KINONDENA ng youth organization na Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang bagong ordinansa ng Lungsod ng Maynila na nagbabawal sa pagsusuot ng balaclava, face mask, helmet, bonnet, at hoodie sa mga tanggapan ng gobyerno at commercial establishments. Ayon sa ordinansa, kailangang alisin ng mga papasok sa mga opisina at establisimyento ang anomang pantakip sa mukha. Pinag-utos din na ang mga motorcycle rider at angkas nito ay tanggalin ang helmet kapag bumaba ng motorsiklo. Iginiit ni Mayor Isko Moreno Domagoso na layunin ng panukala na maiwasan ang krimen at mapadali ang…
Read MoreAuthor: admin 3
Sa ika-16 Maguindanao Massacre Anniversary PTFOMS NANINDIGAN PARA SA HUSTISYA
SA paggunita sa ika-16 anibersaryo ng Maguindanao Massacre, nagpaabot ng pakikiisa ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) sa mga naulilang pamilya at sa buong media community. Pinangunahan ng PTFOMS ang pag-alala sa 58 biktima, kabilang ang 32 mamamahayag at media workers na nasawi habang ginagampanan ang kanilang tungkulin — ang maghanap ng katotohanan at ihatid ito sa sambayanan. Ayon sa task force, ang kanilang sakripisyo ay paalala sa panganib na kinakaharap ng mga taga-media sa ilalim ng kalayaan sa pamamahayag. Muling iginiit ng PTFOMS na nananatiling buhay ang…
Read MorePOSIBLENG HOUSE ARREST KAY ZALDY CO PINALAGAN
HINDI papayagan ng sambayanang Pilipino na maisailalim sa house arrest si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Ito ang reaksyon ni Navotas Rep. Toby Tiangco kasunod ng pahayag ng abogado ni Co na si Atty. Ruy Rondain na posibleng hilingin nila sa Sandiganbayan na isailalim sa house arrest ang kanyang kliyente. “Hindi tayo papayag na house arrest o bail, hindi pwede yon sa ilalim ng batas. Non-bailable offense ang plunder. Kapag simpleng barya ang kinuha ng isang tao, diretso kulong. Pero kapag bilyon-bilyon ang pinag-uusapan, biglang magre-request ng house…
Read More6 pang pulis tinutugis 8 PARAK ARESTADO SA RAPE, HOLDAP SA ESTUDYANTE
CAVITE – Arestado ang walong pulis sa kasong paglabag sa RA8353 o Anti-Rape Law at robbery in band, habang pinaghahanap ang walong iba pa, kaugnay sa reklamo ng isang 18-anyos na Grade 9 student, sa umano’y isinagawang operasyon sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Nasa kustodiya na ng Bacoor Component City Police Station sina PLt. Ram Rojun Pastor Maristela; PMSgt. Kristian Roxas Vega; PCpl. Marvin Jae Francisco Abella; PCpl. John Michael Salita Aga; PCpl. Ronnie Garcia Lising; Pat. Jimmer Domingo Vendiola; Pat. Crisanto Baraquel Gicoso at Pat. Jefferson Veloria…
Read MoreCONVENIENCE STORE NILOOBAN NG 3 RIDERS
CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang tatlong motorcycle riders na nangholdap sa isang kilalang convenience store sa Lungsod ng Gen. Trias noong Sabado ng gabi. Inilarawan ang mga suspek na magkaka-angkas sa isang pulang motorsiklo. Ayon sa ulat, bandang alas-9:10 ng gabi nang pumasok ang mga suspek sa nasabing convenience store sa San Benito, Brgy. Pascam 2, Gen. Trias City, at nagpanggap na mga customer. Nagkunwaring kinausap ng mga suspek ang shift leader na si alyas “Romalyn”, saka tinutukan ng ‘di nabatid na kalibre ng baril, nagdeklara ng holdap at…
Read More6 MIYEMBRO NG NPA SUMUKO SA BATANGAS
BATANGAS – Anim na sinasabing miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang sumuko sa magkahiwalay na operasyon sa Nasugbu at Balayan sa lalawigan noong Biyernes, Nobyembre 21. Sa Nasugbu, sumuko si alyas “Iya”, 56, residente ng Lian, at isinuko rin ang isang 40mm grenade sa mga operatiba ng 2nd Batangas PMFC at Nasugbu Police. Sa Balayan naman, limang iba pang CTG personalities na may kaugnayan sa Malalay encounter, ang nagbigay ng kanilang sarili sa 403rd RMFB-4A at mga kaagapay na ahensya. Kinilala ang mga ito bilang sina alyas “Purgoso”,…
Read MoreP310K CASH, YOSI TINANGAY SA GROCERY STORE
CAVITE – Halos umabot sa kalahating milyong pisong halaga ng cash at mga sigarilyo ang natangay ng isang hinihinalang magnanakaw sa isang tindahan sa isang pampublikong pamilihan sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na pumasok sa Phoebe Leigh Grocery Store sa Naic Public Market sa Barangay Ibayo, Silangan, Naic, Cavite. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek ang nasabing tindahan sa pamamagitan ng pagsira sa kisame nito at nang makapasok ay tinangay ang pakete ng iba’t ibang brand ng…
Read MoreMiyembro ng Sam Gor int’l drug syndicate CHINESE NAT’L HINATULAN NG LIFE SA DROGA
HINATULAN ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang Chinese national na kasapi ng Sam Gor international drug syndicate, matapos mapatunayang guilty sa pagpupuslit ng mahigit sa 1.4 tonelada ng shabu sa Zambales. Si Kong Ket Koon, foreign national na Chinese and Malaysian descent, ay ‘guilty beyond reasonable doubt’ dahil sa nakumpiska sa kanyang 1,480,395.20 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na tinatayang P10,066,687,360.00 ang halaga, habang sakay ng isang fishing vessel sa Zambales. Pinapurihan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General, Undersecretary Isagani R. Nerez si Presiding Judge…
Read MoreINTERPOL RED NOTICE LABAN KAY ROQUE
NAG-REQUEST na ang gobyerno ng Pilipinas sa International Criminal Police Organization (Interpol) na magpalabas ng red notice laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque kaugnay ng di umano’y qualified human trafficking. Ayon kay Winston Casio, tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), naisumite na ang kahilingan para sa isang international arrest warrant. “Mahirap lang kasi nagpo-project siya na siya diumano ay biktima ng political persecution… Wala namang ganun. Lahat nakadepende sa ebidensiya,” ani Casio sa isang panayam. Noong Mayo, ipinalabas ang mga warrants of arrest laban kina Roque, Lucky South…
Read More