SOLON UMARAY SA ‘HARASSMENT’ CASE SA OMBUDSMAN

KINONDENA at tinawag na harassment ni Occidental Mindoro Rep Leody Tarriela ang pagsasampa sa kanya ng kaso sa Office of the Ombudsman na nag-ugat lamang nang tanggihan ng DPWH-Mindoro District Office na bigyan ng hinihinging dokumento ang isang brodkaster. Si Tarriela ay sinampahan ng kasong graft sa Office of the Ombudsman ng brodkaster sa Occidental Mindoro na si Radamalyn Fernando Cardoza. “Paano naman na naging kasalanan ko na hindi siya nabigyan ng kung ano mang hinihingi nya na dokumento sa DPWH Mindoro? At kung wala nga siyang nakuhang kung anuman,…

Read More

DZRH REPORTER INARESTO

DINAKIP ang reporter ng DZRH dahil sa pag-ulat sa Manila councilor na may kasong panghahalay sa isang menor de edad. Si DZRH reporter Misael “Boy” Gonzales Jr. ay dinakip kasunod ng reklamong inihain ni Manila Councilor Rosalino “Jun” Ibay Jr. na nahaharap sa hiwalay na kaso ng umano’y lascivious conduct sa isang 17-anyos na menor de edad. Noong Setyembre 2025, inisyuhan ng arrest warrant ng Manila Regional Trial Court Branch 4 si Ibay kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610, as amended by Republic Act…

Read More

‘DI SANA TUMAGAL ANG GIYERA SA MIDDLE EAST

PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMING nangangamba na kung magpapatuloy ang giyera sa Middle East ay marami rin ang magugutom na mga Pinoy. Unang direktang apektado ay ang mga kaanak ng overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Middle East. Maging ang kanilang pamilya na nasa Pilipinas. Siyempre, hindi sila makapagpapadala ng kanilang remittances sa kanilang pamilya na nandito sa bansa. Kabilang sa mga dahilan ay hindi pa sila pinasusuweldo ng kani-kanilang amo. Kung may pera man sila ay hindi rin maipadadala dahil sarado ang mga establisyemento sa kanilang kinaroroonan. May…

Read More

BAKIT HINDI MAIPATAWAG SI ROMUALDEZ SA FLOOD CONTROL PROBE?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MATINDI ang paratang ni Senator Rodante Marcoleta na tila itinago ng pamunuan ng Senate Blue Ribbon Committee si Martin Romualdez sa gitna ng imbestigasyon sa flood control corruption. Ayon kay Marcoleta, sa halip na harapin ng Senado ang seryosong alegasyon laban sa dating House Speaker, ginamit pa raw ang inter-parliamentary courtesy upang hindi ito mapatawag at makaharap sa mga tanong. Kung tama ang sinabi ni Marcoleta, malaking tanong ito sa kredibilidad ng imbestigasyon ng Komite sa pamumuno ni Senator Panfilo Lacson. Sa mga nakaraang pagdinig, paulit-ulit…

Read More

KAPAG GINAWANG CONTENT ANG KAPANSANAN

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISANG lalaki ang nakapila sa priority lane ng ticket station sa LRT-1. Habang papalapit siya sa counter, kapansin-pansin ang kanyang paglakad na tila pilay. Para bang hirap siyang igalaw ang isang paa. Ngunit pagkapasok niya sa gate ng istasyon, tila nawala ang pagkapilay at diretso na siyang naglakad papunta sa platform. Ang video ay unang kumalat sa TikTok mula sa account na gumagamit ng pangalang @naughty.perry. Ayon sa mga nakakakilala kung saan nangyari ang lugar na ito, ang insidente ay nangyari sa Monumento Station.…

Read More

Team Building ng Media sa HOR huwag Paniwalaan, Speaker Dy!

Balitang ‘di Kanais-nais MAY nakarating na “Marites” sa Balitang ‘Di Kanais-nais mula sa informant ng pitak na ito, na plano ng grupong Sindikato ng Media sa loob ng House of Representatives, na magkaroon ng isang Team Building na binubuo ng house accredited media, sa madaling salita bultuhan. Wow! Super dami n’yan, tila mahigit sa 100. Ayon sa source, ang binabalak na team building ng Media Syndicate sa HOR ay hindi para sa buong Accredited Media kundi sa mangilan-ngilang reporter na ang nais ay mangolekta ng budget para sa planong outing,…

Read More

P382-M MATERYALES SA ILEGAL NA SIGARILYO NASAMSAM

NASABAT sa pinaigting na kampanya ng Bureau of Custom (BOC) ang tinatayang P382 milyong halaga ng mga materyales para sa paggawa ng sigarilyo. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na operasyon ng tabako, nasamsam ang BOC, sa pamamagitan ng koordinadong aksyon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Port of Limay, sa Bataan, ang milyong-milyong halaga ng mga materyales sa paggawa ng sigarilyo sa isinagawang anti-smuggling operation sa Pampanga. Pinangunahan ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang…

Read More

SAKO-SAKONG SHABU NASAMSAM NG PHIL. ARMY

TINATAYANG 2.2 tonelada ang timbang ng sako-sako ng hinihinalang crystal meth na nasamsam ng Philippine Army 2nd Infantry Division nitong Martes ng umaga matapos nilang respondehan ang isang sumadsad na lantsa sa baybayin ng Barangay Harrison sa Paluan, Occidental Mindoro. Ayon kay kay Maj. General Ramon Zagala, Army 2ID commander, unang nagresponde ang isang cadre ng Philippine Army at dalawang kasapi ng CAFGU, sa sumadsad na lantsa sa dalampasigan na nag-umpisa ng kaguluhan ng mga tao. Ayon kay MGen. Zagala, namataan pa ng kanyang mga tauhan ang papatakas na dalawang…

Read More

2 SUSPEK SA PAMAMARIL SA BULACAN, TIMBOG

ARESTADO ang dalawang suspek na inuugnay sa pamamaril na ikinamatay ng isang police officer sa Guiguinto, Bulacan. Ayon sa ulat ng Police Regional Office 3 na nakarating sa Camp Crame, nahuli ang dalawang suspek sa magkahiwalay na operasyon sa Bulakan at Obando. Batay sa isinagawang imbestigasyon, lumitaw na ang gunman ay isang dating pulis na sinibak sa pwesto. Habang ang isang suspek ay pinaniniwalaang driver at kasabwat sa krimen. Ayon kay Bulacan Police Provincial Office, Public Information Office chief, PMaj. Jaynalyn Udal, kabilang sa kanilang tinitingnan ay ang reelection na…

Read More