Ni JOEL O. AMONGO HINDI na nakapalag ang isang negosyante matapos dakpin ng mga operatiba sa aktong pagtanggap ng P3.7-milyong halaga ng high grade marijuana mula sa bansang Canada. Sa kalatas ng Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-Clark), arestado sa joint controlled delivery operation ang nakatalang consignee na kinilalang si Federico Cesar Flores-Luna alias Nestor Bustamante, 32-anyos at nakatira sa Opal Bldg. Crown Peak Gardens, Subic Bay Freeport Zone. Ayon sa BOC-Clark, Pebrero 19 nang mabisto gamit ang makabagong X-ray scanners ng mga alistong kawani ng naturang distrito…
Read MoreAuthor: admin 2
PING REMULLA, NAHALAL NA KINATAWAN NG 7TH DISTRICT NG CAVITE
IPRINOKLAMA na nitong Linggo ng umaga bilang bagong congressman ng ika-7 Distrito ng Cavite si Crispin Diego “Ping” Remulla sa isinagawang Special Election noong Pebrero 25, 2023. Ang 7th District ay binubuo ng Amadeo, Indang, Tanza at Trece Martires City, sa lalawigan ng Cavite Iprinoklama si Remulla sa Cavite Provincial Capitol ni Atty. Mitzele Morales-Castro, Provincial Election Supervisor ng Cavite, na nakakuha ng kabuuang bilang na 98,474 boto, ang pinakamataas na bilang ng boto laban sa kanyang mga katunggali. Pinalitan ni Ping Remulla ang kanyang ama na si Department of Justice Secretary Crispin…
Read More5 TERORISTA PATAY SA PHIL. ARMY
LIMANG umano’y mga terorista ang napaslang sa inilunsad na magkakahiwalay na focused military operation ng Armed Forces of the Philippine na nagresulta rin sa pagsuko ng 29 supporters ng mga rebelde, ayon kay Col. Jorry Baclor, AFP Information Office chief, kahapon. Ayon kay Col. Baclor, dalawang Communist NPA Terrorists (CNTs), dalawang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at isang Abu Sayyaf bandit ang kanilang na-neyutralisa nitong nagdaang linggo. Patay ang isang kasapi ng NPA sa sagupaan ng Philippine Army 78th Infantry Battalion at siyam na CNTs sa Barangay San Andres, Borongan…
Read MoreWANTED SA RAPE SA MARINDUQUE, NATUNTON SA MAYNILA
HINDI akalain ng isang 46-anyos na lalaki na siya ay madadakip sa ginawang krimen makaraang magtago sa kasong rape ngunit matunton sa tinutuluyan niyang bahay sa San Andres Bukid, Manila noong Sabado ng hapon. Kinilala ang suspek na si Allan Lecaros, may asawa, tubong Boac Marinduque at nanunuluyan sa Sagrada Familia Street, San Andres Bukid. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., commander ng Manila Police District Sta. Ana Police Station 6 , bandang alas-3:30 ng hapon nang maaresto ang suspek sa tinutuluyan nitong bahay, ayon sa ibinigay na…
Read MoreSa Fire Prevention Month PARAAN NG PAG-IWAS SA SUNOG TINALAKAY NG BFP
TINALAKAY ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga paraan para matiyak ang kaligtasan laban sa sunog partikular ang pag-iwas na palagiang nakakandado ang mga bakal na window grills na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga biktima ng sunog, bilang paggunita sa Fire Prevention Month ngayong Marso. Ayon kay Fire Supt. Gerard Venezuela sa ginanap na media forum sa Balitaan sa Tinapayan sa panulukan ng Dapitan at Don Quijote Streets sa Sampaloc, Manila, kaya marami ang namamatay sa sunog ay dahil hindi makalabas sa bahay ang mga nakatira rito dahil nakakandado o…
Read More60 PARTNERS NAG-‘I DO’ SA PASAY KASALANG BAYAN
UMABOT sa halos 60 pareha ang nagsabi ng “I do” sa Pasay City sa “Kasalang Bayan” ngayong love month. Nabatid na 57 pareha ang dumalo para magsabi ng “I do” at nagpalitan ng vows sa mass wedding na inisponsor ni Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano sa Pasay Astrodome noong Sabado, Pebrero 25. Dumating ang mga pareha mula sa first and second district ng lungsod, sa Astrodome bago sumapit ang alas-7:00 ng umaga. Sa pamamagitan ng inisyatiba nina Mayor Emi, Cong. Tony Calixto, Vice Mayor Ding Santos, Councilors Mark Calixto,…
Read MoreIrerekomenda ni Romualdez kay PBBM ONE-STRIKE POLICY SA PALPAK NA TAX COLLECTORS
IREREKOMENDA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng one-strike policy sa mga kolektor ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na mabibigong maabot ang kanilang target na makolekta. “I will recommend to President Marcos a one-strike policy against collectors who will miss their target revenues,” ani Speaker Romualdez. Sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga ang maabot ang target na makolektang buwis upang mapondohan ang mga programa ng gobyerno gaya ng pagbibigay ng subsidiya sa mga nangangailangang sektor, tulong…
Read MoreSPEAKER ROMUALDEZ MAGPAPATAWAG NG URGENT PNP-DILG MEET PARA TUGUNAN ANG HIGH PROFILE CRIMES
MAGPAPATAWAG si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng isang emergency meeting ngayong Lunes, kasama ang Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG), upang talakayin ang sunud-sunod na high-profile crimes sa bansa. “Nakakabahala na dahil parang halos every week may malaking balita tungkol sa mga napapatay sa kalye,” ayon kay Speaker Romualdez. “Gusto natin malaman sa PNP at DILG kung ano ang mga hakbang na ginagawa nila upang pigilan ang mga ganitong uri ng karumal-dumal na krimen,” aniya. “The way it looks, mukhang pulitika ang…
Read MorePONDO SA IN-SERVICE TRAINING NG TEACHERS, DODOBLEHIN
UPANG mapaigting pa ang kakayahan ng public school teachers, dodoblehin ng Kongreso ang pondo para lalong gumaling ang mga ito sa larangan ng English, Math at Science. Ito ang nabatid mula kay Quezon City Rep. Marvin Rillo na sinabing target na itaas sa P1.5 billion ang taunang pondo para sa ‘in-service skills retooling” ng public school teachers sa nabanggit na mga asignatura sa susunod na taon. “In the national budget, Congress has been allocating only an average of P746 million per year for the in-service training of our teachers. We should…
Read More