admin 2
PULIS TODAS SA SARILING BARIL
BATANGAS – Binawian ng buhay ang isang pulis makaraang aksidenteng pumutok ang kanyang baril sa bayan ng San Pascual sa lalawigang ito, noong Martes ng tanghali. Kinilala ang biktimang si P/Capt. Joval Lopez, 36, nakatalaga sa PNP CES, Camp Crame. Ayon sa San Pascual Police, dumating ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay Del Pilar sakay ng kotseng Mitsubishi Lancer. Inihayag ng kapatid na babae na si Marshel Lopez, bago bumaba habang nakaupo sa driver’s seat ay inilabas ng biktima ang kanyang service firearm na cal. 9mm pistol Glock 17 para alisan ng bala…
Read More6-ANYOS SAPUL NG BALA SA ULO
BATANGAS – Nasa ulo pa ng isang 6-anyos na batang lalaki ang ligaw na bala na tumama sa kanya habang naghahapunan ang pamilya sa kanilang bahay sa Purok 1, Buliran Highland, Brgy. San Mateo, sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, noong Lunes. Agad ipinagbigay-alam ng nanay ng menor de edad na si Annabelle Piezas y Andrino, 23, ang insidente sa Sto. Tomas City Police Station. Lahad ni Piezas, bandang alas-7:00 ng gabi noong Agosto 1, masayang naghahapunan ang pamilya nang makarinig sila ng malakas na putok ng baril.…
Read MoreMPD MOST WANTED TIKLO SA CAVITE
HINDI nakapalag ang isang 18-anyos na lalaki nang arestuhin ng mga tauhan ng Manila Police District dahil sa kasong rape, sa Tanza, Cavite noong Martes ng hapon. Ang suspek na si Reniel Vito y Inventor ay nadakip ng mga tauhan ng District Police Intelligence Operation Unit ng MPD, sa pangunguna ni P/Major Carlo Loñosa, sa tinutuluyan nito sa Block 31, Lot 52, Caya Amaya Subdivision, South Extension, Tanza dakong alas-1:30 ng hapon. Inaresto ang suspek na tinaguriang top 9 most wanted person ng MPD, sa bisa ng arrest warrant na inisyu…
Read More9 KATAO BINITBIT SA SUGAL SA BASECO
SIYAM katao ang nadakip sa ilegal na sugal sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), sa pamumuno ni Director P/BGen Leo “Paco” Francisco, sa Baseco Compound, Port Area, Manila. Ito ay kaugnay sa “no take policy” sa hanay ng pulisya na iniutos ni NCRPO Regional Director P/Major Gen. Vicente Danao Jr. Unang iniulat ang pagdakip sa lima katao dahil sa ilegal na STL habang apat katao ang natiyempuhan habang naglalaro ng cara y cruz. Nabatid kay P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng MPD-Station 13,…
Read More14 TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA
UMABOT sa 14 katao ang namatay dahil sa COVID-19 sa Caloocan City, Malabon City at Valenzuela City noong Agosto 3 at Agosto 4. Mula 1,128 noong Agosto 1 ay sumipa sa 1,138 noong Agosto 3 ang total COVID deaths sa Caloocan. Habang 481 ang active cases sa lungsod matapos na 64 bagong kaso ang naitala. Pumalo na sa 39,957 ang total confirmed cases sa lungsod. Pumanhik naman sa 469 ang COVID death toll sa Malabon City noong Agosto 4 matapos na dalawang pasyente ang bawian ng buhay. Habang 70 ang nadagdag…
Read More9 REHIYON SA PINAS MAY DELTA VARIANT NA
SIYAM sa 15 rehiyon sa Pilipinas ay mayroon nang naitalang Delta variant na sinasabing mas delikado at madaling maihawa kumpara sa original na COVID-19 na nagmula sa Wuhan, China Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa House Committee on Health na nagsagawa ng pagdinig hinggil sa kalagayan ng bansa sa pandemya na pangunahing problema loob ng mahigit isang taon. Sa presentasyon ni Dr. Alethea de Guzman, base sa pinakahuling Philippine Genome Center Biosurveillance Report, umaabot na sa 216 ang naitalang kaso ng Delta variant kung saan 165 ay…
Read More2 FIRE TRUCKS NAGSALPUKAN SA CALOOCAN
APAT na bumbero ang sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang firetrucks sa Caloocan City noong Martes ng gabi. Tumilapon mula sa kanilang mga sasakyan ang nasabing mga bumbero nang mangyari ang insidente sa panulukan ng 4th Ave. at D. Aquino St. sa nasabing lungsod. Nahagip ng closed-circuit television camera ng Barangay 50, Zone 50 ang dalawang humahagibis na sasakyan patungo sa nasabing kanto hanggang sa magsalpukan ang mga ito. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng sugatang mga bumbero. (ALAIN AJERO) 284
Read MoreCOVID POSITIVITY RATE SA PASAY UMAKYAT SA 11.78%
PUMALO na sa 190 katao ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City makaraang makapagtala ang lungsod ng bagong 58 kaso ng nasabing sakit. Ang positivity rate ay naitala sa 11.78%. Habang umabot naman sa 69 ang bilang ng positive cases sa isang barangay na itinuturing na may pinakamataas na kaso, o 34%, sa lahat ng mga barangay sa lungsod. Ayon sa ulat ng Pasay City Health Office, sa kabuuan ay umabot na sa 14,401 ang gumaling sa COVID-19 kabilang na rito ang 17 bagong nakarekober sa naturang sakit simula…
Read More