APPROVED na sa third and final reading ang panukalang P6.793 trillion 2026 national budget. Sa botong 17 senador na pumabor, walang tumutol at walang nag-abstain, inaprubahan na ng Senado ang House Bill 4058 o ang General Appropriations Bill. Tulad ng mga naunang deklarasyon ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon sa panukalang pambansang pondo. Samantala, tiniyak ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi sila papayag na hindi matuloy ang livestream ng proseso ng bicameral conference committee meeting sa panukalang budget. Sinabi ni Sotto na malinaw ang napag-usapan…
Read MoreAuthor: admin 3
KASONG KIDNAPPING AT HOMICIDE LABAN KAY ATONG ANG, 25 PA INIREKOMENDA NG DOJ
INIREKOMENDA ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kaso ang 26 na indibidwal, kabilang si Charlie Atong Ang, negosyante at kilalang gaming tycoon. Ayon sa DOJ, may prima facie evidence na pwedeng itindig ang kaso sa korte. Kabilang sa mga inirekomendang kaso ang 10 counts ng kidnapping at homicide laban kina Ang at 25 pang indibidwal, karamihan ay mga pulis. Bukod dito, 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention ang inirekomenda rin laban kina Ang at 9 pang indibidwal. Ipinabatid ng DOJ na ibinasura ang mga reklamo laban…
Read MoreInunahan ang arrest warrant SARAH DISCAYA KUSANG SUMULPOT SA NBI
KUSANG sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes ang contractor na si Sarah Discaya, ilang oras matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakatakdang lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng maanomalyang flood control projects. Dumating si Discaya sa NBI headquarters sa Pasay City bandang alas-diyes ng umaga, matapos makipag-ugnayan umano sa ahensya hinggil sa kanyang pagsuko. Sa isang video message, sinabi ni Marcos na inaasahang lalabas ngayong linggo ang warrant laban kay Discaya at hindi na raw magtatagal bago siya maaresto. “Hindi…
Read MoreBINATILYO TUMANGAY NG MOTORSIKLO, ARESTADO
CAVITE – Arestado ang isang 18-anyos na water delivery boy makaraang tangayin ang isang motorsiklo na naiwan ng may-ari ang susi nang sumilong dahil umuulan sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Martes ng madaling araw. Hawak ngayon ng pulisya ang suspek na si alyas “Russel”, tubong Bicol, at residente ng AFP Housing, Brgy. Bulihan, Silang, Cavite matapos ireklamo ng biktimang si alyas “Joboy”, 28-anyos. Ayon sa reklamo ng biktima, ipinarada niya ang kanyang motorsiklong blue na Mitsukoshi Euro Keeway Icon 110 Scooter, bandang alas-2:00 ng madaling araw sa Governor’s…
Read MoreSANGGOL INIWAN SA KULUNGAN NG BABOY
CAMARINES SUR – Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Calabanga Municipal Police Station matapos madiskubre ang buhay na bagong silang na sanggol na babae sa Zone 2, Brgy. Salvacion Baybay, sa bayan ng Calabanga sa lalawigan pasado alas-2:00 ng hapon noong Linggo. Ayon sa ulat ng pulisya, nagresponde ang mga tauhan ng Calabanga Police Station matapos makatanggap ng ulat hinggil sa nadiskubreng sanggol na nakalagay sa isang palanggana sa likod ng kulungan ng baboy. Dinala ng mga pulis ang sanggol sa Bicol Medical Center para masuri bago ini-refer sa Municipal Social…
Read MoreSa Delay sa Redistricting Law: COMELEC NABABAHALA SA BARMM POLLS
NABABAHALA ang Commission on Elections (Comelec) sa kalagayan ng halalan sa Bangsamoro region dahil hindi pa naipapasa ang redistricting law na kailangan para sa kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM. Batay sa desisyon ng Korte Suprema noong Oktubre 13, dapat maisaayos ang parliamentary districts bago ang Oktubre 30, ngunit binigyan ng hanggang Nobyembre 30 ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) para maisumite ang batas. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, bawal na ang anumang pagbabago sa rehistro 120 araw bago ang halalan at nakadepende ang komisyon sa batas na ipapasa ng…
Read MoreI KILO NG SHABU HULI SA DRUG BUST
NEGROS ORIENTAL – Isang 33-anyos na drug personality ang nadakip ng mga operatiba ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkasamsam sa ilegal na droga na tinatayang may street value na aabot sa P6,929,200.00 sa Purok 5, Barangay Jilocon, sa bayan ng San Jose sa lalawigan. Ayon sa ulat na nakarating sa PNP-PDEG, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Negros Oriental Police Provincial Office (Norppo) at nadakip ang isang alias “Basim”, 33-taong gulang, ng Barangay Sta. Agueda, Pamplona, Negros…
Read MorePNP READY SA 3-ARAW NA TRANSPORT STRIKE NG MANIBELA
IBINIDA ng Philippine National Police (PNP) ang full readiness nito para harapin ang tatlong araw na tigil-pasada ng transport group na Manibela simula ngayong December 9 hanggang 11. Ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sapat ang bilang ng mga tauhan at resources para tiyakin na mananatili ang kapayapaan at kaayusan sa gitna ng nationwide strike. Inatasan na ni Nartatez ang mga police commander sa buong bansa na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya kaugnay ng epekto ng mass action. Matagal nang…
Read MoreGASOLINA TATAAS; DIESEL, KEROSENE STEADY
TATAAS na naman ang presyo ng gasolina ngayong Martes, ayon sa abiso ng iba’t ibang oil companies. Maglalaro sa P1.20 kada litro ang dagdag sa gasolina habang walang galaw sa presyo ng diesel at kerosene. Epektibo ang taas-presyo matapos mag-anunsyo ang Shell, Clean Fuel, PTT, SeaOil at Petro Gazz. Ayon sa Department of Energy (DOE), bunsod ito ng pagtaas sa halaga ng oil products sa world market. Samantala, steady ang presyo ng diesel at kerosene dahil sapat ang supply, lalo na ngayong papalapit ang holiday season. (CHAI JULIAN) 187
Read More