PLANO NG BUCOR SA MASUNGI, ‘DI MAKATOTOHANAN

HINDI makatotohanan ang plano ng Bureau of Correction (BuCor) na magtayo ng kanilang headquarter sa Masungi Georeserve dahil parang pagtatayo ito ng palasyo sa buhangin. Ito ang pahayag ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel at kapag itinuloy ng Bucor ang kanilang plano ay magsasayang lang ang mga ito ng pera ng bayan bukod sa sisirain lang ng mga ito ang environmental reserve na ito sa Tanay, Rizal. “The area is also poorly suited for a government site. The grounds are made of karst limestone which is far from being able to hold…

Read More

3 ARESTADO SA P300K SHABU

CAVITE – Halos P300,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong arestadong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina Eduardo Flores y Nidoy, Cindy Salcedo y Gumapac, at Nasroden Naga y Sultan, 27-anyos. Unang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas City Police sa Brgy. San Miguel 2, Dasmariñas City, Cavite…

Read More

2 NALUNOD SA ILOG SA CAVITE

CAVITE – Nalunod ang isang 20-anyos na lalaki at isang construction worker makaraang maligo sa ilog sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon, Idineklarang dead on arrival sa San Lorenzo Hospital ang biktimang si Arvi Hornales y Bendo, ng Brgy. Garita B, Maragondon, Cavite habang sa Emilio Aguinaldo Hospital dinala si Adonis Verdes, 35, construction worker, ng Southville Phase 1, Brgy. Inocencio, Trece Martires City ngunit hindi rin umabot nang buhay . Ayon sa ulat ni P/SSgt. Lenon Joy Pong-et ng Maragondon, Cavite, nagkayayaan umano ang biktimang…

Read More

BARANGAY CHAIRMAN PATAY SA PAMAMARIL

BATANGAS – Patay ang isang 60-anyos na barangay chairman matapos na barilin ng hindi kilalang mga suspek sa Lipa City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kinilala ni Lipa City chief of police, Lt. Col. Ariel Azurin ang biktimang si Vivencio Palo, residente at barangay captain ng Barangay San Carlos, Lipa City. Ayon sa report, nakasakay sa likuran ng kanyang nakaparadang pick-up at nagbababa si Palo ng kanyang mga paninda para sa kanyang tindahan, ilang metro lang ang layo sa barangay hall, nang pagbabarilin ito ng mga suspek na sakay ng isang kotse dakong alas-5:15 ng…

Read More

Alay nila itay at inay “HAPPY WALK 2023”, PARA SA MGA ANAK NA MAY DOWN SYNDROME

Idinaos ang “HAPPY WALK 2023” na isang bahagi ng pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month noong nakaraang Pebrero 26, 2023 na ginanap sa Mall of Asia Music Hall, Pasay City. Ang HAPPY WALK 2023 ay isinagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng SM Cares na bahagi ng SM Foundation at Down Syndrome Association of the Philippines, Inc. (DSAPI). Kabilang sa mga dumalo ay sina Ginoong Hans T. Sy, Chairman ng SM Prime Holdings; Engr. Bien Mateo, Chairman ng SM Foundation at Ginoong Nill Arroyo, Chairman ng Happy Walk Event 2023…

Read More

P1.5B PINEKENG LUXURY BRANDS HAGIP SA PASAY

TUMATAGINTING na P1.5 bilyong halaga ng mga palsipikadong signature items ang nasabat kamakailan ng Bureau of Customs (BOC) sa Lungsod ng Pasay. Sa isang pahayag ng BOC, silat sa operasyon kontra smuggling na ikinasa ng Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD) ang isang bodega sa panulukan ng FB Harrison Avenue at Kalye J. Fernando sa nasabing lungsod sa ga­wing timog ng National Capital Region. Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, higit na kailangan ang mas masigasig na kampanya ng kawanihan laban sa mga aktibidades na lubhang nakakasakit…

Read More

BOC OPS VS SMUGGLING APRUB KAY ROMUALDEZ

BINIGYAN ng pagkilala sa Kamara ang agresibong pagtugon ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng kabi-kabilang operasyon laban sa mga agri-smuggler, hoarder at profiteer. Sa kalatas na inilabas ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez, partikular na tinukoy ng lider ng Kamara ang pagsalakay ng mga ope­ratiba ng nasabing kawanihan sa mga bodega kung saan tumambad ang sandamakmak na suplay ng mga bilihin, kinakapos sa merkado – ang sibuyas at bawang. Para kay Romualdez, malaking bentahe sa Kamara ang [positibong pagtugon ng kawanihan sa kabila pa ng kabi-kabilang patutsada laban…

Read More

11 TRIPULANTE TIMBOG SA MODUS PUSLIT-YOSI

TIMBOG sa mga alistong ope­ratiba sa karagatan ang 11 tripulanteng lulan ng isang sasakyang dagat sa katimugan kaugnay ng panibagong tangkang magpuslit ng mga imported na sigarilyo mula sa bansang Indonesia. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), inilipat na rin ng Philippine Navy sa kanilang kustodiya ang nasa P90-milyong halaga ng mga imported na sigarilyong lulan ng ML Haiban na nasabat ng mga bantay-dagat hindi kalayuan sa pantalan ng Indanan sa lalawigan ng Sulu. Sa ulat na isinumite ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sa BOC, isang Ladimar Hajirul ang…

Read More

2022 TOP IMPORTERS KINILALA

SA hangaring magsilbing huwaran sa hanay ng mga negosyante, kinilala ka­makailan ng Bureau of Customs (BOC) ang 10 kum­panyang nakapag-ambag ng malaki sa kampanya ng pamahalaan tungo sa pagbangon ng lugmok na ekonomiya. Batay sa pagsusuri ng BOC-Post Clearance Audit Group (PCAG), kabilang sa mga tinukoy na kumpanyang walang pagkukulang sa taripa at buwis na kalakip ng mga pinasok at inilabas na kargamento sa nakalipas na taon ang Mondelez Philippines Inc., Japan Tobacco International Inc, Glaxosmithkline Philippines Inc., Unilever Philippines, Inc., Chevron Philippines Inc., Nestle Philippines Inc., Novartis HealthCare Phils…

Read More