“VISION is seeing the invisible.” Ito ang naging pahayag kahapon ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na madakip ng kanyang mga tauhan ang dalawang kasapi ng communist terrorist group (CTG) New People’s Army ng National Democratic Front sa Milagros, Masbate. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang mga nadakip na sina Randy Cabarles Hermina at Elias Sinco Albao. Nabatid na ang dalawang nadakip na CTG ay kinilalang mga aktibong kasapi ng Militiang Bayan ng Larangan 2, Kilusang Partido 4 sa ilalim ng pamumuno ni Ka Luding Tulingan, secretary general ng Masbate,…
Read MoreAuthor: admin 2
LAGUNA, MECQ SA AGOSTO 1-15
CALAMBA CITY – Itinaas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang quarantine classification status ng Laguna sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Agosto 1 hanggang 15 dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa lalawigan. Naunang nairekomenda ng IATF na isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula Agosto 1 hanggang 15 ang mga lalawigan ng Laguna, Cavite, Rizal at Lucena City habang ang lalawigan ng Batangas at Quezon ay nasa General Community Quarantine mula Agosto 1 hanggang 31. Ngunit itinaas sa MECQ noong Linggo ang…
Read MoreKELOT PATAY SA LIVE-IN PARTNER NG EX-DYOWA
CAVITE – Patay ang isang 42-anyos na lalaki makaraang saksakin at hampasin ng tipak ng bato sa ulo ng live-in partner ng kanyang dating kinakasama nang magpang-abot ang mga ito sa bahay ng babae sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Kinilala ang biktimang si Mateo Rivera habang arestado naman ang suspek na si Lito Cabanag, 39-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Gilbert Santos ng Dasmariñas City Police, dakong alas-7:30 ng gabi nang mangyari ang insidente nang lasing na dumalaw ang biktima sa bahay ng kanyang dating kinakasama na si…
Read MoreGINANG PINATAY NANG MALASING
QUEZON – Natagpuang tadtad ng saksak at wala nang buhay ang isang ginang sa kanyang silid makaraang makipag-inuman sa tatlong lugar sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang madiskubre ang wala nang buhay na biktimang si Lorena Pizarro Deseo, 51, sa loob ng kanyang kuwarto sa Barangay Angeles. Inihayag ng Atimonan Police, lasing ang biktima nang mangyari ang insidente. Una itong nakipag-inuman sa bahay ng isang barangay kagawad dakong alas-7:00 ng gabi noong Sabado kasama sina…
Read More5.4M DAGDAG NA BAGONG BOTANTE
INANUNSYO ng Commission on Election na nadagdagan ng 5.4 milyong bagong botante ang bansa makaraang magparehistro bago ang tatlong buwan na lamang na nalalabi sa ibinigay na palugit ng COMELEC. “As of July 10, we have around 5.45 million registrants @COMELEC. If we automatically reactivate 6.3 million that would be a record,” ang Twitter post ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon. Ayon kay Commissioner Guanzon, magtatapos ang pambansang pagpaparehistro sa Setyembre 30 habang naabot na ng Comelec ang kanilang target na apat na milyong bagong rehistrado Samantala, hindi pa naa-update ng Comelec…
Read MoreDALAGITA NASAGIP SA CREEK
SINAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 16-anyos na dalagita makaraang mamataan habang sisinghap-singhap sa isang creek sa Taguig City. Base sa ulat ng PCG, nagresponde ang mga tauhan ng PCG mula sa NCR Central Luzon at Special Operations Force (SOF) makaraang mamataang nalulunod ang biktima sa isang creek sa Barangay Sta. Ana sa naturang lungsod noong Hulyo 24. Napag-alaman sa report ng PCG, nakarinig ang mga tauhan ng PCG ng ingay ng mga residente sa isang creek malapit sa Taguig Integrated School (TIS) kaya agad silang kumilos para…
Read More6 PATAY SA COVID SA CALOOCAN, MALABON
APAT katao ang naitalang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City habang dalawa naman sa Malabon City noong Agosto 1. Mula 1,124 noong Hulyo 30 ay umakyat sa 1,128 ang total COVID deaths ng Caloocan City, habang lumobo sa 503 ang active cases sa lungsod matapos na 50 ang nahawaan ng virus. Sumampa na sa 39,767 ang mga tinamaan ng COVID sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 38,136 na ang gumaling. Pumanhik naman sa 465 ang COVID casualties ng Malabon City habang 70 ang nadagdag na confirmed cases at sa…
Read More4 Chinese arestado,1 napatay P1.482-B SHABU NASABAT SA SERYE NG DRUG OPS
UMABOT sa P1.482 bilyong halaga ng hinihinalang shabu o methamphetamine hydrochloride, ang nasamsam sa sunod-sunod na anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency katuwang ang Philippine National Police, na ikinamatay ng isang Chinese national noong Linggo, Agosto 1, sa Quezon City, Valenzuela City at Balagtas, Bulacan. Ayon sa ulat na nakarating kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, arestado sa pinagsanib na operasyon ng PDEA at PNP ang apat na Chinese nationals habang napatay ang ikalimang suspek matapos makipagbarilan sa mga alagad ng batas. Naniniwala si PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva…
Read MoreOPISYAL NG ASG NAKAPASOK SA PNP
MAHIGPIT na iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief, P/General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa Internal Affairs Service na madaliin ang dismissal proceedings laban sa isang non-uniformed personnel sa Sulu na nadiskubreng finance and logistics liaison officer ng Abu Sayyaf Group. Inihayag ni P/Gen. Eleazar, noong Biyernes, Hulyo 30, ay dinakip ang NUP na si Masckur Adoh Patarasa, nakatalaga sa Banguingui Municipal Police Station sa Sulu, na pakay ng arrest warrants dahil sa pitong kaso ng kidnapping and serious illegal detention. Sinasabing si Patarasa ay ipinaaaresto rin sa ilalim ng Martial Law Arrest Order no.…
Read More