HAPPY WALK 2023: KAMI AY NATATANGING NILALANG

Sa pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month ngayong Pebrero 26, 2023, masayang idinaos ang “Happy Walk 2023” event sa Mall of Asia Music Hall, Pasay City, ngayong araw sa panguguna ng SM Cares bahagi ng SM Foundation at Down Syndrome Association of the Philippines, Inc. DSAPI. Dumalo sa pagtitipon sina Mr. Hans T. Sy, Chairman ng SM Prime Holdings, Engr. Bien Mateo, Chairman SM Foundation at Mr. Nill Arroyo, Chairman ng Happy Walk Event 2023. Kasama ang Chairman ng Down Syndrome Association of the Philippines (DSAPI) na si G.…

Read More

MIYEMBRO NG USMAN DRUG GROUP, 2 PA HULI SA BUY-BUST

CAVITE – Arestado ang isang miyembro ng Usman drug group at dalawang kasamahan nito sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang miyembro ng Usman drug group na si Jayron Dela Cruz y Cuarteros, alyas “Jojo Cordero”, 34, at kasamahan nito na sina Bolawan Abergos y Limjoco, 34, at Alvin Operio y Hatico, 23, pawang ng Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU)-Cavite sa Brgy. H2, Dasmariñas City na nagresulta…

Read More

RIDER, ANGKAS TODAS SA CENTER ISLAND

CAVITE – Hindi na nadala sa ospital ang isang magkaangkas sa motorsiklo nang kapwa malagutan ng hininga makaraang bumangga sa center island ang sinasakyang motorsiklo sa Imus City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Clark Joseph Salanguit Amil, 19, at Jennifer Rose Gosim, nasa hustong edad, idineklarang dead on the spot ng nagrespondeng mga miyembro ng CDRRMO. Ayon sa ulat ni P/SSgt. John Carlo Punzalan ng Imus City Police, minamaneho ni Amil ang motorsiklong Yamaha Mio at nagkas si Gosim habang binabagtas ang kahabaan ng Daang Hari Road…

Read More

LOLO TIKLO SA P345K IMPORTED SHABU

PAMPANGA – Timbog ang isang 63-anyos na lolo matapos makumpiskahan ng P345,000 halaga ng ilegal na droga na tinanggap nito mula sa ibang bansa, sa isinagawang entrapment operation ng magkasanib na mga operatiba ng PDEA Central Luzon, Clark Inter-Agency Task Group, Bureau of Customs (BOC) Port of Clark at Masantol Police Station sa Masantol, Pampanga noong Huwebes ng gabi. Ayon sa PDEA, dumating sa Port of Clark noong Pebrero 18 ang package na nagmula sa California, USA. Subalit na-detect sa X-ray scanning, K-9 sniffing at field testing na hinihinalang imported na shabu ang laman…

Read More

AirAsia Philippines’ biggest travel fest aims to boost international trips this summer

Manila, 24 February 2023 – The World’s Best Low-Cost Airline is supporting the healthy return of international leisure travel this summer with AirAsia Fly Fest, the biggest travel festival that will offer the best-value deals on airfare and tours. Riding on the popularity and marketability of the double-digit campaign, more than 170,000 seats are up for grabs from as low as PHP33 for domestic and PHP833 for international per one-way base fare with the 3.3 Travel Fest. AirAsia Philippines Head of Communications and Public Affairs Steve Dailisan said “This festival…

Read More

HIDALGO BAGONG HEPE NG PRO3

ITINALAGA bilang bagong police regional director si PBGen Jose Hidalgo Jr. ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa ginanap na ceremonial turnover sa Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga nitong Miyerkoles, Pebrero 22, 2023. Ang pagsasalin sa tungkulin ay pinangasiwaan mismo ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. na isinagawa sa PRO3 PATROL Hall sa Kampo Olivas. Pinalitan ni Hidalgo ang nagretirong si PBGen Cesar Pasiwen na nagretiro. Ang bagong Regional Director ay dati nang na-assign sa PRO3 bilang Battalion Commander, RPSB3 taong 2011 kung saan siya ay mainit…

Read More

EKONOMIYA LALAKAS NA – PBBM

SANDALING panahon na lang ang  ipaghihintay ng publiko at mararamdaman na ng mga ito ang epekto ng paglago ng ekonomiya sa bansa. “Kaunting panahon na lang ay madadama na natin ang magagandang epekto nito sa ating ekonomiya at sa kabuhayan ng ating mga kababayan ,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang official Facebook page. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos nitong  iwelcome  ang report na ang investments na nakarehistro sa  Board of Investments (BOI) ay pumalo na sa P414 billion sa unang 40 araw ng 2023.…

Read More

78 NAOSPITAL SA DIARRHEA SA NEGROS OCCIDENTAL

NAALARMA ang local government unit ng San Carlos City sa Negros Occidental sa pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng diarrhea sa lungsod. Hanggang noong Pebrero 22, nakapagtala ang City Health Office ng kabuuang 118 na kaso. Mula sa nasabing bilang, 78 ang na-admit sa ospital ng lungsod matapos makaranas  ng bahagya hanggang sa malalang mga sintomas. Nasa 50 ang mga batang nabiktima habang 28 matatanda, ayon sa CHD. Sinabi ni City Health Officer Dr. Arnel Portuguez, nagsimula ang mga kaso noong nakaraang linggo na nakaapekto sa karamihan sa mga batang mag-aaral mula sa isang pampublikong paaralan sa Barangay Bulungan habang ang iba pang…

Read More

SALVAGE VICTIM ITINAPON SA TULAY

BATANGAS – Isa na namang bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution, ang nadiskubre malapit sa isang tulay sa Brgy. Sabang, sa bayan ng Ibaan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa report ng Ibaan Police, alas-4:00 ng hapon nang makita ng mga residente ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki habang nakahandusay, hindi kalayuan sa Sabang bridge. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman na nakagapos ang mga paa at kamay nito ng nylon cord at nakabalot ng masking tape ang mukha at ulo. Nakasuot ito ng gray t-shirt…

Read More