CAYETANO SA MGA ABOGADO: UNAHIN ANG LAYUNIN, HINDI KLIYENTE AT KASO

HUWAG tumingin sa kliyente, kaso, at pangalan kundi sa mas malalim na dahilan at layunin ng ginagawa sa trabaho. Ito ang mensahe ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga abogado sa blessing at dedication ng bagong law office ng pastor-lawyer na si Atty. Jeremiah Belgica at kanyang mga partner nitong April 15. Bilang isa ring abogado, sinabi ni Cayetano na may mas mahalagang basehan ang pagiging abogado kaysa sa tagumpay o impluwensya. “The Lord Jesus said, ‘Seek first My Kingdom and righteousness, and everything shall be added unto…

Read More

PAGDINIG SA FLOOD CONTROL PROJECTS SA SENADO SUSPENDIDO

KINUMPIRMA ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na suspendido muna ang pagdinig kaugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects, hanggang hindi pa niya naihaharap sa plenaryo ang binuong partial report. Sinabi ni Lacson, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na kailangan munang matalakay sa plenaryo ang partial report bago magdesisyong ipagpatuloy ang pagsisiyasat. Sa pinakahuling impormasyon mula kay Lacson, kabuuang anim na senador na ang lumagda sa report. Bukod kay Lacson, nakapirma sa report sina Senate President Vicente Tito Sotto III, Senador Erwin Tulfo, Senador Risa Hontiveros, Senador…

Read More

RIDON SA PROBABLE CAUSE SA IMPEACHMENT NI VP SARA: MALINAW PA SA SIKAT NG ARAW

IGINIIT ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na malinaw na may probable cause para ituloy ang paglilitis sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Ridon, miyembro ng House Committee on Justice, batay sa mga rekord ng pagdinig noong Abril 14, lumitaw na may sapat na batayan ang reklamo laban sa Pangalawang Pangulo. Tinukoy ng mambabatas ang limang dahilan: una, ang kumpirmasyon ng Commission on Audit (COA) sa umano’y iregularidad sa paggasta ng Office of the Vice President, kabilang ang P73 milyon na ipinapabalik. Ikalawa, ang…

Read More

SOLON PINABABALIK P73M DISALLOWED FUNDS NI VP SARA

NANAWAGAN si Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega kay Vice President Sara Duterte na isauli ang P73.287 milyon na confidential expenses na disallowed ng Commission on Audit (COA). Ayon kay Ortega, mahalagang maipakita ang pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan, lalo na kung ito ay kinuwestiyon ng COA. Batay sa ulat, ibinasura ng COA ang motion for reconsideration ng Office of the Vice President kaugnay ng naturang disallowance. Kapag naging pinal ang desisyon, kinakailangan ibalik ang nasabing halaga na ginamit noong Disyembre 21 hanggang 31, 2022. Sa…

Read More

MARCOS JR. PINANGUNAHAN DISTRIBUSYON NG BIGAS SA MAYNILA

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng bigas sa Lungsod ng Maynila bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng tumataas na gastusin dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. Sa isinagawang distribution program, personal na iniabot ng Pangulo ang tulong sa mga benepisyaryo, kabilang ang pagbubuhat ng isang sako ng bigas. Ang programang “Biyayang Bigas Para sa Maynila” ay naglalayong magbigay ng agarang food relief sa humigit-kumulang 80,000 pamilya sa lungsod. Kabilang din sa benepisyaryo ang mga manggagawa sa transportasyon at service sector na itinuturing…

Read More

PALASYO PINAG-AARALAN PANSAMANTALANG PAG-ABSORB SA PENSION CONTRIBUTIONS

PINAG-AARALAN ng pamahalaan ang panukalang pansamantalang akuin ang pagbabayad ng kontribusyon ng mga empleyado sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) upang maibsan ang pinansyal na pasanin ng mga manggagawa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dulot ng krisis sa Middle East. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pag-aaralan ang naturang hiling kasabay ng pagpapatupad ng iba’t ibang relief measures mula sa mga ahensya ng gobyerno. “Mayroon nang ginagawa ang SSS,…

Read More

MARAMI PA RING REKLAMO UKOL SA TAG AT MAKATI EXPRESS CARGO

RAPIDO ni PATRICK TULFO NATAPOS na ang paglalabas ng inabandonang balikbayan boxes sa Bureau of Customs, ito ang inanunsiyo ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno. Pero marami pa rin kaming natatanggap na mga reklamo na hindi pa natatanggap ng kanilang pamilya ang kanilang mga padala. Sa kaso po ng Tag Cargo, ayon po kay Anthony Eugenio, isa sa mga opisyal ng LOGO cargo, mayroon pang 306 na kahon ang hawak nila, 17 na kahon dito ay hindi malaman kung sino ang may-ari dahil lasug-lasog na ang mga ito pagbukas nila ng…

Read More

KUNG NAGAWA NI LKY SA SINGAPORE, BAKIT HINDI NAGAWA SA PILIPINAS?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA kabila ng mga pagpaslang sa ilan sa mga kapatid natin sa hanapbuhay noon at ngayon sa panahon ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nananatili pa ring maalab, masigla ang tapang ng marami sa mga mamamahayag sa pagbatikos sa maraming kabulukan ng gobyerno at mga pribadong tao o kompanya na nagpapahirap sa taumbayan. Maraming grupo ng mga mamamahayag ang nagsabi na napakaliit na porsyento lang ang nahatulan sa mga suspek sa pagpatay sa mga mamamahayag. May paniniwala naman na marami sa mga pagpatay sa…

Read More

WALANG IMPOSIBLE

HOPE ni GUILLER VALENCIA “For with God nothing will be impossible,” Luke 1:37 NKJV. Dumating si anghel Gabriel kay Maria, na isang birhen, at sinabi sa kanya na lililiman siya ng banal na Espiritu at maglilihi siya at manganganak ng isang lalaki. Bukod pa rito, sinabi sa kanya ng anghel na ang kanyang kamag-anak na si Elizabeth, na baog, ay anim na buwan nang buntis. Pagkatapos ay tinapos ng anghel ang kanyang mensahe sa ating talata sa araw na ito: “Sapagka’t sa Dios ay walang anomang bagay na magiging imposible.”…

Read More