SANA ALL! P2-M BONUS NG BAWAT KONGRESISTA

NAKATANGGAP ng tig-dalawang milyong piso ang mga congressman bilang Christmas bonus kasabay ng pagratipika sa 2026 national budget kahapon. Isiniwalat ito ni Batangas Rep. Leandro Leviste kasabay ng pagkuwestyon niya sa P10.5 bilyong dagdag na pondo ng Kongreso para sa susunod na taon, kung saan mula sa dating P17.5 bilyon ay tumaas ito sa P27.7 bilyon, na aniya’y hindi dumaan sa public hearing. Dagdag pa ng mambabatas, buwan-buwan umanong tumatanggap ang bawat kongresista ng humigit-kumulang P1 milyon para sa operasyon ng kanilang tanggapan, bukod pa sa kanilang sahod na mahigit…

Read More

PAGGASTA SA 2026 BUDGET DAPAT BANTAYAN – LACSON

IGINIIT ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na hindi dapat magtapos sa pag-apruba at paglagda bilang batas ang pagbabantay ng publiko sa panukalang budget kundi dapat magpatuloy hanggang sa mismong pagpapatupad nito. Sinabi ni Lacson na bagama’t binantayan ng mga religious at civil society group ang mga pagtalakay sa bicameral conference committee sa pagbuo ng panukalang badyet, ang susunod na hamon ay tiyakin kung paano gagastusin ng ehekutibo ang pera ng taumbayan sa 2026. Idinagdag ng senador na bagama’t karamihan sa kanyang mga kasamahan sa Senado ay kapareho…

Read More

‘AMASONA’ NG NPA TIMBOG SA CIDG

INARESTO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang itinuturing na “Amasona” ng New People’s Army (NPA). Kinilala ang suspek na si alyas “Jai”, 26-anyos, at residente ng Purok 1, Brgy. Parmbugas, Claveria, Misamis Oriental. Ayon kay CIDG Director, PMGen. Robert Morico II, naaresto ang suspek sa ikinasang operasyon ng CIDG sa Brgy. Bancasi, Butuan City, Agusan del Norte. Si Jai ay miyembro ng Medical Unit ng Sandatahang Digma Group Samsung, Guerrilla Front Huawei, Sub-Regional Committee 1 (SR-1), North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) ng NPA.…

Read More

LALAKI BINOGA NG MAGKAPATID

CAVITE – Patay ang isang lalaki makaraang barilin ng isa sa magkapatid matapos magsumbong ang nakababatang kapatid na kinuyog siya ng ilang residente kabilang ang biktima, dahil sa paratang na pagnanakaw sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “Max”, nasa hustong edad, ng Barangay Burol 1, Dasmariñas City, Cavite dahil sa tama ng bala sa mukha. Pinaghahanap naman ng pulisya ang magkapatid na sina alyas “Topher”, 22, at “Ericson”, nasa hustong edad, kapwa residente ng Barangay Burol 1, Dasmariñas…

Read More

Pamilya tinulungan ng Manila LGU; 12-ANYOS PATAY, 1 PA SUGATAN SA PINULOT NA PAPUTOK

ISA ang nasawi habang kritikal ang isa pa matapos masabugan ng inipong mga paputok ang dalawang menor de edad sa Tondo, Maynila noong Linggo ng gabi. Kinilala ang nasawi bilang isang 12-anyos na estudyante, habang ang isa pang menor de edad na kasama nito ay agad isinugod sa ospital para sa agarang gamutan. Kapwa residente ang mga biktima ng Almeda Street, Tondo. Batay sa imbestigasyon, napansin umano ng isang tricycle driver ang dalawang bata na nakaupo sa gilid ng kalsada at may hawak na malaking triangulo. Ilang minuto ang lumipas,…

Read More

PNP: ANTIDEPRESSANT NA INIINOM NI USEC CABRAL MAY SUICIDAL EFFECT

SINISILIP ng mga awtoridad ang posibilidad na may epekto sa pag-uugali ang iniinom na antidepressant na gamot ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Ma. Catalina Cabral, ayon kay PNP Forensic Group Director Police Col. Pierre Carpio. Ayon kay Carpio, handa ang PNP Forensic Group na magsagawa ng DNA “cross-matching,” subalit hinihintay pa ang reference sample mula sa isang kamag-anak ni Cabral upang maisagawa ang paghahambing. Sa isang pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Carpio na sapat na sa ngayon ang fingerprint examination upang makumpirma…

Read More

Pangunahing idinulog sa NCMH hotline MARAMING DUMARANAS NG ANXIETY AT DEPRESYON NGAYONG HOLIDAY SEASON

TINUKOY ng Department of Health (DOH) na ang mga nakaranas ng anxiety o pagkabalisa at depressive symptoms ang nangunguna sa humingi ng tulong sa mental health hotline ng National Center for Mental Health (NCMH) sa mga huling linggo ng 2025. Ayon sa DOH, nagsimula ang pagdami ng mga tawag bago pa ang bisperas ng Pasko. Pumangalawa sa mga dumulog sa hotline ang may mga suliranin sa love life o relasyon, habang pumangatlo naman ang may problema sa pamilya. Karamihan sa mga tumawag sa NCMH Crisis Hotline ay mga indibidwal na…

Read More

Para maiwasan sakuna sa paputok MDSW MAKIKIPAGPULONG SA POLICE STATIONS

UPANG maiwasan ang kahalintulad na pangyayari kung saan nasawi ang isang 12-anyos na estudyante dahil sa paputok, ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) ay makikipagpulong sa dalawang station commander ng Manila Police District bilang hakbang ng lokal na pamahalaan na maiwasan ang firecracker-related incidents sa mga lugar na dikit-dikit ang kabahayan, sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Sa panayam at pagbisita sa tanggapan ng Manila City Hall Press Club (MCHPC), sinabi ni MDSW Director Jay Dela Fuente, tututok din sila sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay at pulisya upang maagap na…

Read More

HIJOS PULIS IDE-DEPLOY SA TRASLACION

MAGDEDEPLOY ng mga Hijos pulis sa Pista ng Nazareno sa Enero 9, ayon sa pamunuan ng Minor Basilica ng Quiapo. Sinabi ng Rev. Fr. Robert Arellano, hindi bababa sa 100 pulis at Hijos ang sasama sa prusisyon ng Poong Hesus Nazareno sa Traslacion. Magsisilbi silang gabay at bantay para maging maayos at ligtas ang pag-usad ng andas ng Nazareno. Pero nilinaw ng Simbahan na hindi sasalya ng lubid ang mga pulis at hijos, pero sisikapin nilang maging tuwid ang lubid sa pamamagitan ng pagmamaneho sa mga nais humawak o magsalya…

Read More