IPINAGTANGGOL ng Malakanyang ang hakbang ng Office of the Solicitor General (OSG) na humirit ng permiso sa Korte Suprema upang katawanin ang gobyerno sa petisyon na kumukuwestiyon sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC). Sa inilabas na kalatas, iginiit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na malinaw ang mandato ng OSG: “Duty-bound ang OSG to defend the government and its officials… dapat lamang kumilos nang naaayon sa batas nang walang pinoproteksyunan na iilan.” Ang pahayag ay tugon sa manifestation ng…
Read MoreAuthor: admin 3
KAMARA NAGSIMULA NA SA CHA-CHA CONSULTATION
SINIMULAN na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkonsulta sa iba’t ibang sektor ng lipunan para sa isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention (ConCon). Kahapon ay humarap sa grupo ang mga negosyante, academe at iba pang sektor sa unang araw na konsultasyon ng House committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez. Isinalang sa committee consultation ang House Bill (HB) 5870 at House Resolution (HR) 460 na inakda ng grupo ni Deputy Speaker Ronaldo Puno na nagpapatawag ng ConCon…
Read More252 GHOST FLOOD CONTROL PROJECTS NATUKOY NG MILITAR
UMAKYAT na sa 252 ghost projects ang natutukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang tumutulong ito sa malawakang imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) kaugnay ng multi-billion peso flood control scandal. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margaret Padilla, inatasan ang militar na tumulong sa pagbusisi sa humigit-kumulang 30,000 infrastructure projects na sakop ng imbestigasyon. Sa ngayon, mahigit 10,000 questionable projects pa lamang ang kanilang nalilibot, katuwang ang Philippine National Police, gamit ang mga isinumiteng coordinates ng project sites. At sa bilang na iyon, 252 na ang…
Read MoreBishop Tobias sa mga kurakot: PWEDE BA, TUMIGIL NA KAYO?
“PWEDE ba tumigil na kayo?… Tumigil na kayo!” Bahagi ito ng homily ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias sa Thanksgiving Mass na inisponsoran ng tanggapan ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa Mababang Kapulungan kahapon. Sa harap ni Dy kasama ang ilang mambabatas at mga opisyales at empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, naging laman ng homily ni Tobias ang katiwalian sa bansa ngayon na kinasasangkutan ng ilang kongresista. “Let me say the involvement of our congressmen and leaders of the country in the recent massive corruption…
Read MoreP68-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Tinatayang P68 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang tatlong bigtime tulak na nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga naaresto na sina Rolando Glanan Jr. y Abejer alyas “Mohammad”; Michael Aniano y Amesto at Maria Fhel Aniano y Navilla alyas “Marie”, pawang nasa listahan ng HVIs ng pulisya. Ayon sa ulat, bandang alas-11:20 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Special Enforcement Service (SES) ng Cavite Philippine Drug Enforcement…
Read MoreP31-M DROGA, 369 SUSPEK TIMBOG SA 1 BUWANG OPERASYON SA DAVAO REGION
MAHIGIT P31.3 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska habang 77 high value individuals (HVI) at 292 street level individuals ang natimbog sa buong buwan ng Nobyembre sa isinagawang operasyon ng Police Regional Office 11. Ito ang inihayag ni PRO 11 director, P/Brig Gen. Leon Victor Rosete, sinabing umabot sa 369 drug personalities ang kanilang naaresto sa buong buwan. Sa nasabing bilang, umabot sa 313 anti-illegal drugs operations ang kanilang ikinasa na kinabibilangan ng 206 buy-bust at 49 implementations of warrant of arrest. Ayon kay Rosete, kabilang dito ang…
Read MoreMuling nangalampag sa DOJ POLITICAL PRISONERS PALAYAIN – KARAPATAN
HINDI magsasawang mangalampag ang ilang human rights groups hangga’t ‘di napapalaya ang mga political prisoner na dahilan ng kanilang sentimyento sa pagtungo sa Department of Justice (DOJ). Muli nilang iginiit na palayain na ang kanilang mga kaanak na ayon sa kanila ay sinampahan lang ng mga gawa-gawang kaso para makulong. Ayon sa grupong Karapatan sa pamumuno ni deputy secretary general Maria Sol Taule, umabot sa 697 political prisoners ang patuloy na nakakulong kahit walang malinaw na kaso. Wala aniyang mabigat na dahilan para manatili sila sa kulungan at mangulila sa…
Read MorePNP TINUTUGIS SI CASSANDRA ONG, IBA PANG KAPWA AKUSADO.
INIHAYAG ni Acting PNP chief, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., na kanilang pinaiigting ang pagtugis kay Cassandra Ong at iba pang kapwa akusado nito. Sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya, patuloy ang kanilang paghahanap upang maaresto ang mga akusado ng qualified human trafficking. Ayon kay Nartatez, kanyang inatasan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na palakasin ang operasyon hindi lamang laban kay Ong kundi maging sa lahat ng iba pang mga akusado na may kaugnayan sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). “We do not…
Read MoreSOCIAL MEDIA POSTS NI BARZAGA BINURA NA
MISTULANG umiwas sa mas mabigat na parusa si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga kaya sumunod ito sa direktiba ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na burahin ang kanyang mga social media post na naging dahilan ng kanyang suspensyon. Mula noong Martes ng gabi ay hindi na makita sa kanyang social media accounts ang 24 posts nito na pinagbasehan ng House Committee on Ethics and Privileges para patawan ito ng 60 araw na suspensyon na walang sahod at iba pang benepisyo. Noong Lunes ng hapon ay inayunan ng 249 congressmen…
Read More