COMELEC INILABAS CALENDAR OF ACTIVITIES PARA SA BSKE 2026

PORMAL nang inilabas ng Commission on Elections ang calendar of activities para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2026. Kabilang sa mahahalagang petsa ang nationwide voter registration mula Oktubre 20, 2025 hanggang Mayo 18, 2026, maliban sa BARMM na magsisimula sa Mayo 1 hanggang 18, 2026. Isasagawa ang filing ng Certificates of Candidacy mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, 2026, habang ang campaign period ay mula Oktubre 22 hanggang 31, 2026. Ang election day ay nakatakda sa Nobyembre 2, 2026. Ang election period naman ay mula Oktubre 3 hanggang Nobyembre…

Read More

NARTATEZ SA NCRPO AT PRO-3: PAGPASLANG SA BABAENG PULIS AT ANAK, SOLUSYUNAN AGAD

INIUTOS ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa NCRPO at Police Regional Office 3 na bigyang prayoridad ang imbestigasyon sa brutal na pagpaslang sa isang babaeng pulis at kanyang 8-anyos na anak. Ipinag-utos ng PNP chief ang paggamit ng lahat ng available resources upang mabilis na maresolba ang pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido ng Taguig City at sa kanyang anak. Si Mollenido ay nakatalaga sa Regional Personnel and Records Management Division ng NCRPO. Huling nakitang buhay ang mag-ina noong Enero 16 matapos umanong ibenta…

Read More

PANIBAGONG OPH SA SUSUNOD NA LINGGO POSIBLE— DOE

gas

MULING magtataas ng presyo ang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy. Batay sa pagtataya ng Oil Industry Management Bureau, maaaring tumaas ng humigit-kumulang P0.10 kada litro ang gasolina, P0.85 sa diesel, at P0.45 naman sa kerosene. Ayon sa DoE, ilan sa mga dahilan na nakaaapekto sa inaasahang pagtaas ng presyo ang masamang panahon sa Estados Unidos, mga insidente ng sunog at power issues sa Kazakhstan, patuloy na risk premium kaugnay ng Iran, at ang desisyon ng OPEC+ na ihinto ang pagtaas ng oil output.…

Read More

42K BAGONG BARANGAY OFFICIALS, SASANAYIN NG DILG

IHAHANDA ng Department of the Interior and Local Government ang mahigit 42,000 bagong halal na barangay officials kasunod ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 6, 2026. Sa pamamagitan ng Local Government Academy, isasailalim ang mga bagong opisyal sa Barangay Newly Elected Officials Program simula Enero 2027. Ayon kay LGA Assistant Director Daphne Purnell, may orientation, localized at needs-based training, at pamamahagi ng printed reference materials sa bawat barangay. Layunin ng DILG ang tuloy-tuloy na pagsasanay upang matiyak ang maayos at epektibong serbisyo sa komunidad. (JESSE KABEL) 172

Read More

‘ZERO BILL’ SA KURYENTE PARA SA LOW-INCOME HOUSEHOLDS, INANUNSYO NG ERC

MILYUN-MILYONG Pilipino ang inaasahang makararanas ng zero billing sa buwanang singil sa kuryente sa ilalim ng pinalawak na lifeline subsidy program. Inihayag ng Energy Regulatory Commission na ang marginalized end-users na kumokonsumo ng 0–50 kWh kada buwan ay karapat-dapat na sa 100% diskwento sa buong electric bill—mula generation hanggang VAT. Magkakabisa ang bagong Lifeline Subsidy Rate 15 araw matapos mailathala ang resolusyon na inaasahang sa susunod na buwan. Kwalipikado ang mga benepisyaryo ng 4Ps at mga sertipikadong nasa ilalim ng poverty threshold ng PSA. Ayon sa DoE, awtomatikong rehistrado ang…

Read More

PNP-IAS SINIMULAN NA PRE-CHARGE PROBE VS 6 MPD COPS SA ROBBERY-EXTORTION

pulis

PINASIMULAN na ng Philippine National Police–Internal Affairs Service ang pre-charge investigation laban sa anim na pulis ng Manila Police District na inaresto sa Makati City kaugnay ng umano’y robbery-extortion. Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, inihahanda na ang mga kasong administratibo laban sa mga mapatutunayang sangkot. Mariing iginiit ng PNP at NCRPO na hindi kukunsintihin ang kriminal na gawain ng sinomang pulis sa serbisyo. Saklaw ng imbestigasyon ang command responsibility, lalo na kung may pagkukulang sa pangangasiwa ng mga opisyal. Matatandaang pansamantalang sinibak ang hepe ng MPD Malate…

Read More

ISKO PINANGUNAHAN HIGH-TECH QUAKE DRILL SA INTRAMUROS

GAMIT ang makabagong teknolohiya, pinalakas ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kahandaan laban sa posibleng malakas na lindol o “The Big One.” Biyernes ng umaga, pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang kauna-unahang sabayang Intramuros-wide earthquake drill sa Kartilya ng Katipunan malapit sa Manila City Hall. Sa pag-ugong ng earthquake drill alarm, ipinakita ang lawak ng saklaw ng sistema na may hanggang limang kilometrong radius mula City Hall na sakop ang buong Intramuros. Ayon sa alkalde, isasagawa ang earthquake drill sa random day at random time, walang end date, upang…

Read More

SC: HINDI LANG IMPEACHABLE OFFICER, KUNDI PROSESO NG IMPEACHMENT DAPAT SINUSURI

NILINAW ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier na hindi lamang ang impeachable officer ang dapat suriin, kundi pati ang mismong proseso ng impeachment bago magbigay ng hatol. Ito ang binigyang-diin ng mahistrado sa kanyang boto na nagpapatibay sa naunang desisyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Matatandaang ibinasura ng SC ang Motion for Reconsideration ng Kamara dahil sa kawalan ng due process at paglabag sa one-year bar rule. Ayon kay Lazaro-Javier, ang pananagutan ay para sa lahat—kaya’t…

Read More

TAUHAN NG CUSTOMS IDINADAWIT SA P1.2-B NA HALAGA NG PUSLIT NA YOSI

INIIMBESTIGAHAN ngayon ang ilang opisyal ng Bureau of Customs sa Port of Batangas dahil sa koneksyon umano sa nakumpiskang P1.2 billion na halaga ng smuggled na sigarilyo sa Barangay Balete, Batangas City noong New Year’s Eve. Sinasabing, ang pagkakatukoy ng pagkakakilanlan ng isa sa mga pangunahing suspek sa smuggling ang susi para malaman ang mga opisyal ng customs na nagbigay ng go signal upang i-clear ang illegal shipments ng yosi. Una ring sinabi ng PNP-Highway Patrol Group na ang mister ng isang empleyado ng customs ang nagrerenta ng container yard…

Read More