MIYEMBRO NG CRIME GROUP TIMBOG SA BARIL, DROGA

BULACAN – Isang miyembro ng Saturnino criminal group ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS) nitong Lunes ng madaling-araw sa Brgy. Tungkong Mangga, SJDM sa lalawigan. Base sa report ni PLt. Col. Reyson Bagain, Chief of Police ng SJDM CPS, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Potpot,” 31, matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa mga awtoridad. Ang suspek ay kilalang miyembro ng Saturnino criminal group at kabilang sa COPLAN BILOG target list ng SJDM CPS. Nasamsam mula…

Read More

DAGDAG POWER SA COMELEC ISINULONG SA KAMARA

BIBIGYAN ng Kongreso ng dagdag na kapangyarihan ang Commission on Election (Comelec) para masala ang certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato bago ito tumakbo sa anomang posisyon sa gobyerno. Sa House Bill (HB) 2735 o Enhanced COC Documentary Requirements Act of 2025″ na inakda ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Robert Nazal, hindi na ministerial lamang ang gagampanan ng Comelec sa pagtanggal ng COCs ng mga kandidato. Upang maisatuparan ito, pinaamyendahan ng mambabatas ang Section 76 ng Omnibus Election Code kung saan bubusiin nang husto ang documentary requirements na kailangang…

Read More

CIVILIAN MILITARY JUNTA, IMPOSIBLENG MAGTAGUMPAY

KUMBINSIDO si Senador Erwin Tulfo na hindi magtatagumpay ang isinusulong na pagbuo ng transition council o civil-military junta upang palitan na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Vice President Sara Duterte. Sinabi ni Tulfo na hindi magkakaroon ng traction ang naturang hakbang dahil wala itong suporta ng mga civil society groups at maging ng simbahan. “I don’t think na ika nga magkakaroon ng traction yan because number one, hindi naman payag ang civil society. Number two, hindi rin payag ang simbahan yung mga pronouncement ng church kasi it’s against the…

Read More

AUTHOR NG LIBRONG ‘LEAVE NOBODY HUNGRY’ BIKTIMA NG ONLINE SCAM

NANAWAGAN ang book author na si Virgie Rodriguez sa mga government agency na maging maingat dahil ginagamit ng mga sindikato ang logo ng kanyang foundation sa pamemeke at paninira ng pangalan at reputasyon ng mga inosenteng tao para mangikil. Nagsampa na rin ng reklamo si Rodriguez, author ng librong Leave Nobody Hungry, sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police at maging sa tanggapan ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM). Ayon kay Rodriguez, presidente at chairperson ng Leave Nobody Hungry Foundation Inc., kinikikilan umano siya ng P50 milyon ng sindikato…

Read More

GIANT CHRISTMAS TREE SA BRGY. REMBO INILAWAN

NAGLIWANAG sa iba’t ibang kulay ang TLC People’s Park sa Barangay West Rembo, Taguig City matapos pormal nang ilawan ang mala-higanteng Christmas Tree sa lugar. Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang lighting ceremony, kasabay ng engrandeng lights display na talaga namang nagpabighani sa publiko. Katabi ng Pasig River ang nasa apat na ektaryang TLC People’s Park, ay bukas sa lahat at libre. Present din sa event sina Taguig City Vice Mayor Arvin Ian Alit, Taguig-Pateros District Representative Ricardo “Ading” Cruz Jr., Taguig District 2 Representative Jorge Daniel Bocobo,…

Read More

KUNIN ANG AYUDA NA IPINAMIMIGAY NG MGA POLITIKO: PERA NATIN IYON!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PIRISIMA PAALALA mga masugid kong tagasubaybay, lahat ng ayuda na ipinamimigay sa atin ng mga politiko, tanggapin at hingin, dagdagan pa. Take note, pera natin ang ibinibigay nila, hindi nila pera iyon, mga kababayan. Dahil sa ating VAT, bayad sa income tax at kung ano-ano pang tax, at bawat item na bilhin natin, may tax; kahit tambay na jobless, nagbabayad ng tax ‘pag bumili ng yosi, alak, at iba pang bisyo nila, pwera ang illegal drugs — lahat may tax. Doon sa tax natin nanggagaling…

Read More

INTERNATIONAL PROGRESS INC. TINATAWAGAN NG PANSIN

OFW JUAN ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG Filipina household service worker na si Daisy Gabriel, ang humihingi ngayon ng agarang saklolo matapos siyang makaranas ng matinding pag-abuso, paglabag sa kontrata, at pagpapabaya ng kanyang employer sa Al Shifa, Riyadh City. Si Daisy, na na-deploy ng International Progress Inc. sa ilalim ng foreign principal na Dar Akeem, ay nakararanas umano ng hindi makataong sitwasyon sa trabaho, ayon sa salaysay na ibinahagi ng kanyang pamilya. Ayon sa pahayag ni OFW Daisy, tinatrato siya nang masama at madalas murahin ng kanyang employer.…

Read More

SUSUKO BA SI ZALDY CO?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO BINIGYAN ni Interior Secretary Jonvic Remulla ng hanggang ngayong Lunes si dating Ako-Bicol Party-list rep. Zaldy Co at 17 opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Sunwest Corp. para sumuko. May ultimatum na kaya dapat kusang loob na silang sumuko. Pero, mapasuko kaya iyong nasa ibang bansa na? Nagbabala kasi ang DILG na ituturing na nilang mga pugante ang 18 na dawit sa flood control scandal kapag hindi pa rin sumuko sa mga awtoridad. Makatutulong ang mga arrest warrant sa paglitis ng mga…

Read More

EX-USEC. ADRIAN BERSAMIN, IDINEPENSA NI DATING EXEC. SEC. LUCAS BERSAMIN!

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng maiinit na usapin sa tinatawag na budget insertions, umangat muli ang pangalan ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin. Sa isang panayam, tahasan niyang inangat ang boses para ipagtanggol si Adrian Bersamin, dating undersecretary ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), laban sa mga alegasyong isinasangkot ito sa anomalya. At sa pagbigkas ng dating ES, malinaw ang kanyang tindig, hindi nararapat na idawit si Adrian sa anomang masamang isyu. Maraming ulit nang nakita sa pulitika ang “guilt by association”, isang kalakaran kung saan ang…

Read More