SUGATAN ang 15 katao matapos tumagilid ang pampasaherong jeep na kanilang sinasakyan malapit sa Ruiloba Street at Mabini Bridge sa Sampaloc, Maynila, nitong Biyernes ng umaga. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang lasing na pasahero ang sumakay sa tabi ng tsuper at bigla umanong hinawakan ang manibela, na naging sanhi ng pagtagilid ng jeep. Agad namang rumesponde ang mga rescue team at dinala ang mga sugatan sa Philippine Orthopedic Center, Jose Reyes Memorial Hospital, at Ospital ng Sampaloc para sa karagdagang gamutan. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente…
Read MoreAuthor: admin 3
TESTIGONG NAGSABI NA BINAYARAN NI HONTIVEROS KINASUHAN NG CYBER LIBEL NG DOJ
KINUMPIRMA ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na naihain na sa korte ang reklamong cyber libel na isinampa ni Senador Risa Hontiveros laban sa kanyang testigo na si Michael Maurilio, alyas Rene. Sa ulat, sinasabing tumanggap umano si Maurilio ng ₱1 milyong piso bilang suhol mula sa senadora kapalit ng pagtestigo sa Senado. Layunin umano ng umano’y bayad ang pagdiin sa mga kasong kriminal laban kina KOJC Founder Pastor Apollo Quiboloy, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at anak nitong si Vice President Sara Duterte. Ayon kay Fadullon, isinampa ang reklamo noong…
Read MoreTAX EVASION CASE VS DISCAYA COUPLE IPINAGPALIBAN NG DOJ
IPINAGPALIBAN ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong tax evasion laban sa mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon umano ng prima facie evidence na may reasonable certainty of conviction ang reklamong inihahanda sanang ihain ng DOJ sa Court of Tax Appeals. Sa isang press briefing nitong Biyernes, sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na naghain ng motion for reconsideration si Curlee Discaya, dahilan upang maantala ang pagsasampa ng kaso. Ayon kay Martinez, kinakailangang sagutin muna ng Bureau of Internal…
Read MorePBBM DEDMA SA DALAWANG IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY VP SARA
WALANG ibinigay na reaksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa ulat na naisumite na sa Office of the House Speaker ang dalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. “I have no reaction,” tugon ng Pangulo. Ayon pa kay Marcos Jr., “Hindi ko trabaho ‘yan, trabaho ng House. Pabayaan mo sila magtrabaho. I’m sure they will handle it properly. Let them do their jobs.” Nauna rito, kinumpirma ni House Secretary General Cheloy Garafil na nai-transmit na sa tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang dalawang impeachment complaints noong…
Read MorePDEA AT OSG NI-RENEW PARTNERSHIP LABAN SA ILEGAL NA DROGA
MULING pinagtibay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Office of the Solicitor General (OSG) ang kanilang tambalan upang higit pang palakasin ang anti-narcotics campaign ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa buong bansa. Pormal na pinagtibay ang panibagong kolaborasyon sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) noong Pebrero 4, 2026 sa OSG Office, Padilla Hall, Makati City. Lumagda sa kasunduan sina Solicitor General Darlene Marie B. Berberabe para sa OSG at PDEA Director General Isagani R. Nerez. Tampok sa MOA ang pangako ng magkabilang panig na…
Read MorePH PATULOY IGIGIIT SOBERANYA SA WPS
IPAGPAPATULOY ng Pilipinas ang paggiit sa soberanya nito sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng panawagan ni Senador Rodante Marcoleta na isuko ang Kalayaan Island Group (KIG) sa Palawan. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nananatili ang polisiya ng administrasyon na huwag isuko ang kahit anong bahagi ng teritoryo ng bansa sa mga dayuhang kapangyarihan. “Ipagpapatuloy ng Pangulo ang kanyang polisiya na ipaglaban ang West Philippine Sea. Even an inch of our territory ay hindi isu-surrender sa foreign powers,” pahayag ni Castro…
Read MorePAGLOBO NG INFORMAL SETTLERS SA PANDI INALMAHAN
BISTADOR NI RUDY SIM INALMAHAN ng mamamayan ng Pandi, Bulacan ang tila paggamit umano ng kanilang Mayor na si Enrico Roque sa mga informal settler upang mapatibay ang kanyang pananatili sa puwesto at tinawag ng kanyang constituents na raket? Ayon sa sumbong na nakarating sa atin ay lumubo na sa labing tatlo ang resettlement area sa naturang lugar na posible pa umanong madagdagan pa. Ang tanong ng mga nasasakupan ni Mayor ay may kumita kaya sa mga resettlement project na ito na ayon sa mga ‘marites’ ay malaki raw ang…
Read More53 PULIS SINIBAK NITONG ENERO — PNP
TINANGGAL sa serbisyo ang 53 pulis nitong Enero bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra katiwalian ng Philippine National Police (PNP). Bukod sa mga sinibak, 88 pulis ang sinuspinde habang 27 naman ang nireprimand, dahilan upang umabot sa 180 personnel ang pinatawan ng disciplinary action sa loob lamang ng isang buwan. Muling iginiit ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mahigpit na zero-tolerance policy laban sa anomang uri ng maling gawain ng mga pulis. Binigyang-diin ni Nartatez na hindi palalampasin ng pamunuan ang mga paglabag upang mapanatili ang…
Read More39 SUNDALO NA NAKALIGTAS SA PAGLUBOG NG BARKO, SUMAILALIM SA TRAUMA DEBRIEFING
SUMAILALIM sa tatlong araw na post-traumatic stress debriefing ang 39 sundalo na nakaligtas sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 sa karagatan malapit sa Baluk-baluk Island sa Basilan. Kinumpirma ng 11th Infantry “Alakdan” Division ng Philippine Army na kabilang sa survivors ang 32 miyembro ng 21st Infantry Battalion. Ayon kay Maj. Gen. Leonardo I. Peña, Commander ng 11th Infantry Division at Joint Task Force Orion, tumulong pa ang mga sundalo sa ibang pasahero habang nagaganap ang trahedya. “Beyond surviving the ordeal, accounts reveal that the soldiers helped calm fellow passengers…
Read More